Nasa playground na si Cassie dala ang mga bulaklak na ibinigay sa kanya ng taong kikitain niya s playground. Tinignan niya ang paligid niya. Puro batang naglalaro lang ang nakikita niya. Walang kakaiba. Nakita niya ang isang bakanteng swing at umupo siya doon.
"Nagustuhan mo ba?"
Nagulat si Cassie sa boses na narinig niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swing at lumingon sa likod niya.
"A-a-alex...?"
Ngumiti si Alex at pumunta sa harap niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
Napatingin si Cassie sa hawak niyang mga bulaklak.
"S-s-sayo galing to?"
Ngumiti si Alex.
"Nagustuhan mo ba? Alam mo ba, iniisip ko pa nga kung flowers ba ang ibibigay ko sayo or stuffed toy e."
"Alex..."
"Pero kasi diba, mas sweet kung flowers? Eh kung stuffed toy naman, hindi ko alam kung ano ang paborito mong hayop. Ang dami ngang choices dun e..."
"Alex..."
"May teddybear, may puppy, may kitten, tapos may..."
"Alex!"
Napahinto si Alex sa pagsasalita.
"Ano ba to?"
"Yan?"
Ngumiti si Alex.
"Flowers!"
Napabuntong-hininga si Cassie.
"Ang ibig kong sabihin, bakit mo ko binigyan nito?"
"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?"
"Hindi yon e. Ano ba to? Peace offering? Diba sabi ko naman sayo, hindi ako galit sayo? Ok tayo."
"Ok nga tayo, pero hindi naman tayo..."
Napakunot-noo si Cassie.
"Ha?"
Hinawakan ni Alex ang kamay ni Cassie.
"Cassie... Please... Bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon..."
"Alex... Pero..."
"Wala pa rin akong maipa-promise sayo, pero gagawin ko ang lahat para mapasaya kita..."
Inalis ni Cassie ang pagkakahawak ni Alex sa kamay niya.
"Sandali lang... Naguguluhan pako e..."
"Bakit ka naguguluhan? Malinaw naman yung sinabi ko ah..."
"Ang dami mo kasing sinabi... Hindi ko na-absorb..."
Natawa si Alex sa sinabi ni Cassie.
"Simple lang naman ang gusto kong mangyari e. Maging tayo ulit."
"Ha...?"
"Oo Cassie. Gusto kong maging tayo ulit. Ikaw, gusto mo pa rin ba?"
Natulala si Cassie.
"Cassie... Ano na?"
Tulala pa rin si Cassie.
"Ayaw mo na sakin...?"
Lumungkot ang mukha ni Alex.
"Sige... Kung ayaw mo na, wala nakong magagawa... Aalis nalang ako..."
Kunwaring aalis si Alex nang biglang matauhan si Cassie.
"Teka sandali!"
Hinawakan ni Cassie ang braso ni Alex. Tumigil si Alex sa kunwaring paglalakad at nakangiting humarap kay Cassie.
"Ito naman oh... Ina-absorb ko lang naman yung mga sinasabi mo, aalis kana agad... Syempre gusto pa rin kita! Kakainis ka naman o..."
Lalong lumaki ang ngiti ni Alex.
"Talaga?"
"Talaga..."
"Talagang talaga?"
"Talagang talaga."
"Talagang talagang talaga?"
Natawa si Cassie.
"Talagang talagang talaga."
Yayakapin sana ni Cassie si Alex nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo. Napahawak si Cassie sa ulo niya at muntik na siyang bumagsak. Buti na lamang at nasalo siya ni Alex.
"Cassie!!! Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?"
"Nahilo lang ako..."
"Cassie, namumutla ka! Dadalhin kita sa ospital ha?"
Tarantang taranta si Alex. Bubuhatin na sana niya si Cassie nang pigilan siya nito.
"Teka, teka, teka..."
"Bakit? Dadalhin kita sa ospital!"
"Ano kaba Alex! OA lang? Nahilo lang ako, ok? Hindi ako nabalian ng buto o sumuka ng dugo."
"Pero..."
"Alex... Ok lang ako! Ok?"
"Ok..."
"Ayan tuloy... Nasira yung moment natin."
Natawa si Alex.
"Nasaan na nga ba tayo?"
"Hmmm... Bago ko mahilo, dapat yayakapin kita e..."
"Ok... Ano, game ka na?"
"Game na!!!"
Niyakap nila ang isa't isa. Nagpalakpakan ang mga batang naglalaro sa playground na pinapanood sila. Nahiya sila sa mga batang nakatingin sa kanila kaya mabilis nilang tinanggal ang pagkakayakap nila sa isa't isa.
"Ay Ate... Bakit ayaw mo na i-hug si Kuya?"
"Kuya, i-hug mo ulit si Ate!"
"Oo nga Kuya! Bagay kayo ni Ate!"
"Kiss mo si Kuya!"
"Mag-hug ulit kayo!!!"
"Ang bilis niyo naman mag-hug!"
"Isa pa!!!"
Nagkatinginan sina Cassie at Alex sa isa't isa at sabay na ngumiti.
"Pano ba yan Cassie... Mag-hug daw ulit tayo."
"Eh yung mga bata oh..."
"Request nila yan eh..."
Tumawa si Cassie sabay yakap kay Alex. Niyakap din siya ni Alex at ang mga batang nanonood sa kanila ay muling nagpalakpakan.
BINABASA MO ANG
Lie To Me
Teen FictionMahal ni Cassie si Alex. Mahal din ni Alex si Cassie, pero bilang kaibigan lang. Ano kaya ang gagawin ni Alex pag nalaman niyang may malubhang sakit si Cassie? Matututunan kaya niya itong mahalin?