A Night to Remember: Chapter 14 (END)

661 6 0
                                    

NAGPALIPAS pa sila Doon ng ilang araw dahil na rin sa pakiusap ng mga magulang ni Tyler na buong puso naman nilang pinaunlakan dahil alam nilang nasasabik ang mga ito sa apo.

Bago sila bumalik ng pangasinan ay niyaya siyang lumabas ni Tyler naiwan ang kanilang mga anak sa mga magulang ni Tyler.

Makalipas ang ilang sandali ay humito sila sa condo ni Tyler kung saan unang may nangyari sa kanila.

"Ipikit mo mga mata mo wag kang didilat ok?" ang sabi ni Tyler sa kanya na inilagay pa ang mga kamay nito sa mata niya at iginiya siya nito papasok

"Oh!" ang tangi niyang nabanggit pagkaalis ng kamay ni Tyler sa kanyang mga mata. Paano ay nakita niya na ang buong carpet ay napapaligiran ng mga petals ng rosas na kulay puti at pula may lamesa sa gitna na kinalalagyan ng champagne at candles

"Did you like it?" ang nakangiting tanong nito sa kanya sabay abot ng mga bulaklak na nakapatong kanina sa gilid ng pintuan.

"Oh yes its beautiful thank you" ang nasabi niya habang inaamoy ang twelve roses

"Halika lets dance" ang sabi nito at biglang naging deam ang paligid at may malamyos na music

Habang nagsasayaw sila halos magkadikit na magkadikit na nga ang kanilang mga mukha habang nagsasayaw at hindi naghihiwalay ang kanilang mga mata na nagkikislapan sa sobrang saya habang panay ang bulungan nila ng mga sweet nothings.

Pagkatapos nang ikatatlong kanta ay nagyaya na siyang maupo dahil nangangalay na ang kanyang mga binti kaya niyaya na siya nitong maupo sa mesa para kumain at ng buksan nito ang mga nakatakip sa lamesa ay nakita niya ang mga paborito niyang pagkain mayroong T-bone steak with baby carrots and corn and mash potato meron ding salad at ilan pang dish na hindi niya alam ang mga pangalan.

Pagkatapos makakain ay inalis ni Tyler ang takip ng dessert nila at bumungad sa kanya ang heart shape na chocolate cake na may nakasulat na "Will you marry me" at may nakapatong na singsing kinuha ni Tyler ang singsing at lumuhod sa kanyang paanan.

"I love you so much the moment I laid my eyes with you you stole my heart and never gave it back now I want you to pay me by taking me into your life forever, Ayessa will you marry me?" ang sabi nito sa kanya at dahan dahang inilagay sa kamay niya ang singsing na may katamtamang laking diamond.

"You already take my heart long long time Tyler you always took my breath everytime you are near me and being away from you for more than three years was the most unbearable time of my life and yes im willing to marry you" ang sabi niya rito at ginawaran siya nito ng halik na lumalim ng lumalim at muli ay naranasan nilang maging isa.

Paguwi nila ay sinabi na nila ang kanilang planong pagpapakasal sa kanilang mga anak at sa magulang ni Tyler na labis na ikinatuwa ang kanilang plano lalo na ang kanilang mga anak.

"Ayessa siguro panahon na para pumunta tayo sa pamilya mo" ang sabi ni Tyler sa kanya ng nagsosolo na sila sa kwarto.

"Huh?" ang nagulat niyang sabi dahil hindi niya inaasahang darating ang panahong yayain siya nitong pumunta sa kanyang Ama.

" Ang sabi ko puntahan natin ang pamilya mo, malay mo lumambot na ang kanilang puso lalo na ng daddy mo mahigit tatlong taon na rin naman kayong nagtitiisan kaya dapat lang na subukan nating lumapit ulit sa kanila" ang sabi nito sa kanya

"Tyler galit sa akin ang daddy hindi raw niya ako anak, anak daw ako sa ibang lalaki ng mama" ang sabi niya kay Tyler at Hindi niya napigilan ang mga luhang nag-unahan sa pagpatak dahil sa pagkaalala sa sinabi ng ama.

" Kahit na kailangan pa rin nating subukan malay mo lumambot na ang kanyang puso alam kong gusto mong makauwi sa inyo kahit hindi mo sabihin alam kong na mimiss mo sila" ang basa nito sa emosyon niya.

A NIGHT TO REMEMBER [[COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon