A Night to Remember: Chapter 12

311 4 0
                                    

MAKALIPAS ang isang linggo ay binalikan ulit sila ni Tyler pero hindi ito pumasok pinatawag lang siya nito kay Nathaniel bagamat ayaw niya sanang labasin ito dahil baka ipagkanulo na siya ng kanyang damdamin para dito.

Sinabi niyang ayaw niyang lumabas pero kinukulit siya ng kambal at pilit siyang pinalalabas kaya kahit tutol ang loob ay wala siyang Nagawa kundi ang labasin ito dahil siguradong Hindi siya lulubayan ng mga anak.

" Tyler ano pa bang kailangan mo?" ang sabi niya dito ng makalapit siya dito.

Ngunit Hindi siya nito sinagot basta Lang siyang hinigot at ipinasok sa sasakyan nito muntik pa siyang mabingi dahil sa lakas ng pagkakasara nito ng pinto.

"Tyler anong ibig sabihin nito saan mo ako dadalhin?" ang nagtataka niyang tanong dito ngunit Hindi siya nito sinagot at ang sobrang katahimikan nito ang tumatakot sa kanya.

"Tyler please ano ba tong ginagagawa mo nasisiraan ka na ba ng bait? This is kidnapping" ang mas malakas na niyang sabi pero hindi pa rin siya nito pinapansin.

Ilang sandali Lang ay buminto sila sa bahay bakasyunan nito na dalawang beses na niyang napupuntahan.

"Bumaba ka Ayessa" ang ma-aworidad nitong utos sa kanya.

"Ayoko Tyler ibalik mo na ako magaalala ang mga bata" ang matigas niyang tanggi

"Susunod ka ba sa akin o gusto mong pilitin pa kita " ang sabi nito bagamat kalmado ay halatadong galit.

"Ayaw ko ibalik mo ako sa bahay ko dahil hahanapin ako ng mga bata" ang sigaw niya dito at di pa rin bumababa at lalo pang sumisksik sa gilid.

"Bababa ka ng kusa or gusto mo pang buhatin kita huh?" ang banta nito sa kanya pero di parin siya natinag kaya pagalit siya nitong hinigot sa kinauupuan niya at pinasan na parang sako ng bigas.

"Walanghiya ka Tyler nasisiraan ka na talaga ng bait ibaba mo ako" ang galit na galit niyang sabi at pinagbabayo ang likuran nito

Pero ni hindi man lang ito natinag bagkus ay diretso siya nitong ipinasok sa bahay at inihagis sa couch.

"Awwwwww" ang daing niya ng bumagsak sa couch kahit malambot ito ay nabigla pa din ang kanyang katawan kaya siya nasaktan.

"Pinaglalaruan mo ba ang damdamin ko Ayessa, bakit mo ako ginaganito?" ang galit nitong tanong sa kanya

"Hindi ko maintindihan ang pinagasasabi mo Tyler" ang naguguluhan niyang tanong.

"Ako ang ama ng kambal" ang galit na galit nitong sabi

"Anong pinagsasabi mo Tyler nasisiraan ka na ba ng bait sinabi ko na sayong nagkabalikan na kami ng asawa ko diba?" ang pagsisinungaling niya dahil kahit pilipitin pa ni Tyler ang kanyang leeg ay nungka siyang aamin.

"Damn you hanggang ngayon ay nagsisinungaling ka pa rin ako ang ama ng mga bata" ang galit nitong sabi sabay higot ng marahas sa kanyang braso

"How sure are you na ikaw nga ang ama ng mga ito?" bagamat nasasaktan sa pagkakahawak ni Tyler sa kanyang braso ay matigas niya pa ring sagot dito.

"This basahin mo" sabay hagis sa kanya ng papel kung saan nakasulat ang resulta ng DNA test at pati na rin ng kopya ng birth certificate ng kambal.

"How h-ow how did you get all of this?" ang namumutla niyang tanong dito at hindi na niya mapigilan ang mapaiyak wala na talaga siyang lusot mawawala na sa kanya ang kanyang mga anak anong laban niya dito mayaman ito infact ubod nang yaman at siya wala siyang maipantatapat sa kayamanan ng mga ito.

"How dare you Ayessa bakit mo nagawa sa akin ito? Binibilog mo ang ulo ko sa mga kasinungalingan mo" ang galit na galit nitong sabi sa kanya sabay bitaw sa kanyang mga braso.

A NIGHT TO REMEMBER [[COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon