Chapter 11

1.7K 30 13
                                    

Chapter 11

Ilang buwan na din ang nakakalipas at ganoon pa rin ang set-up namin ni Carter.

Umuuwi siya tuwing biyernes ng gabi at uuwi naman nang linggo din ng gabi.

Araw-araw ko ding nakikita si Mama na laging nakatulala, marahil ay iniisip nanaman ang problema namin sa buhay.

Lagi n'ya kasing iniisip na baka di ako makapagpatuloy sa college dahil di n'ya kaya.

Hindi niya kayang pag-aralin ako, sinabi ko namang kaya ko pa ring magtrabaho para sa pag-aaral ko.

Pero sinisisi nya lagi ang sarili n'ya na sana daw manlang daw ay iyon lang ang magawa n'ya sa akin bilang anak n'ya.

Ngayon nga ay nakita ko nanaman si Mama na naka-upo sa sala at malalim nanaman ang iniisip.

"Ma, may problema ba?" tanong ko. At nilapitan ko sya at tinabihan ng upo.

"A-anak" bigla nalang tumulo ang luha ni Mama at niyakap ako ng mahigpit.

"May problema ba Ma?" hinagod ko ang likod ni Mama para patahanin ito.
Pero hindi ko pa din mapatahan si Mama at hinayaan ko lang itong ilabas n'ya kung ano man ito.

"A-anak sorry" hinagkan niama ang pisngi ko inayos ang buhok ko.

"Para saan Ma?" napaka-kunot kong tanong.

"Sorry kasi" yumuko si Mama at inumpisahan nanamang umiyak. "kasi pinalalayas na tayo dito sa bahay anak" hindi ko alam ang sasabihin ko dahil dito na ako lumaki.

Saksi ang bahay na ito sa paglaki ko at ito lang ang meron kami ni Mama.

"B-bakit mo? Hindi pa ba da atin to Ma?" tanong ko na naiiyak na rin.

"Sa Auntie Precy mo kasi ito anak, pinatuloy lang tayo dito kasi pumunta sila ng ibang bansa ng asawa n'ya.

"Bakit naman mo babawiin e sa'tin na po ito" hindi ko alam kung saan na kami tutuloy ni Mama hindi naman pwedeng kina lola kami tumuloy dahil siksikan na din sila doon.

"Dito na daw sila titira anak, at nagalit din kasi ang Auntie mo sa akin dahil lagi akong nanghihiram ng pera para sa pag-aaral mo" iyak ni Mama sa harap ko.

"Ma alam mo naman na ang ugali ni Auntie diba? Dapat hindi mo na ginawa yun"

"Pero anak gusto lang naman na makapag-aral ka" sagot ni Mama.

"Ma naman e" niyakap ko nalang si Mama.

Alam kong napaka rami nang nangyaring pagpapahiya kay mama dahil lagi syang nangungutang kina auntie Precy. Naglalaba din s'ya noon sa bahay nila para makapagbayad sa utang.

Ayoko sanang magtanim ng galit sa kanila pero iyon talaga ang nararandaman ko para sa kanila ngayon.

Dahil hindi dapar nila ginagawa ito kay mama, dahil si mama lang naman ang nagpa-aral kay auntie Precy noon, kahit gaano pa kagusto ni Mamang mag-aral noon ay pinili nyang pag-aralin ni Auntie para din naman daw sa kinabukasan nila iyon.

Pero iba ang kinalabasan ng pangarap ni Mama dahil naging iba si auntie nang makapagtapos ito at iniwan nalang si Mama, at piniling pumunta nang abroad.

"Ma! Dapat lang na tulungan ka n'ya kasi diba ikaw ang nagpa-aral sa kanya noon? Bakit ganon ma? Bakit ganon si Auntie?" tanong ko at lumuhang muli at niyakap si Mama.

"Ganon talaga anak, pero wag na wag kang magtanim sa auntie mo huh? At wag mo nalang gagayahin" sabi ni Mama, kahit kailan talaga ay napaka-bait ni Mama kahit siya ang dihado ay nagagawa pa niyang maging mabait at kalmado.

"Saan na tayo pupunta n'yan ma?" tanong ko.

"Hindi pa ako nakakahanap 'nak" sabi naman ni Mama.

"Ano kaya kung magtrabaho nalang ako Ma?" tanong ko.

"Magtrabaho?" tanong niya. Tumango naman ako tinitigan si Mama. "Mag-arak ka muna anak, diba may pangarap pa tayo?"

"Okay po Ma" sabi ko at niyakap muli si Mama at hinalikan naman n'ya ako sa noo.

"Akyat po muna ako sa kwarto Ma!" tumango naman si Mama at tumungo na ako sa kwarto ko at binuksan ang cellphone ko para matawagan di Carter.

Naka-ilang ring na at hindi pa rin m'ya sinasagot, dati-rati naman ay sa ganitong oras ay sinagot n'ya na dahil wala na s'yang klase.

Kaya nagtipa nalang ako ng text sa kanya.

To: Love

Hi Love, miss na kita, tawagan mo naman ako pag di kana busy.

Kailangan ko kasi talaga ng mapaglalabasan ng nararamdaman ko ngayon at siya lang ang gusto kung maka-usap ngayong may problema ako at s'ya rin lang nakakapag-pakalma sa akin.

Hindi ko naman napansin na nakatulog na pala ako at nagising nalang ng pagyugyog sa akin. Pagdilat ko ay agad sumalubong sa akin ang mukha ni Mama na ngayon ay nakangiti.

"Kain na" nakangiti pa rin si Mama na para bang walang nangyari kanina.

Niyakap ko naman si Mama.  "I love you Ma!" masaya kong sabi sa kanya.

"I love you too anak!" sabi ni Mama. "Halika kana at makakain na tayo"

"Sige po Ma! Susunod po ako" sabi ko naman tumango naman sya at lumabas na.

Tinignan ko naman ang cellphone ko at nagbabakasakaling may text o tawag si Carter pero nabigo lamang ako dahil wala itong ni isang tawag o text manlang.

Sinubukan ko naman uli iyong tawagan pero ganoon pa din, wala pa ring sumasagot sa tawag.

Ngayon lang siya hindi tumawag at nagtext manlang sa akin, baka busy lang talaga siguro sa pag-aaral n'ya.

Nagtext nalang ako ulit baka sakaling mabasa n'ya.

To: Love

Bakit hindi mo sinasagot tawag at text ko? Busy kaba? At uuwi kaba ngayong weekend love?

Tanong ko at lumabas na ako sa kwarto at kumain na.

Pagbalik ko una kong chineck ang Cellphone ko kung may text s'ya at meron nga, bigla akong na excite na buksan ito.

Pero agad ding nawala ang ngiti ko nang mabasa ko ang text.

My Childhood PlayerWhere stories live. Discover now