NAGISING siya sa pagkakaingay ng kanyang mga anak at ng tignan niya ang orasan nakita niyang alas siyete na ng umaga kaya napabalikwas siya ng bangon tinanghali na pala siya ng gising siguradong nagugutom na ang kanyang mga anak.
Kaya Dali dali siyang nagsuklay at nagtungo ng banyo para magsipilyo at maghilamos ng makatapos ay hinanap niya ang mga anak
"Natasha! Nathan" ang tawag niya sa mga ito ng paglabas niya ng banyo ay hindi niya makita ang mga ito.
"Mommy over here" ang masayang sigaw ni Nathan sa kanya nanggagaling ang boses ng mga ito sa labas
Nang sumilip siya sa bintana ay nakita niya ang kanyang mga anak na nakaupo sa may upuan sa ilalim ng puno nakakandong si Natasha kay Tyler habang si Nathan naman ay nakahawak sa isa nitong hita.
"Good morning Ayessa" ang nakangiting bati ng napakaguwapong nilalang sa kanya
"Good morning mommy" duet pa ng kanyang mga anak na napaka-ganda ng ngiti.
"Morning kids, morning Tyler" ang sabi niya sa mga ito at lumabas ng bahay at lumapit sa mga ito na abalang nagkukuwentuhan.
"Hey gutom na ba kayo magluluto na si Mommy ng breakfast ok?" ang tanong sabi niya sa mga anak ng mapunang walang balak ang mga ito na humiwalay kay Tyler.
"No mommy daddy already make breakfast, hinihintay ka na lang naming magising me and kuya drink our milk na"
"Oh bakit di ninyo ginising si mommy" ang nagtataka niyang tanong sa mga ito.
"Daddy said kasi na hayaan ka muna magrest kaya siya na lang ang nagtimpla ng drinks naming" ang sabi naman ni Nathan
"Hey kids tutal gising na ang mommy lets eat na" ang sabi ni Tyler at binuhat ang dalawang bata na tuwang tuwa
Wala siyang magawa kundi sundan na lang ang magaama sa kusina at nakita pa niyang abala na ang mga ito sa paglalagay ng mga plato at baso.
Inabutan niyang may mga nakatakip na pagkain sa lamesa ng buksan ito ni Tyler nakita niyang may Omelet, Sausage, at Beef tapa pa at fried rice na may kasamang ham and bacon na lalong nagpakalam sa sikmura niya dahil matagal na siyang di nakakatikim ng mga pagkaing nakahanda
"Wow ang dami naman nito daddy" ang tuwang tuwang sabi ng kambal habang nakatingin sa mga pagkaing dala ni Tyler dahil hindi naman sila nakakakain ng ganon.
"Talaga akala ko pa naman kanina ay kulang" ang sabi nito na nakatingin sa kanya
"Well lets dig in guys" ang dagdag pa nito at nilagyan ng pagkain ang plato ng kambal pagkatapos ay sa kanya
"Hey that's enough" ang awat niya dito dahil halos punuin na nito ang kanyang plato ng fried rice at nilagyan pa nito ng tig-dadalawang piraso bawat klase ng ulam ang kanyang plato.
"No you need to eat more look at you ang payat mo" ang sabi nito sa kanya at tinitigan pa siya mula ulo hanggang paa bago hinawakan ang kanyang braso at pinisil.
"Hoy hindi po ako payat slim ang tawag dito" ang biru totoo niya dito na ikinatawa nilang lahat walang mapaglagyan ang kanyang kasayahan dahil nandito nanaman at kasalo nila si Tyler
"Kitam sabi ko na nga ba at kulang ang food natin next time magdadala ako ng doble" ang sabi nito ng wala na halos matira sa mga dinala nitong pagkain kaya nagtawanan ulit sila.
Tumayo na siya at sinimulang magligpit lumabas naman ang kanyang mga anak at naiwan sila ni Tyler
"Let me help you" ang sabi nito at sabay kuha ng basahan sa kamay niya hinayaan na lang niya ito at hinugasan na lang niya ang mga plato at ng matapos ito ay nagpupumilit tumulong maghugas
BINABASA MO ANG
A NIGHT TO REMEMBER [[COMPLETED]]
RomanceSA UMPISA ay isa lamang paghanga ang nararamdaman ni Ayessandra kay Tyler. Ngunit habang tumatagal ay lalong lumalim ang nararamdaman niya dito dahil bukod sa physically attractive na ito, matalino at mayaman pa. Kaya ng magkaruon siya ng pagkakatao...