nine

670 36 21
                                    

"Ang hirap 'pag, di mo alam ang iyong pupuntahan.
Kung ako ba ay pagbibigyan, o nalilito lang kung saan?"

- 💛 -

soonyoung's pov

alam ko lahat kayo naiinis sa'kin ngayon. hehehehehe.

ang gago ko 'no? pinakawalan ko yung taong walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako. walang ibang inintindi kung hindi ako. walang ibang inisip kung hindi ako at ang relasyon namin.

hindi ko alam kung paano ko natiis na makitang umiiyak at nahihirapan siya sa harap ko. ayaw ko naman talagang gawin sa kanya yun eh. kaya wag na kayong magalit sakiiiin. :'<

hindi ko basta-bastang bibitawan yung limang taon namin, hindi ko hahayaang mawala sa'kin si Jihoon.

Nagsisisi ako, oo. inabuso ko nang sobra yung pagmamahal sa'kin ni Ji na inakala kong hindi niya ko papakawalan.

Pero ganoon nga siguro. Nasaktan ko siya. napagod siya.

Mahal ko si Ji. Mahal na mahal na mahal.

Kaso naguguluhan ako. Kung aalis ba ako sa piling niya o hahayaan kong mabulag siya sa kasinungalingan pero kasama ko pa rin siya.

Pero ito lang yung alam kung dahilan para hindi na siya mapahamak.

I did something na alam kong kakamuhian niya ko kaya inunahan ko na bago niya pa malaman yun.

He'll hate me, because i left him and he'll hate me more kapag nalaman na 'to.

Now, ihahanda ko na lang muna yung sarili ko sa possibilities.

Ihahanda ko na yung sarili kong tuluyang mawala sa piling ni Jihoon. Ihahanda ko na yung sarili kong maramdaman yung nararamdaman niya ngayon, baka doble pa nga.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar eh, sobrang laki nang dinadala ko na pwedeng lahat madamay.

I'm just hoping na he'll gave me another chance after this. Malabo, oo alam ko yun.

Pero aasa ako na sana mangibabaw yung pagmamahal niya sa'kin kesa sa galit. Sana yung puso niya handa pa ring tumibok para sakin. Sana matapos man lahat ng ito, ako pa rin yung mahal niya.


---
matatapos na ajujuju



kahit ayaw mo na ; soonhoon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon