Chapter 18

1.6K 33 8
                                    

Chapter 18

Nang makarating kami ni Jayden sa parking lot kung saan ang condo unit ni Albert ay agad na akong bumaba.

"Okay na ako dito, salamat sa paghatid" ngumiti ako sa kanya at pumagilid.

"Okay! Take care!" sabi niya.

"Okay" sabi ko at naglakad siya pabalik sa kanyang sasakyan.

"And Uhm! By the way, pwede bang sunduin kita bukas? Sabay na tayong pumasok sa school" nginitian niya ako na para bang sigurado siyang papayag ako sa gusto niya.

"Sure, okay lang!" sabi ko at tumango.

"Yes! Thank you Bella! Goodbye and Goodnight!" nagflying kiss pa siya sa akin at pumasok na sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito.

Ang landi talaga nang lalaking yon, kung hindi ko lang siya kaibigan ay malamang iisipin kong may gusto siya sa akin.

Haba ng hair ko diba? Hehe.

Nang makapasok ako sa unit ay agad na sumalubong sa akin si Mama na naglilinis.

"O anak andiyan kana pala, asan sila Albert at Angie?" ibinaba ni mama ang pamunas na hawak niya at nagmano ako sa kanya.

"Wala pa ho ba Ma? Nauna kasi silang umalis sakin e!" sabi ko.

"Aba'y wala anak! Baka gumala pa siguro ang mga batang iyon" sabi ni Mama. "O siya nga pala kumusta ang unang araw?"

Umupo ako sa sofa at inilapag ko doon ang mga gamit ko.

"Ayos na ayos po Ma!" galak na galak na sabi ko with matching tili. "Nagustuhan daw ho ako ng mga guest kanina kaya baka mas madagdagan pa ang raket" sabi ko kay mama.

Si mama naman ay sobrang saya kitang kita ko sa mga mata niya ang saya.

"Talaga? Dahil diyan ipagluluto kita ng adobo, gusto mo ba iyon?"

"Oo naman po paborito kp yon e!" sabi ko.

"Okay dito ka muna at ipagluluto kita" tumayo si Mama at dumiretso sa kusina para magluto.

Bigla ko namang naalala ang mga napagusapan namin ni Carter kanina sa Coffee Shop. Sobrang sakit, at ayokong pakinggan ang mga sasabihin niya dahil ano pa ang gamit o halaga non? Kung nakita ko na mismo kung gaano sila kasweet at kamahal ang isa't isa.

Niloko lang nila ako ako naman itong si tanga-tanga ay nagpaniwala at nagpaloko.

Thanks to Jayden at medyo natulungan niya ako.

Kaya umpisahan ko na sigurong magmove-on ng todo-todo para maalis na siyang tuluyan sa sistema ko.

The next thing i know ay napasarap na pala ang tulog ko magising nalang ng may tumatapik tapik sa hita ko.

"Anak gising na kain kana, luto na ang paborito mo" iminulat ko ang mga mata ko at unti-unting bumangon.

"Kain na" sabi ni Mama at inayos ang buhok ko na bahagyang nagulo.

"Opo Ma!" pumasok ako sa kusina at umupo sa gilid at tumabi rin sa akin si Mama at sabay kumain.

"Kumusta kayo ni Carter anak?" tanong ni mama bigla naman akong napahinto sa pagsubo ng kinakain ko at humarap kay Mama.

Oo nga pala wala pa siyang alam sa mga nangyari sa amin ni Carter.

"O-okay naman po kami Ma!" sabi ko at sumubo ng kinakain.

"Nagkita naba kayo?"

"Opo kanina sa Coffee shop"

"Sabihin mo nga at dumalaw minsan miss ko na ang batang iyon" lagot pano ko ba ito saaabihin kay Mama?

"S-sige po Ma! Sabihin ko po" palusot ko pero para lang tumigil ma si Mama sa kalatanong tungkol sa lalaking iyon.

Nang matapos akong kumain at pumasok na ako sa kwarto at naligo bago nahiga.

At nang makahiga naman ako ay biglang tumunog ang cellphone ko mula sa unknown number.

Sinagot ko ito baka kasi emergency.

"Hello?" sagot ko pero walang nagsasalita.

"Hello?" sabi ko ulit pero wala pa ring sumasagot.

Kaya tinignan ko kung meron paba at meron pa naman kaya nag-Hello muli ako pero sa pagngatlong pagkakataon ay wala paring sumagot kaya pinatay ko na baka kasi nang gu-good time lang ito o baka naman wrong number lang.

Pero tiningnan ko ang number at parang pamilyar ito pero hindi ko alam kung kanino.

Muli ay naisip ko si Carter at sinabi kong ito na ang huli kong iisipin ang taong iyon.

At bukas? Hinding-hindi ko na siya iisipin at uumpishan ko nang alis siya sa puso ko.

Ganoon naman dapat talaga diba? Kung ayaw sayo wag na 'wag mong ipipilit ang sarili mo sa taong iyon dahil sa huli? Ikaw at ikaw lang ang masasaktan.

At iyon ang gagawin ko. Bakit ako maghahabol? Napakaganda ko para maghabol. At ipapamukha ko sa kanya o sa kanila iyon na ang babaeng niloko lang naman nila ay napakaganda at hindi papatalo.

A/N: Ano kayang gagawin ni Bella? Gagawa kaya syang revenge? Hmm.

#Carbell or #Jaybell?

My Childhood PlayerWhere stories live. Discover now