Chapter 16
Lunes ng umaga at agad na kaming nag-ayos ng aming sarili at pumunta na nang Fashion Studio.
"Naituro ko na naman sayo ang gagawin diba? Lakad lang ng may kasamang kembot tapos iikot lang, then balik sa back stage, ganon lang." paalala sa akin ni Angie habang patungo kami doon.
Tinuruan niya rin ako sa dapat at di-dapat kong gawin doon.
"Oo Bella! Panigurado sisikat ka agad dun. Yang ganda mo ba naman kasing iyan eh!" singit naman nitong si Albert.
Nang makarating kaming tatlo sa aming distinansyon ay agad na kaming pumasok agad ko namang nakita si Jayden na seryosong nakatingin sa mga organizers.
"Gie. Don muna 'ko kay Jayden" sabi ko kay Angie.
"Uy ikaw ah! Pinagpalit mo agad si Papa Carts!" humalakhak siya at tinakpan pa ang bunganga.
"Tse! Asikasuhin mo yang si Albert!" napatigil siya sa pagtawa at biglang sumimangot.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at lumapit na ako kay Jayden na seryosong seryoso pa rin.
"Uy, seryoso natin ah!" ngumiti ako sa kanya at unti-unti namang naalis ang kunot niya sa noo.
"May problema ba?" tanong ko.
"W-wala!" sabi niya pero mukha pa rin namang malungkot.
"Meron e, dali sabihin mo na, makikinig ako" hinawakan ko siya sa kanyang likod.
"Wala!" tumawa siya umakbay sakin. "Free kaba mamaya? Labas tayo?" ngayon naman ay ngingiti ngiti siya, di katulad kanina halos pasan ang mundo.
"Bakit? Para san?" tanong ko. Well gusto ko din namang lumabas para makabisado ko itong syusad.
"New friend" ngiting ngiti siya sa akin, so cute. Nakita ko namang nakatingin samin ang nga ibang modelo lalo na sa akin matalim ang tingin nila.
"Okay sige mamaya, pagtapos natin dito" sabi ko.
"Thanks babe" babe?
"Anong babe? Ikaw di mo pa nga ako inayang maging kaibigan tapos may pababe babe kapa? Lakas mo men" inirapan ko siya at humalikipkip.
"Well Bella Venice Tiongson, Will you be my...." wait what? Aayain niya ba akong maging girlfriend niya? "...friend?" aww oo nga pala.
"O-oo na sige na!" pakiramdam ko ay pulang pula na ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.
"Yes! Thank you babe!"
"Hoy ayoko niyang tawag mo sakin ah!" kinurot ko siya sa tagiliran at napa-aww naman ito.
"Okay relax! Hindi na." sabi nito pero naririnig ko pa rin ang mahina nitong halakhak.
"Okay girls sa backstage na at makapag-palit" sabi ni Ma'am Erica na bakla.
"Dun muna 'ko" sabi ko.
"Okay, mamaya ah?"
"Oo na!" sabi ko at pumasok na sa backstage at iyon naman ang ginawa nilang dressing room.
"Ang bago bago ang ladi landi" rinig kong sabi ng isang modelo.
"Ay sinabi mo pa girl" nakita ko silang sumulyap sa akin at sabay na umirap.
"Hayaan mo nalang sila" sabi ni Angie sa akin.
Tumango ako at pinagpatuloy na ang pagsuot ng long gown.
"O girl ako na ang magme-make up sayo" sabi ng isa sa kaibigan nina Jayden.
"Ahhh thank you" sabi ko at inumpisahan na niya ang pag-ayos sa mukha ko.
"Don't mention it, at kaibigan kana rin naman" ngumiti siya sa akin, napaka ganda niya ang ganda ng mga mata, manipis na labi, makinis at ang tangos.
Nang matapos niya akong ayosan ay umalis din agad siya at uupo na daw sa harap baka daw kasi maubusan ng upuan.
"Ang ganda mo girl" lumapit sa akin si Angie na para bang ngayon lang nakakita ng ganitong mukha.
"Ikaw din naman maganda" sabi ko.
"Well?" nagflip siya ng buhok at sabay kaming humalakhak.
"Okay girls formation." inayos niya kami isa-isa at isa isa ring lumabas.
Nang malapit na akong lumabas ay sobra na aking kinakabahan. Ang lamig na rin ng mga kamay ko sa sobrang kakabahan.
Lumabas na si Angie at ako na ang susunod kaya nagdasal ako ng nagdasal na sana ay hindi ako matapilok at matumba.
At nang ako na ay naglakad ako sa ramp stage ng malumanay ginawa ko ang tinuro sa akin ni Angie, kembot lang ako ng kembot at eye contact sa mga business man na dumalo ngayong araw.
Nang makarating ako ng dulo ay umikot ako at huminti.
Palakpakan ang mga tao pati na rin ang mga business man meron pang napatayo kaya mas lumakas ang confidence ko na maglakad.
Nang makarating ako sa backstage ay agad akong sunalubong ni Angie.
"Wow! Tayuan silang lahat! Ang galing mo" palakpak siya ng palakpak pero ang nga kasama naming model ay masakit ang tingin sa akin.
Meron ilang nakatingin na ngumingiti sa akin pero ang iba ay iba ang tingin sa akin.
Makalipas ang ilan pang minuto ay natapos na rin. Pumasok si Ma'am Erica sa dressing room at kinausap kami.
"Okay guys job well done, pwede na kayong umuwi" napa yes ang mga model kasama na ako.
"At Bella Good Job nagustuhan ka ng mga guest kaya baka ikaw ang kunin para mag endorse ng mga produkto nila" sabi sa akin.
"Thank you po" sabi ko sa sobrang saya.
"O siya umuwi kana"
"Opo" sabi ko at lumabas na.
"Ah Angie baka baka lumabas kami ni Jayden ngayon, uuwi kana ba?" tanong ko.
"Uy" nanguuyam niyang sabi. "Hindi pa ako uuwi may pupuntahan din ako"
"Okay kita nalang tayo sa Condo"
Tumango siya at umalis na ako lumapit ako agad kay Jayden na naghihitay sa sasakyan niya.
Sumakay naman agad ako at agad niya ring pinaharurot ang sasakyan papuntang Starbucks.
#JayBell o #Carbell? Hahaha ang cute ni Jayden sana siya nalang.
YOU ARE READING
My Childhood Player
Teen FictionIntroducing Bella Venice Tiongson a goodgirl and a nerd. Let's meet Carter Jayrius Saavedra, a playboy and a player.