Chapter 24

1.5K 28 4
                                    

Chapter 24

Tinawag kaming muli ng emcee para i-announce ang top 5. "Candidate number 5" unang tawag.

"Next is Candidate number 9" sumunod ang candidate number 11 dalawa nalang pareho kaming hindi pa natatawag ni Jen.

"And next number is, candidate number 13" sigawan ang mga taong manonood sa pagtawag kay Jen samantalang ako ay todo na ang kaba.

Tumingin sa akin si Jen na parang sinasabi na laos na ako at di matatawag.

"At sa kukumpleto ng ating top 5 ay si Candidate number" pinatagal pa ng emcee ng kaunti na mas laling ikinakaba ko. "12" lumundag ang puso ko sa sobrang saya dahil sa pagtawag sa akin. Gayon din ang mga tao sigaw sila ng sigaw sa pangalan ko.

Samantalang si Jen at matalim nanaman ang tingin sa akin.

Isa pang rampa at pagpapaganda ang ginawa namin at umabot na kami sa top 3.

Unang tinawag ang pangalan ni Jen at ng grade 11 representative. "And our top 3 is Ms. Bella" sigawan at palakpakan ang narinig ko sa mga tao.

"Okay guys enought, sabay-sabay naman nating dinggin ang mga sagot nila sa iisang tanong. Meaning ay lalagyan ng headphone ang tenga ng mga candidates para hindi marinig ang sagot ng unang kandidata" at dahil huli akong natawag syempre ay ako din ang huling sasagot.

Unang sumagot si Jen at ng nagsasalita na ito ay nagbulungblungan ang nga tao dahil sa bigla nitong paghinto sa pagsasalita na parang nag-iisip. Sa huli ay may mga tumawang mga tao at mukhang naubusan siya ng oras sa pag-sagot.

Nang ako na ay agad akong punwesto sa gitna at confident na ngumiti.

"GO BELLA, KAYA MO YAN!" sigaw ni Jayden na naka-pwesto sa harapan ko.

Ngumiti ako sa kanya at tumingin naman aa bandang kaliwa at nariin naman si Carter na madilim ang tingin kay Jayden.

"Okay heres your question, Ano sa tingin mo ang essence ng patimpalak na ito? You have a one minute to answer"

"Layunin nitong maipakita sa larangan ng sports sa mga kagaya kong kabataan, maipakita ang kahalagahan ng mga sports tulad ng basketball at volleyball at iba pa" hindi ko alam kung tama ba ang sagot ko pero sapat lang para magsigawan ang mga tao at magpalakpakan.

Mga liimang minuto ang hinintay namin bago iannounce at ito na nga.

"Our 2nd runner up is candidate number 11" confident akong humarap sa mga tao. Manalo, Matalo man ay tatanggapin ko ang magiging resulta ng laban na ito.

"Our Miss Intrams 2019 is..." sumigaw ang mga manunuod na halos hindi na marinig ang tugtog. Bitin na bitin ang sinasabi ng emcee kaya mas lalong nagpakaba sa akin.

"Sino ang pambato niyo?" sabi niya sa mga manonood.

"Twelve, Twelve" sigaw ng karamihan pero may mga tumatawag din naman kay Jen.

"Okay ito na our Miss Inramural is Candidate number..." huminto ulit ito. "TWELVE" sigaw ng emcee na ikanagulat ko, hindi ko alam pero sobrang saya ko sa narinig ko, at ako ang nag title bilang Miss Intrams. Samantalang si Jen ay halos mangiyak ngiyak sa gilid na na nakatingin sa akin. Kinoronahan ako at binigyang ng trophy.

Palakpakan at may kasamang hiyawan ang mga tao sa pangalan ko.

Nang makabakik ako sa Backstage ay agad akong sinalubong ni Carter.

"Congratulations" Bati niya sa akin at nilapitan ako at niyakap. Nakatingin naman sa amin ang ibang candidates kasama na si Jen na bakas pa rin ang lungkot.

"Thank you" ngumiti ako sa kanya at hinarap naman ang iba pang bumabati sa akin.

Well? I won! Poor Jen! Hahaha.

My Childhood PlayerWhere stories live. Discover now