Chapter 27

1.6K 31 11
                                    

Chapter 27

Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko habang paakyat sa tamang floor ng unit na tinitirhan namin.

Naaalala ko pa rin kasi iyong mga sinabi sa akin ni Carter kani-kanina lang.

Gusto niya bang bumalik ako? O gusto niya lang saktan ako? Uli?

Nang nasa tamang floor na ako ay agad akong naglakad at pumasok sa condo unit.

Naabutan ko doon si mama na naka-upo na parang may hinihintay. Agad siyang bumaling sa akin at tumayo.

"O anak, nariyan kana pala" pinunasan ko ang sarili kong luha para hindi mahala ni Mama.

"Opo Ma! Kagagaling ko labg po sa trabaho!" palusot ko. Niyakap naman ako ni mama at nagsalita.

"Alam kong hindi ka okay" nagulat ako sa sinabi ni mama kaya agad akong humarap sa kanya. "Anong problema?"

"W-wala po!" sabi ko at nag-iwas ng tingin kay mama.

"Anak kita alam ko kung may problema ka, kaya sabihin mo sa akin anak." Hindi pa rin ako nagsalita at naalala ko nanaman si Carter, iyung nga sinabi niya kanina.

"Si Carter nanaman anak?" biglang tanong ni mama. Napanganga ako sa sinabi niya dahil wala akobg sinasabi ni ano man tungkol sa amin ni Carter.

"P-po?"

"Anak kahit hindi mo sabihin, alam ko kung may pinagdadaanan ka, kaya sabihin mo ano ang nangyari sa inyo ni Carter?"

"Sorry po Ma" tumulo ulit abg luha ko na siya namang pinunasan ni Mama. "M-matagal na po kaming wala ni Carter Ma, niloko niya po ako, tapos malalaman ko nalang na may sakit siya at nagawa lang niya iyon dahil sa sakit niya" umiyak ako ng ng imiyak sa bisig ni mama.

"Masakit Ma! Sobrang sakit, humihingi siya ng tawad sa akin kanina ma, pero hindi ko po kaya" patuloy ko.

"Alam mo anak, nakipag-kita ako kina mang Ben kasama ang mga magulang ni Carter at sinabi nilang may sakit na meningiomas si Carter at pag hindi naagapan maaaring maapektuhan ang emosyon at memorya niya" napahinto ako sa sinabi ni mama. "Sinabi din nilang, ikaw lagi ang hinahanap ni Carter sa tuwing sumasakit ang ulo niya" Hindi ko alam ang sasabihin ko basta ang alam ko at ang nasa utak ko ay si Carter.

"Anak, hindi mahalaga kung sino ang unang nagkamali sa inyong magka-relasyon, ang mahala ay iyong tatag at pagmamahalan niyong dalawa" tumulo ulit ang luha ko sa sinabi ni Mama.

"Sorry po Ma"

"Okay lang yan, ganyan talaga pag nagmamahal anak" Niyakap ako ni mama ng mahigpit. "O sige pumasok kana sa kwarto at makapag-pahinga kana"

Tumango ako at agad na pumasok sa kwarto, agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at niyakap ang unan.

Sa mga sinabi ni Mama ay isa lang ang narealized ko at ito ay Mahal ko pa si Carter.

Gaano man kasakit ang mga naidulot sa akin ng relasyong ito ay alam ko pa rin sa sarili ko na mahal ko siya. At hinding-hindi ito mawawala.

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa school gusto ko rin kasing maka-usap si Carter.

Sa mga nangyari sa amin at maka-usap na rin tungkol sa aming dalawa. Kanina pa ako dito sa labas ng school at inaabangan ko siyang dumating.

Makalipas ang ilan pang oras ay hindi pa rin siya dumadating.

Mamaya pa ay nakita ko si Jen na papasok habang maga ang mga mata. Nakita niya ako at agad na lumapit.

"B-bella" agad na tumulo ang mga luha niya ng pagkalapit niya sa akin agad naman na kumunot ang noo ko dahil sa pag-iyak niya. "P-please, puntahan mo si Carter"

My Childhood PlayerWhere stories live. Discover now