jihoon walks to where wonwoo told him.
hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman niya halong galit, inis, awa.mahal niya si soonyoung pero hindi niya alam, sobrang gulo ng sitwasyon nila para mangibabaw pa yung pagmamahal niya.
there, he spot soonyoung sitting on the grass filled field.
habang palapit siya nang palapit, palakas din nang palakas ang iyak na naririnig niya.
jihoon feel that lump on his throat that he can't speak.
"soons." dahan dahang lumingon si soonyoung, at sa panahong iyon gusto na lang umalis ni jihoon ng tingin, hindi niya maatim na makitang mugto, malalim ang mga mata ni soonyoung. ang sakit makita na yung taong mahal mo sobrang nasasaktan, pero wala kang magawa, kasi maski ikaw mismo sinasaktan niya.
"J-ji anong g-ginagawa mo rito?" soonyoung tried to wipe his tears pero may mga bagong tumutulo.
"ikaw anong ginagawa mo rito?" tanong pabalik ni jihoon, panandaliang napatahimik si soonyoung.
"sinabi sa'yo ni wonwoo lahat no?" napayuko si soonyoung, habang may mga luha na namang nagbabadyang tumulo.
"why didn't you tell me?" saad ni jihoon ng malumanay saka umupo sa tabi ni soonyoung.
"natakot ako." sabi ni soonyoung bago nilaro ang mga daliri niya.
"alam ko kasi na kakamuhian mo ko, kasi naman si dad ang rason kung bakit naghiwalay parents mo at kung bakit nawala si tita." jihoon stared at him nang naluluha na rin.
"If napigilan ko si dad sa plano niya edi buo pa kayong family, hindi ka magagaya sa'kin--"
"ssshhh. hindi mo kasalanan. wala kang kasalanan okay?" anya jihoon, isinandal ang uli ni soonyoung sa balikat niya.
"ji.."
"oh?"
"bakit napakalambot ng puso? ang- ang laki ng kasalanan namin pero hindi pa man ako humihingi ng tawad, napatawad mo na ako."
"kasi soonyoung. mahal kita. na kahit ilang beses mo pa akong sukuan, ilang beses mo pang sabihing ayaw mo na. ako lalaban para satin." sabi ni jihoon habang hinahaplos ang malambot na buhok ni soonyoung.
"kaya sige na, tumigil ka na sa kakaiyak. uuwi na tayo. marami ka pang ikukuwento sakin." pahabol niya at pinunasan ang mga luha ni soonyoung.
mahina namang tumawa si soonyoung saka tumayo at inalalayan si jihoon.
BINABASA MO ANG
kahit ayaw mo na ; soonhoon
Fanfiction"Ang daling sabihin na ayaw mo na, pero pinag-isipan mo ba?" this band // kahit ayaw mo na - filipino