A Night to Remember: Chapter 4

336 1 0
                                    

LUMIPAS ANG mga araw at linggo di na ulit nasundan ang paguusap nila ni Tyler masama na ang kanyang loob dahil pagkatapos niyang magbago ng itsura para kay Tyler ay ni hindi man lang siya nito pinansin or tinanong man lang ang pangalan ang kunsuwelo na lang niya ay di na siya ngayon tinutukso sa university bagkos ay pinupuri pa siya at madami na din ang lumiligaw sa kanya at halos lahat sa kanila ay mga sikat at guwapo pero wala pa rin siyang magustuhan kahit isa sa kanila dahil ang gusto niya ay isa lang walang iba kundi si Tyler na hanggang ngayon ay di pa rin niya ma reach.

Pero desidido siyang makuha ang puso ni Tyler kaya kahit ano ay ginagawa niya mapansin lang siya nito.

Nandiyang sumali siya sa Student Council kung saan ay President si Tyler kaso di naman siya nanalo dahil ang nakalaban niya sa posisyong gusto niya ay ang Campus Princess nila na sobrang dami ng supporter, nandyang minsan ay bunguin niya kunwari si Tyler pero wa epek din dahil imbes na si Tyler ang mabungo niya ay ang kasama nito ang nabungo niya. kung minsan naman ay ihuhulog niya ang mga libro niya pag padaan na si Tyler pero di rin pinulot ni Tyler bagkus ay dinaanan lang siya

"Ahh nakakainis talaga, hmpt." ang nagdadabog na sabi niya habang paupo sa lamesang kinauupuan ng kanyang mga kaibigan.

Nasa canteen sila noon at sasabayan niya sana si Tyler sa pagkuha ng pagkain kaso di naman siya maka overtake dahil sa dami rin ng babae na gusto makasabay ito sa pagkuha ng pagkain

"He he he calm down Ayessa nagmumukha ka ng bruha sa pagkasimangot mo" ang tatawa tawang sabi ni Ara sa kanya

"Oo nga naman Ayessa ano ka ba naman, wala kang kadala-dala alam mo namang lagi palpak ang plano mo di ka pa rin kasi tumigil sa pantasya mo kay Tyler" ang nanenermon nang sabi ni Iyah sa kanya.

"Ayessa bakit di na lang yung ibang guys na nagkakagusto sayo ang pagtuunan mo ng pansin kesa naman si Tyler na di ka naman pinapansin" sabi ni Iza

"Ayoko nga sa kanila kaya nga ako nagbago ng itsura at pananamit ko ay dahil kay Tyler at hindi sa kung sino" ang nakasimangot pa ring sagot niya dahil nakatingin siya kay Tyler at ang babaeng gusto na halos itong yakapin habang kumukuha ng pagkain

"Ahh nakakainis na talaga parang di man lang ako nageexist sa kanya" ang mangiyak ngiyak niyang sabi sa mga kaibigan

"Ayessa wala naman talaga pinapansin si Tyler e kaya wag ka mag senti diyan pasensiya ka out of this planet ata ang love mo at di mabighani sa ganda mo" sabi naman ni Iza

"Ah basta gagawa ako ng paraan para magkagusto siya sa akin titigil lang ako pag talagang may gf na siya at malapit na magasawa" ang pangungumbisi niya sa sarili

"Dahil wala pa siyang gf may pagasa pa ako" ang sabi niya pa sa mga kaibigan na hindi pa rin inaalis ang pagkakatingin kay Tyler na ngayon ay paupo na kasama ang mga kaibigan nito.

Umiling na lang ang mga ito dahil talagang wala na silang magagawa para kumbinsihin itong tigilan na ang kalokohan dahil alam nilang talagang mahal na ni Ayessa si Tyler.

"Oh I just remember something Ayessa it might cheer you up" ang sabi ni Iyah

"Hmm ano yun?" ang di interesadong tanong niya dahil ang buong atensiyon niya ay nakay Tyler na abalang kumakain habang masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kasama nito.

"I think this is your last chance to get Tyler" ang nangungumbinsing sabi ni Iyah

"Oh what is that?" ang nanlalaking matang tanong niya at bigla na lang napalis ang pagkakatitig niya kay Tyler at interesadong pinakatitigan si Iyah at parang sinilihan ang puwit niya sa narinig.

"Join their team" ang sabi nito na halos ika hulog niya sa kinauupuan kung kanina parang nakakarinig siya ng tunog ng drum dahil sa sobrang excitement ay para itong biglang pinalitan nang plakang nasisira.

A NIGHT TO REMEMBER [[COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon