A Night to Remember: Chapter 9

399 4 0
                                    

"MOMMY bakit di pa dito tumira ang daddy?" ang tanong ni Natasha sa kanya habang hinihilamusan niya ito.

"Anak di siya dito puwede tumira kasi mayroon siyang sariling house at isa pa busy ang daddy sa work" ang matiyaga niyang paliwanag dito.

"Then tayo na lang ang lumipat sa house niya im sure he wont mind" ang lista nitong sagot na ikinagulat niya imagine 3 years old pa lang ang anak niya ay nakakapagsalita na ng ganito

"Anak there are things na mahirap ipaliwanag so please tama na ang tanong ok?" ang sumusuko niyang sagot dito at dali dali na itong pinunasan at binihisan.

May sasabihin pa sana ito kaso tinignan na niya ito kaya tumahimik na lang hanggang sa patulugin na niya ang mga ito halos maiyak pa siya ng marinig niya ang dasal ng mga ito.

"Dear Papa Jesus sana po ay pasayahin ninyo an gaming mommy dahil parati na lang siyang sad and Papa Jesus if its not too much to ask please padalawin ninyo po sana ang daddy naming kasi miss na miss na po naming siya at pag nandito siya im sure hindi na magiging sad si mommy at lagi na kaming magiging Masaya amen" ang sabay pang pagtatapos ng kanyang mga anak na tumayo na sa pagkakaluhod sa kama.

Nang makatulog na ang kanyang mga anak ay humiga na rin siya ngunit ilang oras na siyang nakahiga ay di pa rin siya dalawin ng antok dahil naiisip niya kung nasan si Tyler dahil mula ng ilabas sa ospital si Natasha ay hindi na ito nagpakita pa sa kanila magiisang lingo na ang nakakaraan hinahanap na rin ito ng kanyang mga anak ang sinasabi na lang niya ay busy sa trabaho at pag tinanong kung kelan ito bibisita ay pinagagalitan na lang niya ang mga ito kahit ayaw niya dahil di niya alam ang sagot sa tanong ng mga ito

"Tok tok tok" ang nagpabalikwas sa kanya mayroong kumakatok pero sino kaya ito ang tanong ng isip niya kaya dali dali siyang bumangon ng marinig niya ulit ang mga katok

"Sino yan?" ang tanong niya ng makalapit sa pintuan

" Its me open the door" ang narinig niyang sabi ni Tyler kaya dali dali niyang binuksan ang pinto

" What are you doin? Its raining hard for goodness sake" ang sabi niya ditto at dali dali siyang pumasok sa kwarto para kumuha ng tuwalyang pamunas dito

" Thank you" ang mahina nitong sabi saka pinunasan ang sarili

" Meron ka bang dalang damit?baka magkasakit ka niyan bakit kasi nagpabasa ka sa ulan" ang nagaalala niyang tanong dito ng umiling ito ay pumasok siya sa kuwarto ay hinanap ang maluwang niyang tshirt nagulat pa siya ng pagharap niya ay may nabunggo siya

" Anong ginagawa mo bakit ka pumasok" ang natataranta niyang sabi

" Ayessa" ang sinabi nito saka siya kinuyumos ng halik ng una ay tinutulak niya ito palayo sa katawan niya pero pero unti unti na rin siyang nadarang sa maalab nitong mga halik kaya gumanti na rin siya ng halik ditto

" Tyler" ang nasabi na lang niya ng palayain nito ang mga labi niya para lang uli halikan kumuha lang pala ito ng hangin at sabik na sabik ulit siya nitong hinalikan.

" Oh ayessa I miss you so much I want you" ang sabi nito at naramdaman na lang niyang nasa mga dibdib na niya ang mga kamay nito

" Tyler don't" ang mabuway niyang pananaway dito ng maramdaman niyang gumagapang na ang kamay nito papunta sa kanyang dibdib

" I miss you terribly pls don't fight" ang sabi nito at lalo pang pinaglalalim ang paghalik sa kanya di niya na Malayang tinutugon niya na rin ng mas malalim pang halik ang mga halik nito hanggang sa buhatin siya nito ay hindi pa rin siya makapag desisyon kung tututol o hahayanan na lang niyang gawin nito kung ano man ang gusto nito...

A NIGHT TO REMEMBER [[COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon