A Night to Remember: Chapter 7

392 3 0
                                    

MAAGA PA LANG ay gising na si Ayessa at naghanda paalis dahil kahapon ng hapunan ay kinausap siya ni Nanay Remy at ibinigay ang address ng kapatid daw nito na taga pangasinan kaya bago tumirik ang araw ay sakay na siya ng bus papuntang pangasinan hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa bagong lugar na pupuntahan niya pero ang hiling niya ay sana maging maayos ang kalagayan niya pati na ang magiging anak.

Nang huminto na ang sinasakyan niyang bus ay dali dali siyang bumaba at sumakay ng jeep papuntang manaog nang makarating doon ay bumaba siya at sumakay ng pedicab papuntang Baryo Alingaw pinakadulo bahagi ng Manaog maliit lang ang Baryo Alingaw ilan lang ang pamilya di pa aabot ng 40 ang pamilyang nakatira sa baryo ngunit napakaganda ng buong paligid at napakatamik tamang tama para sa kanya ang lugar may napakagandang dagat sa likuran ng mga bahay na siyang ikinabubuhay ng buong baryo.

Hinanap niya ang bahay nang sinasabing kapatid ng nanay nila sa dorm at nakita niya ito sa malapit sa dulo tamang tama lang ang laki ng kubo napaka presko ng pagkakagawa napapalibutan ito ng puno ng niyog.

"Tao po tao poooooooo" tawag niya sa may ari ng kubo

"Sino ho sila?" ang tanong sa kanya ng idad dose na batang babae

"Hi nandyan ba si Efren Alaw?" ang nakangiti niyang tanong sa batang babae na bagamat payat ay napakaamo ng bukas ng mukha.

"Opo lolo ko po siya bakit ho?" nagtatakang tanong nito at di pa rin binubuksan ang pintong kawayan at tinitigan siya na parang kinikilala.

"May sulat ako para sa kanya galing sa kapatid niyang si Remy Alaw nandyan ba siya?" ang tanong niya sa dalagita habang nakangiti

"Opo tuloy po kayo tatawagin ko lang si Lolo" sabay bukas sa pintuang kawayan at pinatuloy siya hanggang sa balkonahe

"Ikaw ba ang naghahanap sa akin iha?" ang tanong ng matandang lalaki na siguro ay nasa idad 50 na ito pero mukha pa ring malakas

"Kayo po ba si Efren Alaw?" ang magalang niyang tanong dito at umupo sa upuang kawayan na nakadikit sa dingding ng terrace ng kubo.

"Oo iha bakit may maipaglilingkod ba ako sayo?" tanong ng matanda na umupo na sa upuang tumba tumba.

"Opo may pinabibigay po si Nanay Remy sa inyo" sabay abot niya ng sulat na ipinadala sa kanya ni Nanay Remy bago siya umalis kaninang medaling araw.

Binasa ito ng matanda at maya-maya lang ay ngumiti at sinabi na matutulungan siya nito kung mapagtitiisan niyaang kanilang munting bahay

"Naku di naman po ako maselan siguro ho kahit hanggang makahanap lang po ako ng malilipatan. Meron po ba kayong alam na mauupahang bahay?" nahihiya niyang tugon sa matanda

"Naku tamang tama pala ang dating mo ito kasing katabi kong bahay ay pinapaupahan umalis kasi patungong maynila ang kanyang kapatid at iniwan na sa kanya ang bahay na ito".

"Talaga po puwede ko ho ba siyang tignan nangayon? Kung puwede nyo po akong samahan" hiling pakiusap niya sa matanda na may may mabait na mga ngiti.

"Aba ay oo teka Lang at kunin ko ang aking tsinelas at dyan lang naman sa ikatatlong bahay nakatira si Damian" at tumayo na agad ito at pumasok sa bahay pag labas ay niyaya na akong sumama pinaiwan narin nito ang kanyang dalang bag na ipinasok naman ng batang kanina nagbukas ng gate.

"Damian nariyan ka ba?" ang sigaw ng matanda nang makarating sila sa bakod nitong gawa rin sa kawayan na natataniman ng mga santan at sampaguita.

"Tatay Efren nandito ho sa loob si tatay, pasok na lang ho kayo" ang sabi ng dalagang dumungaw sa bintana na bagamat may kaitiman ay maganda naman ito.

A NIGHT TO REMEMBER [[COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon