Chapter 23

1.5K 31 2
                                    

Chapter 23

Ilang oras nalang ang binibilang at mag-uumpisa na ang Intramurals kung saan ay isa ako sa mga muse's na kasali.

Kalaban ko ang ibang nga section kasama na si Jen, napaka raming nakapaligid sa kanya para mag-ayos, meroong nag-aayos para sa mukha, sa buhok at sa susuotin niya. Samantalang ako ay ito isa lang ang nag-aayos sa akin.

"Alam mo girl, relax ka lang kayang-kaya mong talunin lahat ng yan, lalo na iyang si Jen" Sabi ni Angie na siyang kasama ko.

"I know!"

"O siya alis na ako baka mawalan pa ako ng upuan" Bumeso siya sa akin at umalis ngayon ay kami nalang nag-aayos sa akin.

Matapon ang isang oras ay natapos na akong ayusan samantalang si Jen ay hindi pa.

Ganon ba talaga kakapal ang inilalagay sa kaniyang make-up? Para matagalan ito? Ako kasi ay napaka nipis lang kaya natapos ako agad. Samantalang si Jen na tatlo pa ang mag-aayos ay hindi pa tapos.

"Labas na po, mag-uumpisa na tayo" sabi noong president ng intrams.

Agad namang nagreklamo sina Jen kasama ang nag-aayos dito na hindi pa daw tapos. "Pwedeng ten minutes pa?" tanong nila.

"Sorry pero dapat na kasing lumabas at kompleto na ang mga judge kasama ang dean" sabi nung president ng intrams.

Lumabas na ako pumila kung saan ay sabay sabay kaming lalabas, lumabas din si Jen na hindi maipinta ang mukha dahil siguro hindi natapos ang pag-aayos dito lumapit siya sa likod ko at doon pumwesto.

Nang makalapit siya ay doon ko napansing hindi pa pantay ang kilay niya kaya siguro ito nakabusangot dahil dito.

Nakita niyang nakatingin ako sa kanya at intiaas ang hindi pantay na kilay. "Ano tinitingin-tingin mo?" sabi nito at tumalikod ako agad dahil tawang-tawa na ako sa pagmumukha niya.

Nang makompleto kami ay lumabas kami sa stage kung saan ay naroroon sa harap ang mga judges at mga studyanteng nagsisigawan.

Kanya-kanya sila ng isinisigaw ng mga section, nang matapat kami sa mga kaklase namin ni Jen ay sigawan silang lahat na nagpalakas lalo sa confidence ko.

"GO BELLA KAYA MO YAN!" sigaw ni Jude na kaklase ko.

"ANG GANDA MO BELLA"

"WOW GALINGAN MO BELLA"

"TALUNIN MO SILA BELLA"

Sigaw sila ng sigaw sa pangalan ko gayon na rin ang ibang mga sections na naguumpisa ng sumigaw ng pangalan ko.

May pailan-ilang sumisigaw ng pangalan ni Jen pero mostly ay pangalan ko ang naririnig sa buong hall quadrangle kung saan dinadaos ang pageant.

Nang makarating kami sa dulo ay isa-isa kaming umikot at nang ako na ay naglakad ako ng tamang tama lang saka dahan-dahang umikot at humawak sa baywang at ngumiti sa mga Judges.

Humiyaw muli ang mga tao at may mga kumakalabog pa ng mga upuan.

Ng si Jen na ay mabilis niyang pumunta sa harap at nagpose at ngumiti humiyaw din ang mga taong manonood at nang tumalikod siya at humarap sa amin para bumalik sa pwesto ay nagsalubong ang mga mata namin. Inirapan niya ako at ganon din ako sa kanya.

Sabay sabay kaming umabante at umikot, bumalik kami da backstage at doon nag retouch.

Sunod ay ang pagsuot namin ng long gown, unang tinawag ang mga freshmen isa-isa. "Grade 11 representative, Marinella Mikae Delgado" sabi ng emcee at lumabas agad ang grade 11 susunod ba ako kaya tumayo ako agad at huminga ng malalim. Samantalang si Jen ay katatapos lang ayusin ang kilay.

"Okay paba kayo VIS?" sabi ng emcee sa mga studyante. VIS short for Vright Internatinal School.

"YESSS!" Sigaw nila.

"Okay here it is! Candidate number 12. Bella Venice Tiongson" lumabas ako ng buong buo ang confidence. Muling sumigaw ang mga kaklase ko gayon na din ang iba pang mga studyante.

"ANG GANDAAA"

"WOWW ANG HOT!"

"GALINGAN MO ATE!!"

"BELLA FOR THE WIN!" Sigaw ng mga manonood sa akin.

Sa kabiliang dako ay nakita ko si Carter na nakasimangot at masama ang tingin sa suot ko.

Well nakasuot lang naman ako ng kulay blue na long gown na may naka disenyong flag ng Pilipinas sa bangdang boobs nito. Sa likod naman ay backless meaning ay kitang kita ang likod ko hanggang sa malapit sa puwitan ko.

Kaya nagmukha akong hot ngayon dahil sa nakaexpose na likod ko. Sa tingin sa akin na iyon ni Carter ay bigla akong kabahan, titig na titig siya sa akin habang isinisigaw ng mga mga manonuod ang pangalan ko.

Deretso lang ang lakad ko at ikit saka pose hanggang makabalik ako sa likod. Sunod naman kumabas si Jen at inirapan pa ako. Higawan din ang mga tao sa kanya. Nang makaupo ako ay nakita ko si Carter na pumasok sa backstage may dala itong jacket na black at lumapit sa akin.

"Isuot mo 'to" inabot niya sa akin ang jacket niya at pinagtitinginan nanaman kami ng ibang candidates.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya at hindi inabot ang jacket.

"Look Bella, napaka-raming nakatinging lalaki sa likod mo, alam mo bang pinagnanasaan kana nila?" nagulat ako sa sinabi niya pero hinfi ako nagpahalata.

"Ano naman ngayon? Paki-alam mo naman?" singhal ko sa kanya at inirapan.

"Please isuot mo muna ito" nang hindi niya nahintay na abutin ko ito ay siya na mismo ang naglagay sa likod ko.

At dahil medyo nilalamig naman ako dahil sa suot ko at hinayaan ko nalang.

Nang makabalik si Jen ay agad niyang nakita si Carter sa likod ko.

Pinagpalit-palit niya ang tingin sa aming dalawa at nagkunot ng noo.

"Carter?" tawag sa kanya ni Jen.

"Yes?" simple nutong sagot na para bang wala siyang pakialam kay Jen.

"What are doing here?" sabi ni Jen.

"Hinatiran ko si Bella ng jacket" sagot nito na wala nanamang emosyon sa mukha.

"Bakit?" nagkunot muli siya ng noo.

"Kasi nilalamig siya?" sarkastikong aniya.

"Nilalamig din ako Carter" wow higad sabi ko sa sarili ko.

"Wait I'll call tita, at mapahatidan ka ng jacket" napata-tawa ako ng mahina dahil sa sagot ni Carter na iyon.

"I hate you" nagmartsa si Jen sa inuupuan nito at nakabusangot. Si Carter naman ay nakatayo lang sa likod ko at walang emosyon sa mukha.

My Childhood PlayerWhere stories live. Discover now