"Lapit nang lapit,
ako'y lalapit.
Layo nang layo,
ba't ka lumalayo?"-💛-
Hindi umuwi si Soonyoung ng gabing 'yon. Pero Si Jihoon umaasang uuwi siya kahit nakipaghiwalay na nga ito sa kanya.
"Soonyoung ano bang problema mo?!"
"Ano na naman ba Seungcheol?"
"Wow. Hindi uso paggalang sayo na pati nararamdaman ni Jihoon 'di mo na ginalang?" Inismaran naman ni Seungcheol si Soonyoung.
"Huwag kayong manghimasok sa relasyon namin." may diin na saad ni Soonyoung.
"Eh gago ka pala eh!" Hindi na nakapagtimpi si Seungcheol kaya't nasuntok niya sa pisngi ang binata.
"Huwag manghimasok?! Puta Soonyoung, kung hindi kami manghihimasok o mangingialam paano si Jihoon?! Hindi tatawag si Jihoon sa gitna ng gabi para itanong kung nasan ka! Hindi siya kailangang patahanin ni Jeonghan, ni Jisoo, ni Seokmin o kung sino man kung hindi mo siya ginagago!" Seungcheol pointing him, anger is visible on his face.
"Sobra yung pag-aalala niya sa'yo pero ikaw walang pakialam." Sinipa ni Seungcheol ang gulong ng kotse niya sa so brang galit.
"Pinagsisiksikan niya yung sarili niya sayo. Lapit siya ng lapit sayo umaasang maaayos pa yung relasyon niyo pero ikaw yung kusang lumalayo!" May kalmang saad na ni Seungcheol.
"Hinihintay ko na nga lang ns mapagod si Jihoon sa'yo eh." Nanatiling tahimik si Soonyoung, habang nakakuyom ang palad.
"Tandaan mo 'to Soonyoung. Kapag si Jihoon na ang napagod sa'yo, wala nang maghahabol sa'yo. Wala nang taong handang magsakripisyo para sa'yo. Diba 'yon naman yung gusto mo? You want to get rid of Jihoon?" Hinawakan ni Seungcheol ang kuwelyo ng binata.
"Then let us wake him up from this. Let him realize that he don't deserve you. Because you know what Soonyoung?"
"He deserve someone's better who will cherrish him Someone na handang gawin kung ano yung ginagawa niya sa'yo ngayon. At hindi ikaw yun." Marahas na binitawan ni Seungcheol ang kuwelyo niya't saka sumakay sa kotse niya pinaharurot ito.
Soonyoung remain silent. Fist get tighten, he's in a verge of crying but he chose not to let it out.
BINABASA MO ANG
kahit ayaw mo na ; soonhoon
Fanfiction"Ang daling sabihin na ayaw mo na, pero pinag-isipan mo ba?" this band // kahit ayaw mo na - filipino