Hinanap ni Alex si Cassie. Kung saan-saan siya nagpunta, pero hindi niya makita si Cassie. Nang mapagod siya, naupo siya sa isang bench sa loob ng campus. Hindi niya mapigil ang sarili niya sa pag-iyak. Iyak siya ng iyak. Wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi ang makita si Cassie.
"Alex?"
Napatigil si Alex sa pag-iyak.
"Umiiyak ka ba?"
Inangat niya ang ulo niya at nagulat nang makita niya si Cassie na nasa harap niya at parang nagtataka.
"Oh my... Umiiyak ka nga! Anong nangyari?!"
Tumayo si Alex at biglang niyakap si Cassie. Nagulat si Cassie sa ginawa niya. Takang taka siya kung bakit nagkakaganon si Alex.
"Alex? Ano ba ang problema?"
"I'm sorry Cassie... I'm sorry..."
"A-a-ano bang pinagsasabi mo Alex?"
Hindi makagalaw si Cassie. Iyak pa rin ng iyak si Alex na lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"I'm sorry Cassie... Nasaktan kita..."
"Ah... Yun pa rin ba? Tapos na yun diba? Tama na Alex... Wag ka nang umiyak... Tsaka ok nako... Hindi kana dapat mag-alala... Friends pa rin tayo diba?"
"Hayaan mo Cassie... Hinding hindi nako mawawala sayo..."
Naguguluhan na si Cassie sa mga sinasabi ni Alex.
"Teka nga lang Alex. Hindi nako makahinga e!"
Tinanggal ni Cassie ang pagkakayakap ni Alex sa kanya at nakakunot-noong himarap sa kanya.
"Ano ba talaga ang nangyayari sayo?"
Tumigil si Alex at hinaplos niya ang pisngi ni Cassie.
"Promise ko sayo Cassie... Hinding hindi nako mawawala sayo... Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka... At yung sinabi ko sayo noon? Hinding hindi na mauulit yon..."
"Alex? Ok ka lang ba?"
"Naiinis nga ako sa sarili ko eh. Bakit ko ba nagawa sayo yon? Dapat, ako ang nagpapasaya sayo. Hindi dapat kita binibigyan ng dahilan para malungkot... Anong klaseng boyfriend ako diba? Pero Cassie... Babawi ako sayo... Promise ko yan sayo..."
Napakunot-noo na naman si Cassie.
"Alex? Boyfriend? Hindi na kita boyfriend."
"Pero Cassie..."
"Napag-usapan na natin yan diba? Ang sabi mo, hindi mo kaya."
"Hindi Cassie..."
"Tsaka... Tama ka e. Baka dumating sa point na ayaw mo nakong makita. Ayoko rin namang dumating sa point na ayaw na din kitang makita dahil sa sama ng loob."
Muli na namang naiyak si Alex.
"Cassie..."
"Alex, ano kaba? Wag ka nang makonsensya ok? Hindi ako galit sayo. Hindi rin masama ang loob ko sayo. Knowing na gumawa ka ng paraan para ma-save ang friendship natin, sapat nang dahilan yun para hindi sumama ang loob ko sayo."
Hindi na nakapagsalita si Alex. Hindi pa rin natitigil ang pag-iyak niya.
Tumingin si Cassie sa relo niya.
"Ay! Late na pala! Naku Alex, aalis nako ha? Wag kanang umiyak. Wag mo nang isipin yun, ok?"
Nakita ni Alex ang ngiti ni Cassie sa mukha niya.
"Iiwan na kita ha? Ba-bye!"
Umalis na si Cassie. Naiwan si Alex na mag-isa. Umupo ulit siya sa bench at hindi na naman niya napigilan ang pag-iyak.
Nagla-lunch sina Sab at Cassie sa canteen nang biglang dumating si Mickey na may dalang mga bulaklak.
"Mickey!!!" bati ni Sab kay Mickey.
Napansin ni Sab ang dalang bulaklak ni Mickey.
"Para sakin ba yan?" nakangiting tanong ni Sab kay Mickey.
Tumabi si Mickey kay Sab.
"Naku sorry... Hindi para sayo to... Para kay Cassie to eh... May nagpapabigay..." sagot ni Mickey kay Sab habang inaabot ang mga bulaklak kay Cassie.
Gulat na inabot ni Cassie ang mga bulaklak.
"Kainis naman... Akala ko para sakin..." sabi ni Sab kay Mickey na kunwaring nagtatampo.
"Ikaw naman... Wag kanang magtampo... Love naman kita eh!" malambing na sabi ni Mickey kay Sab.
"Ikaw din love kita! Pero kanino ba galing yang flowers na yan?" nakangiting tanong ni Sab kay Mickey.
Bumulong si Mickey kay Sab. Napatakip ng bibig si Sab at parang kinikilig dahil sa binulong ni Mickey sa kanya.
"Oh pano, alis nako... Dineliver ko lang yang flowers kay Cassie e. Kita nalang tayo mamaya ha? I love you..." pagpapaalam ni Mickey.
"Ba-bye! I love you too!" sabi ni Sab kay Mickey.
Umalis na si Mickey. Nakatitig lang si Cassie sa mga bulaklak na hawak niya. Hindi niya maisip kung sino ang pwedeng magbigay sa kanya non.
"Cassie! Kanino galing?"
"Ha? Ah eh... Hindi ko nga alam e..."
"Tignan mo kaya yung card?"
"Oo nga no."
Binasa ni Cassie ang nakasulat sa card na kasama ng mga bulaklak.
"Hi Cassie. Nagustuhan mo ba yang flowers? I hope so. Kung gusto mong malaman kung sino ako, magkita tayo mamaya sa playground na malapit sa bahay niyo pag-uwi mo. Iintayin kita. Sana dumating ka."
Napakunot-noo si Cassie.
"Yun lang yung nakasulat e."
"Oh my God! Ang sweet! So ano na? Imi-meet mo ba siya?"
"Ha? Ah eh... Ewan ko..."
"What? Ano kaba! Hindi kaba nadala sa sweetness niya?!"
"Eh baka mamaya kung sino to e. Baka magnanakaw, o kaya naman, rapist... Nakakatakot kaya..."
"Ano kaba... Sa playground siya nakikipagkita diba? Palaging maraming kids na naglalaro sa playground. Maraming pwedeng makakita sa inyo. Kaya imposible yang iniisip mo!"
"Bahala na... Eh ikaw Sab? Wala ka bang idea kung sino to?"
"Ako? Ah eh... Wala eh..."
"Bahala na mamaya."
"Pumunta kana. Pag nalaman mong masamang tao yan, tumawag ka agad samin. Ok?"
"Pag-iisipan ko muna..."
"Kakainis ka naman eh! Hindi masamang tao yan, promise Cassie!"
"Paano mo naman nalaman? Para namang kakilala mo yung nagpadala nito... Teka... Baka naman kilala mo nga talaga?"
"A-a-ako? Hindi no! Na-sweet-an lang talaga ko sa nagbigay niyan..."
"Ok..."
"Ano, imi-meet mo na ba siya?"
"Uhm... Oo... Curious din ako e..."
"Good!"
Nagtaka si Cassie sa reaksyon ni Sab.
"Mas masaya kapa sakin ah... Sigurado kang hindi mo kakilala?"
"Ano ka ba! Hindi talaga!"
"Ok sige."
BINABASA MO ANG
Lie To Me
TeenfikceMahal ni Cassie si Alex. Mahal din ni Alex si Cassie, pero bilang kaibigan lang. Ano kaya ang gagawin ni Alex pag nalaman niyang may malubhang sakit si Cassie? Matututunan kaya niya itong mahalin?