A Night to Remember: Chapter 6

375 1 0
                                    

HALOS magdadalawang buwan na siya sa hacienda nila pilit nililibang ang sarili sa pagaalaga sa garden nila kung minsan ay pumupunta sa taniman nila ng mga manga at kung ano ano pang mga prutas malaki ang kanilang hacienda may isang daang hectaria ang sakop nito natataniman ito ng mga prutas pero ang pinaka malaking parte nito ay taniman ng kape.

Di ito masyado naasikaso ng kanyang Ama dahil na rin sa busy ito parati sa law firm nila na sinabayan pa ng katatapos lang na kasal ng kanyang Ate Lira na nasa ibang bansa kasama ang napangasawa nito na isa ring tanyag na abogado bukod pa sa anak ito ng Congressman sa kanilang bayan.

Kaya naman ganon na lang ang kasiyahan ng kanyang ama para sa paborito nitong anak na mas lalo pa nitong ipinagmamalaki at ang kanyang ina naman ay di pa rin umuuwi mula ng pumunta ito sa hongkong para sa kasong hawak nito at wala na silang balita kung saan na ito mas lalo lang naging mabagsik ang kanyang ama sa kanya ng dahil doon.

"Tatay Marcelooooo" ang tawag niya sa katiwala ng hacienda

"Bakit Iha?" nagtataka nitong tanong sa kanya nang humahangos siyang makalapit dito.

"Puwede po ba akong kumuha ng mangga?" ang tanong niya dito dahil nitong mga huling araw ay takam na takam talaga siya sa mangga lalo na ang maasim

"Sige lang iha magpakuha ka kay kanor naku ireng bata na ito puro na lang mangga ang nilalantakan" sabi ng matanda na medyo may pagtataka dahil dati naman siyang di palakain nito

"Salamat po ang bait talaga ni Tatay Marcelo " sabi niya sa matanda at binigyan pa ito ng yakap na ikinatuwa naman nito

"Ikaw talaga o sige na bilisan mo at baka Makita ka na naman ng Daddy mo mapagalitan ka" bilin pa nito sa kanya dahil alam nito na

Ayaw ng daddy niya na pupunta siya sa mangahan dahil noong bata siya ay nasunog niya ang isang puno ng manga dahil sa kapipilit niyang tumulong sa pagpapausok sa mga puno mula noon ay di na siya pinayagan pa ng kanyang Daddy na pumunta doon dahil malas daw siya.

Pinangnguha siya ni Kanor ng apat na malalaking mangga at binalatan pa ito para sa kanya lalo siyang naglaway ng makagat na niya ito ay sarap na sarap siya kahit pa napakaasim nito ay sabay sabay ang kagat na ginawa niya.

" Salamat kanor sige alis na ko baka Makita ako ng Daddy" kumaway pa siya bago umalis napapailing na lang ang kanilang mga tauhan na nakakakita sa kanya dahil alam nila na bawal siya pumunta doon.

Pagdating sa bahay ay nakita niya ang kotse ng daddy niya ibig sabihin ay nakauwi na pala ito buhat sa korte.

"Saan ka na naman galing na bata ka huh?" ang tanong ng Daddy niya pagkakita sa kanya

"Ah eh dyan lang po namasyal lang po" ang kinakabahan niyang sagot dito na hindi makatingin dito nang diretso dahil nanlilisik na naman ang mga mata nito sa kanya.

" Puro ka lakwatsa bakit hindi ka magaral ng leksyon mo at ng di naman puro kahihiyan inuuwi mo sa pamilya na ito" ang nakataas na kilay na sabi nito

" Opo daddy" ang sabi na lang niya

" Aakyat na po ako" ang dagdag niya pa kahit kalian ay di siya makatagal sa harap ng kanyang ama pano ba naman ay lagi itong galit sa kanya di niya maintindihan kung bakit. Di rin siya nito sinagot kaya umakyat na lang siya

Pagdating sa kanyang kuwarto ay bigla na lang umikot ang paningin niya para rin siyang masusuka kaya dali dali siyang pumunta sa banyo at pagdating doon ay isinuka nya lahat ng kinain niya, ng mahimasmasan ay humiga siya sa kanyang kama at nagisip

Ilang araw na siyang nagsusuka at laging tinatamad naisip niya hindi kaya buntis ako? Hindi imposible sabi naman ng isa niyang isip baka may sakit ka Lang pumunta siya sa banyo at tinignan ang kanyang cabinet wala pa ring bawas ang kanyang napkin naalala niya di rin siya dinatnan ng isang buwan doon na siya kinabahan dahil baka mapatay siya ng kanyang Ama kung tama ang hinala niya.

A NIGHT TO REMEMBER [[COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon