A Night to Remember: Chapter 2

453 2 0
                                    

PAPUNTA SILA ng kanyang mga kaibigan sa canteen ng makabungo niya ulit si Tyler ang pinakasikat at pinagkakaguluhan ng kababaihan sa school nila bakit hindi napakaguwapo nito, Matalino at mayaman kaya halos lahat ng babae sa campus ay nais mapansin nito.

At tulad ng dati natulala na naman siya kay Tyler sa tuwing dumadaan ito dahil sobrang parang bagyo ang presensya nito na idagdag pa ang napakaguwapong mukha.

"Hey watch your step Lady" ang madiing sabi ni Tyler sa kanya na bahagya pang hinawakan ang kanyang mga kamay para hindi siya ma-out balance.

"Im s-s-sorry"

Nagkabuhol buhol pa ang pag sorry nya dahil sa sobrang pagkataranta dahil sa ikalawang pagkakataon ay nakabungo na naman niya si Tyler at kinausap na naman siya nito.

"Hoy Ayessa ang bibig mo baka pasukan na yan ng langaw" sabi ni Ara sabay tulak sa kanyang baba pataas.

"Ano kamo Ara?" ang nagulat pa niyang tanong dito dahil sa medyo napalakas na pagsasara nito sa kanyang mga bibig na hindi niya namalayang naibuka niya dahil sa pagkatulala.

"Ang sabi ko maganda ka na sana kaso may pagkabingi" ang biro nito na sinabayan pa ng tawa.

"Nakita nyo ba yon Girls kinausap ako ulit ni Tyler" ang kinikilig nya pang sabi habang sinusundan pa rin ng tingin si Tyler na palayo na sa canteen.

"Timang di ka kinausap pinagsabihan ka" ang natatawa namang sagot ni Iyah, at sabay pang nagsitawa ang mga ito

"Come on girls kain na tayo aba nagrarambulan na ang aking mga alaga noh at naghahalucinate na si Ayessa" ang sabi ni Iza at hinigot na siya sa kamay dahil halos ayaw pa niyang lumayo sa pintuan kung saan lumabas si Tyler.

Hanggang matapos kumain ay di pa rin maalis Alis ang magandang ngiti ni Ayessa kahit na siguro pasabugin pa siya ay di niya mararamdaman dahil sa sobrang saya yes loka loka na talaga siya sa sobrang pagkainlove kay Tyler.

"Im really in love with him now" ang sabi niya sa mga kaibigan ng palabas na sila ng campus

"Hay naku day sinabi mo Na sa amin yan One million times mula pa ng unang beses mo siyang nakita" ang sabi ni Iza na bahagya pang nakataas ang isang kilay na alaga sa ahit.

"At hanggang ngayon hanggang sulyap ka pa rin lang at di naman niya napupuna ang beauty mo" ang sabat naman ni Iyah.

"Gosh ni hindi nga ata alam ni Tyler that you exist noh" sabi pa ni Ara na medyo nakairap pa sa kanya na tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

"Grabe naman kayo magsalita ilang beses na po kaya kaming nagkakabungo at kinakausap niya ako noh?" ang masang loob na sabi pa niya dahil sa harap-harapang pagaalaska ng mga ito sa kanya anong magagawa niya kung talagang inlove na inlove na siya kay Tyler na nang magsabog ata ng kaguwapuhan ang Diyos ay ito ang nasa unahan.

"Ayessa nabunggo mo lang siya but is that enough para ma notice ka niya e ni hindi nga nito makuha tumingin sayo noh" ang pasubladang sagot ni Ara na ikinasakit ng loob niya.

"Ang sakit mo naman magsalita why am I that ugly?" ang nagpagsisintemyento niya dahil hindi niya matanggap ang sinabi nitong hindi siya matitigan ni Tyler ano siya Zombie na nakakatakot ang pagmumukha at hindi siya masulyapan.

"Ayessa you are not ugly to tell you the truth you are really stunning but you need to change dear?"

Ang sabi naman ni Iyah totoo naman ang sinabi nito at hindi siya nito binobola maganda talaga siya sa maganda maputi ang kanyang balat at makinis ni wala ito kahit isang mantsha ,bilugan ang kanyang mga mata na may mahahabang pilikmata at mapupungay, katamtaman ang tangos ng ilong at higit sa lahat makipot at mapupula ang kanyang mga labi madami pa ngang nagsasabi na kamukha niya sa Kristine Hermosa dahil kahit di siya katangkaran ay di rin naman siya pandak ang height niya ay 5'3 at higit sa lahat maganda ang hugis ng kanyang katawan.

A NIGHT TO REMEMBER [[COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon