Chapter 12
Love:
Sorry, baka di ako makauwi ngayon dahil sa thesis. Babawi ako promise.
Agad na nawala ang ngiti ko dahil hindi s'ya makakauwi, pero alam ko namang para ito sa pag-aaral n'ya at ako din naman ang may gusto nito.
Kaya nagreply ako agad sa kanya kahit na mangiyak-ngiyak na ako habang nakahiga sa kama.
Ako:
Okay! Love! Ingat ka at I love You.
Sagot ko sa text n'ya at natulog na, hindi ko na rin nahintay ang reply n'ya o nagreply ba s'ya?
Kinaumagahan ay agad na rin akong pumasok sa school para malaman ang coverage ng nalalapit na exam. At nang makuha ko ito aya agad na din akong umuwi para maumpisahan ko na ang paggawa ng reviewer.
"Oh nak! Bilis mo naman?" tanong ni mama pagkarating ko.
"Opo ma, kinuha ko lang po ang coverage ng exam namain" sagot ko kay mama at pumasok na tumango lang s'ya sa akin at pumunta na sa kapitbahay para makilaba.
Nang araw ng sabado at linggo ay wala akong ginawa kung hindi ang parereview hindi rin naman kasi nagpaparamdam si Carter sa akin kaya inubos ko nalang ang oras ko para sa exam namin.
Sinubukan ko namang itext s'ya at tawagan pero walang sumasagot kaya hinayaan ko nalang muna baka busy lang talaga sa thesis nila.
Kaya nang matapos akong magreview ay tinawagan ko si Angie para makibalita.
"Oh napatawag ka?" tanong n'ya sa akin.
"Wala naman, ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya.
"Syempre gusto ano kaba" sabay halakhak. Hindi pa rin talaga nagbabago.
"Kumusta na jan sa atin? Marami pa rin bang tsismosa?" napatawa naman ako sa tanong n'ya. Hindi naman kasi maiiwasan iyon kung insecure sila sayo natural lang na pagtsismisan ka.
"Hindi na nawala" sabi ko naman sa kanya, naiimagine ko tuloy ang reaction n'ya ngayon. Siguro nakabusangot nanaman ito?
"Ano ba kasing mapapala nila sa tsismis? May sahod ba dyan?" tanong n'ya. "Pakitanong nga para di na'ko magtrabaho dito at magtsismisan nalang kami maghapon, Ukininana dagita" (Ilocano Word's") inis na inis na sabi n'ya sa akin. Palagi kasing pinag-uusapan dati sina Angie lalo na noong umalis s'ya para magtrabaho sa Manila.
"Hoy ikaw ah! Natuto ka nang magmura" sabi ko.
"Kainis kasi yang mga yan jan" sabi nya.
"Maiba nga tayo, saan ka naman tumitira jan?" tanong ko dahil parang hindi pa ata n'ya nabanggit sa akin kung saan s'ya tumutuloy. Matagak bago s'ya nakasagot.
"S-sa a-ano uhm, sa Condo?" Condo? Ganon ba talaga la daling kumita ng pera sa pagmomodelo? At nakabili agad s'ya ng condo n'ya?
"Condo?" tanong ko.
"Uhm kasi a-ano" nauutal n'yang sabi.
"Ano?"
"Uhm d-dito ako kay Albert nakatira" hindi ko alam ang isasagot ko dahil sa condo talaga ni Albert?
"A-ano?"
"Wala kasi akong matuluyan syempre alam mo na bago palang naman ako at wala pang ipon, pero paga nakaipon na aalis din naman ako dito" alam kong may nararamdaman s'ya para kay Albert kaya okay lang siguro s'ya doon at safe s'ya doon dahil mabait naman si Albert at mapagkakatiwalaan.
"Okay sige 'baba ko na, tulungan ko lang si Mama" at ibinababa ko naman ito agad at agad ring tinulungan si Mama sa pagsampay ng mga labahin.
"Ma! Tulungan ko na po kayo"
"Mabuti pa nga anak!" sabi naman ni Mama. Napaka bigat nanaman ng mga kumot na ipinalaba ni Aling Susan kaya paniguradong pagod na pagod nanaman si Mama.
Pagtapos namin ni Mama na magsampay ay tanghalian na kaya pinili namin ni Mama na kumain nalang sa kanto kina aking Marina.
"Ma, kumusta? Nakausap mo naba sila auntie?" tanong ko.
Alam kong darating ang araw na baka kunin nalang bigla itong bahay sa amin, kaya mabuti sigurong maghanan na kami ng ibang matutuluyan.
"Desidido talaga ang auntie mo na bawiin ang bahay nating anak!" nalungkot si Mama dahil doon kaya nilapitan ko s'ya at niyakap.
Nang bumitaw kami sa yakapan ay sinabi ko ang idea ko kay mama na tanggapin ang alok saking trabaho ni Albert sa Manila.
"Anak, kaya natin 'to kakausapin kong mabuti ang auntie mo, ayokong tumigil ka" hinawakan ni Mama ang kamay ko.
"Ma! Hindi naman po ako titigil, itutuloy ko din po ang pag-aaral ko doon tulad ni Angie" paliwanag ko, mukha namang nakumbinsi ko s'ya dahil sa bigla nitong pagtahimik.
"Oh sige pagiisipan ko, pero pag pumayag ang auntie mo hindi tayo aalis dito"
"Yey! Thank you Ma!" nilapitan ko pa ulit di Mama at niyakap ng mahigpit.
Hanggang sa makauwi kami sa bahay ay wala pa ring text o tawag si Carter.
Pero may isang text galing kay Angie.
Angie:
Open mo Messenger mo may isinend akong video. And you really need to see it right now, and please be calm down.
Pero kahit ganon ay diko pa rin maiwasang kabahan kung ano ang nasa video na iyon.
YOU ARE READING
My Childhood Player
Teen FictionIntroducing Bella Venice Tiongson a goodgirl and a nerd. Let's meet Carter Jayrius Saavedra, a playboy and a player.