seven

691 34 8
                                    

"Labo nang labo.
Tayo'y malabo."

-💛-

"Tama na Ji. Tumahan ka na nga." anya jeonghan habang pinapatahan si Jihoon.

"H-hyung. Bakit ganon lang kadali sa kanya yun? Bakit parang ang dali-dali sa kanyang makipaghiwalay sa'kin? Hyung masiyado na ba yung hindi ko pagpapakita ng affection sa kanya? Eh hyung alam naman niyang mahal ko siya eh. Bakit kung sabihin niyang hindi na niya ko mahal ganoon-ganoon na lang?"

"Sa ngayon siguro napagsasabihan na ni Cheol yun. Matatauhan din yun Ji."

"Hyung. Hindi. Kilala niyo si Soonyoung. Kapag sinabi niyang ayaw na niya, ayaw na niya. Ako lang naman talaga yung humaharang sa desisyon niya eh haha." natatawang saad ni Jihoon.

"Kung papalayain ko naman siya hyung hindi na ako mahihirapan diba? Hindi na siya mahihirapan."

"Haba na nang sinakripisyo mo, ngayon ka pa ba susuko?"

"Eh hyung anong magagawa ko? Ang gulo na. Ang labo-labo na." sabi ni Jihoon saka umubob sa sa balikat ni Jeonghan.

"Siguro huling usap hyung. Huling pagkakataong makapag-usap kami. Papakawalan ko na siya. Wala namang magbabago. Mamahalin ko pa rin siya kahit wala na siya sa'kin." Ngumiti si Jihoon kay Jeonghan, kitang-kita mo ang lungkot sa mga mata niya, at awa naman sa mata ni Jeonghan.

"Huli na 'to hyung. Pagkatapos nito, tama na. titigil na ko."  niyakap nang mahigpit ni Jeonghan si Jihoon.

"Kung yan yung alam mong makakabuti sayo, pati na rin kay Soonyoung. sige. Hahayaan namin kayong mag-usap. Kami nang bahala kay Soonyoung."

"S-salamat hyung."



-

we have that one friend like jeonghan na magpupush sating lumaban pa rin. 🤷

kahit ayaw mo na ; soonhoon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon