Ilang araw ulit ang lumipas. Masayang masaya si Cassie. Ramdam na ramdam niya ang effort ni Alex para mapasaya siya. Sa tuwing may lakad sila ay palagi nalang siyang nasosorpresa sa mga ginagawa ni Alex at umuuwi silang palaging may ngiti sa labi. Isa nalang ang hiling ni Cassie, na sana ay natutunan na siyang mahalin ni Alex.
Vacant nila Alex at Mickey. Nasa loob lang si Alex ng classroom at nakaupo sa pwesto niya nang tabihan siya ni Mickey.
"Alex, tara, labas muna tayo. Mamaya pa naman ulit yung klase natin e."
"Ha? Sige, ikaw nalang. Mas gusto ko dito."
Pinagmasdan ni Mickey si Alex. Alam niyang may iniisip ito.
"Ano bang iniisip mo? Ay, mali. Sino ba ang iniisip mo?"
Hindi sumagot si Alex.
"Si Cassie no?"
Tinawanan lang ni Alex si Mickey.
"Alex... Mahal mo na ba?"
Napabuntong-hininga si Alex.
"Hindi ko alam... Basta ang alam ko lang, gusto ko, pag kasama niya ko, palagi siyang masaya."
"Baka mahal mo na nga..."
Napabuntong-hininga ulit si Alex.
"Mickey... Ang laki na ng pinayat ni Cassie... Palagi siyang maputla... Ang laki na din ng eye bags niya..."
"Ano ang ibig mong sabihin? Na pumapangit na si Cassie?"
Napakunot-noo si Alex.
"Hindi ah! Wala lang... Para kasing..."
"Ano ka ba... Wag mong isipin yan... Ang dapat mong isipin e kung ano ang pwedeng bago mong i-surpresa sa kanya!"
Tumingin si Alex kay Mickey.
"Oo nga no! Ano nga kaya?"
"May naisip ako... Diba, sabi mo, ang laki na ng ipinayat niya?"
"Oo..."
"Bakit di mo siya dalhan ng food?"
"Food? Sigurado ka?"
"Oo! Si Sab, dinadalhan ko ng food. Tuwang tuwa yun pag dinadalhan ko siya ng spaghetti."
"E favorite ni Sab yun e. Hindi ko alam kung ano ang favorite ni Cassie..."
"Alam mo bang alam ko kung ano ang favorite niya?"
"Talaga? Ano ba ang favorite food niya?"
"Omelette. Kahit anong omelette."
"Favorite pala niya yon? Ayos, madaling lutuin yon. Sige. Dadalhan ko siya bukas ng tuna omelette."
"Go Alex! Sarapan mo ha?"
"Thanks Mickey."
Kinabukasan bago pumasok sa school, ipinagluto ni Alex ng tuna omelette si Cassie. Uwian na sila nakapagkita ni Cassie, kaya dinala niya si Cassie sa playground na palagi nilang pinupuntahan. Umupo sila sa gilid kung saan may mga upuan at lamesa.
"Alex, anong meron?"
"Ha? Uhm... Wala lang..."
Napakunot-noo si Cassie.
"Eh bakit nandito tayo?"
"May surprise kasi ako sayo."
Napangiti si Cassie.
"Surprise? Wow... Ano naman ang surprise mo sakin ngayon?"
Nilabas ni Alex ang tupperware na ang laman ay ang tuna omelette na niluto niya.
BINABASA MO ANG
Lie To Me
Teen FictionMahal ni Cassie si Alex. Mahal din ni Alex si Cassie, pero bilang kaibigan lang. Ano kaya ang gagawin ni Alex pag nalaman niyang may malubhang sakit si Cassie? Matututunan kaya niya itong mahalin?