Naglalakad-lakad si Cassie sa loob ng campus nang bigla siyang harangin ng dating kaibigan na si Hannah.
"Aba, kamusta naman ang dati kong kaibigan? Mag-isa ka nanaman yata? Bakit? Tinraydor mo din ba sila?"
Iiwasan sana ni Cassie si Hannah pero hinaharangan nito ang dinaraanan niya.
"Hannah, ano ba ang gusto mo?"
"Wala naman. Gusto ko lang makaganti."
"Na naman? Wala ka na bang ibang alam gawin bukod dyan?"
"Meron pa. Ito!"
Tinulak ni Hannah si Cassie. Nawalan siya ng balanse kaya napaupo siya sa kinatatayuan niya.
"Ano?! Masarap bang umupo sa sahig?"
Hindi na nakapagsalita si Cassie. Tinignan niya ang mga tao sa paligid niya at nakitang nakatingin ang mga ito sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkapahiya.
"Walanghiya ka Cassie! Akala mo hindi ko malalaman na ikaw ang nagsabi kay Mickey nung plano ko? Wala kang karapatan na pakialamanan ang mga gusto kong gawin!"
Dumadami na ang taong nakatingin sa kanila. Napayuko nalang si Cassie.
"Sa susunod na makialam kapa sa mga gusto kong gawin, hindi lang kita dyan itutulak. Sa bangin na! Naintindihan mo?!"
Hindi nagsalita si Cassie.
"Ang sabi ko, naintindihan mo ba?!"
Hindi pa rin nagsalita si Cassie.
"Ang ayokong ayoko sa lahat, yung ayaw sumasagot pag tinatanong ko! Kaya pag sinabi kong sumagot ka, sasagot ka!!!"
Sasampalin sana ni Hannah si Cassie nang may biglang pumigil sa kamay niya.
"A-a-alex?"
Napatingala si Cassie at nakita si Alex na pinipigil ang kamay ni Hannah at pagkatapos ay napayuko ulit. Mas lalo siyang nakaramdam ng pagkapahiya dahil nakita siya ni Alex na ganon ang itsura niya.
"Bakit ba mapag gawa ka ng gulo ha?"
"E traydor yang babaeng yan e! Alex, mag-ingat ka dyan! Wag kang masyadong didikit dyan!"
"Talaga? Hindi ba mas delikado ka?"
"Pero Alex, hindi mo naiintindihan! Tinraydor ako ng babaeng yan."
"Tama lang naman ang ginawa niya e."
"Teka Alex, kinakampihan mo ba yang babaeng yan?!"
"Bakit? Alangan namang kampihan kita, sino ka ba? E muntik mo na ngang sirain yung friendship nung dalawang kaibigan ko!"
Nainis si Hannah sa sinabi ni Alex. Nalipat ang tingin niya kay Cassie na nakaupo pa din sa sahig.
"Hoy Cassie!!! Hindi pa tayo tapos!!! Tandaan mo to, hindi ko basta basta palalampasin yung katraydorang ginawa mo sakin! Babalikan kita!!!"
Tinanggal ni Hannah ang pagkakahawak sa kanya ni Alex at nagdadabog na umalis.
"Oh, hayaan mo na yun ha?"
Tumingala si Cassie. Nanlaki ang mata niya nang makitang nakangiti sa kanya si Alex at inaabot ang kamay niya para tulungan siyang tumayo.
"Tayo kana dyan."
Napangiti si Cassie. Inabot niya ang kamay ni Alex at mabilis na tumayo.
"Uhm... Alex, salamat ha?"
"Ok lang. Ikaw naman kasi, ang hina-hina nung tulak ni Hannah, bakit bumagsak ka? Di ka naglunch no?"
Napangiti si Cassie.

BINABASA MO ANG
Lie To Me
Ficção AdolescenteMahal ni Cassie si Alex. Mahal din ni Alex si Cassie, pero bilang kaibigan lang. Ano kaya ang gagawin ni Alex pag nalaman niyang may malubhang sakit si Cassie? Matututunan kaya niya itong mahalin?