four

683 41 0
                                    

"Bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na wag ka nang lumihis.
Tayo'y mag-usap,
teka lang ika'y huminto.
'Wag mo kong iwan,
aayusin natin 'to."

-💛-

"Jihoon ano bang gusto mong iparating?"

"Ano bang sinasabi mo?!"

Dumating si Soonyoung sa bahay nila nang maabutan niyang nakayakap, si Jihoon kay Jisoo habang pinapatahan siya nito, napabitaw lang si Jisoo nang padabog na isara ni Soonyoung ang pinto. Ilang minuto lang ay nagpaalam na sila ni Seokmin.

"Akala mo ba hindi ko nakita kung pano mo idantay yang kamay mo sa dibdib ni Jisoo?"

"Parang-awa naman Soonyoung, may jowa yung tao!"

"Eh ikaw wala?"

"Bakit pakiramdam mo ba meron pa? Soonyoung kasi ako wala na."

"Ah... Kaya pala kung lumandi sa iba ganoon na lang ano--" Isang malutong na sampal ang natanggap niya mula kay Jihoon.

"Ganyan na ba tingin mo sa'kin Soonyoung? Oo nagkakalabuan tayo pero hindi ko magagawa yan!"

"Nagawa mo na nga eh?" Walang emosyong saad ni Soonyoung.

"Soonyoung.." Sinubukang abutin ni Jihoon ang kamay ni Soonyoung pero iniwaksi niya ito.

"Huwag mo kong hahawakan." Sabi ni Soonyoung saka naglakad palabas ng pinto.

"Soonyoung! Please wag ka nang aalis." humarang si Jihoon sa harap ni Soonyoung.

"Tabi."

"S-soonyoung please. Wag mo kong iiwan dito ulit." ani Jihoon pilit na hinahawakan ang kamay ni Soonyoung.

"Bitaw."

"Soonyoung please. Sorry. Sorry. Hindi na mauulit. Ayusin natin to. Wag kang aalis." Pagmamakaawa ni Jihoon, lumuhod na siya habang tuloy-tuloy din ang mga luhang umaagos.

"S-soons.. S-sorry.." Pilit tinanggal ni Soonyoung ang kapit ni Jihoon saka nagdirediretso palabas.

"Soonyoung!" sigaw ni Jihoon kahit nahihirapan na siya sa pagsasalita.

Hinabol niya ito sa labas ng bahay, kahit nakaalis na ang kotse g sinasakyan niya'y patuloy lang siyang tumakbo.

"Soonyoung naman... mahal na mahal kita. W-wag mo namang gawin to."

kahit ayaw mo na ; soonhoon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon