A Night to Remember: Chapter 5

417 2 0
                                    

"WALA NA talaga akong pag-asa" ang iyak niyang sabi sa mga kaibigan niya dahil sem break na nila next week at di na rin regular ang pasok di na niya makikita pa si Tyler dahil gagraduate na ang mga ito pagkatapos kasing ipakilala sila noong last Friday ay di na niya ulit pa nakausap ito parang di man lang siya nito naalala.

"Di pa naman katapusan ng mundo ayessa, nakilala ka na naman niya diba kung baga sa ball game naka first base ka na" ang sabi pa sa Kanya ni Iza

"Kahit na ba di man lang ako naalala pagkatapos naming magkakilala" ang patuloy niyang sabi habang umiiyak pa rin dahil malapit na niyang hindi makita si Tyler at wala na siyang nararamdamang pag-asa na makakalapit pa siya dito dahil kung sa school nga nila halos hindi siya matandaan paano pa kaya kung graduate na ito.

"Then just forget your feelings for him ikaw na din nagsabi may pagkamailap ito at di mo rin naman makuha sa pacharming mo" ang sabi ni Ara na halatang naiinis na naman sa kanya kahit naman kailan pakiramdam niya lagi itong naiirita sa kanya at parang napipilitan lang na pakisamahan siya.

"Ang mabuti pa mag bar-hopping na lang tayo" ang yaya ni Iza sa kanila

"Oo nga magpakasawa tayo ngayong gabi anyway kahit wag na tayo pumasok bukas dahil malapit na ang sem break" ang sabi ni Iyah na mukhang excited na excited

"Kayo na lang ayaw ko pumunta doon di rin ako mage enjoy" ang tanggi niya

Dahil ng minsan silang nagpunta doon ay ginawa lang siyang katawa tawa ng mga ito dahil ng painumin siya ng mga ito ay tumanggi siya dahil di siya sanay uminom imbes na hayaan siya ay in-announce pa ni Ara ito sa stage kaya pinagtutukso siya ng mga ito hanggang sa inumin niya, dahil di sanay ay nagsuka siya at pinagtawanan siya ng mga ito at siya pa ang pinagbayad.

"Come on Ayessa don't be so naïve" ang sabi nila ara sa kanya ng umiyak siya dahil sa kahihiyan ng gabing iyon at imbes na humingi sa kanya ng sorry dahil napahiya siya ay mukhang ito pa ang naiirita sa kanya.

"Sige na Ayessa tara na sumama ka na sa amin promise di tayo pupunta dun sa same bar na pinuntahan natin" ang pangungumbinsi ni Ara sa kanya

"Kahit na ba baka lasingin ninyo na naman ako at gawing katatawanan"ang sabi niya sa mga ito at naiinis na humalukip-kip.

"Oh come on Ayessa grow up matagal na yon and you said you forgive us aready diba" ang sabi naman ni Iyah

"At isa pa wala kasi kaming budget ngayon eh sige na please friends naman tayo diba sama ka na" ang kumbinsi pa nila sa kanya

"Sige na nga basta wag ninyo lang akong lalasingin ulit ok?" ang sabi pa niya sa kanila kahit na naiinis siya dahil siya na naman ang gagastos pero wala siyang magawa dahil wala siyang ibang kaibigan kundi ang mga ito lang.

"Ok ang bait talaga ni Ayessa o sige magkita kita na lang tayo sa dance hall bar ok at eight pm tonight?" ang masayang paalam pa nang mga ito sa kanya na mukhang sobrang excited.

Nagalisan na nga ang mga ito at siya din ay umuwi na kumain lang siya ng gabihan at naligo na siya at naghanda sa pagpunta sa dance hall bar ang sinuot niya ay isang halter blouse na black at mini skirt na jeans na pinarisan niya ng boots na may takong lumabas ang kanyang kaseksihan sa kanyang suot na damit.naglagay lang siya ng manipis na make up at lipgloss at hinayaang nakalugay ang kanyang kulot na buhok na bumagay sa napakaamo niyang mukha bagamat simple lang ang ayos ay napakaganda pa rin ng kinalabasan. Pang tungtong ng Alas otcho ay nasa bar na silang magkakaibigan pagpasok pa lang nila ay naamoy na niya ang pinaghalo-halong usok at alak halos hindi pa nga niya makita ang kanilang dinadaanan dahil sa sobrang daming usok at napakaraming costumer na ang iba ay nakatayo pa sa daan habang iginiya sila ng waiter sa bakanteng table ang dinaanan nilang mga lalaki ay nakasunod ang tingin sa kanila ang iba pa nga ay nagpapaswitan, ng makaupo na sila sa table ay nagorder ng drinks ang mga kaibigan niya habang siya ay pinaikot ang tingin sa paligid.

A NIGHT TO REMEMBER [[COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon