Chapter 15
Kinabukasan ay lumawas na kami pamaynila. Hindi na namin hinintay na sumikat pa ang araw dahil paniguradong pagtsi-tsismisan lang nanaman kami sa aming baryo.
Panay din ang text sa akin ni Carter kagabi pero ni isa doon ay hindi ko nireplyan.
Ano paba ang dapat kong gawin? Hinintay kong mag-paliwanang siya noong umuwi siya sa amin pero wala? Sana manlang ay sinabi niyang ayaw na niya para hindi ako nagmumukhang tanga sa kaiisip at sa mga nakikita ko.
"Uy, okay ka lang?" tanong sakin ni Angie, sinulyapan ko si Mama na mahimbing ang tulog.
"May iniisip lang!" ngumiti ako sa kanya at alam kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko.
"Hayaan mo nalang iyong lalaking yon, wag mo nang iisipin dahil hindi naman siya worth it." hinawakan ni Angie ang kamay ko at pinisil ito.
Tumango lang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
Hindi ko din naman kasi maiwasang isipin siya lalo na at mahal na mahal ko siya.
Siya lang din naman kasi ang una kong minahal buong buhay ko.
Nang makarating kami sa manila ay agad na kaming dumiretso sa condo unit ni Albert.
Doon nalang muna kami pansamantala. Pero pag naka-angat siguro ay hahanap ako ng kahit maliit lang na apartment kahit hindi maganda basta may matuluyan lang.
"Dito nalang kayo sa isang kwarto Bella, tapos ako naman doon sa kabila katabi nang kay Albert." ngumiti ako sa kanya at ibinaba na ang mga bagahe.
"Asan nga pala iyong lalaking iyon Angie? Bakit wala dito?" tanong ko.
"Oo nga hija, para makapagpa-salamat manlang kami ni Bella."
"Ahh baka po kasi nasa trabaho pa, maya pa po ang uwi non mga 10 ng gabi?" sagot ni Angie.
"Abat gabi na pala umuwi ang batang iyon ano?" sabi ni Mama na ngayon ay nag-aayos ng mga damit namin.
"Opo, dahil po sa trabaho, at minsan po kasi malayo ang ginaganapan ng trabaho."
"Edi ganoon din kayong dalawa kung sakali?" tanong ni Mama.
"Di naman po madalas iyon, kaya baka alas otso naka-uwi na din kami."
"O s'ya sige, maiwan ko muna kayo, saan ba ang kusina dito Angie para makapagluto ako?" tanong ni mama na ngayon ay nakatayo na.
"Ah jan po sa left side" sagot naman ni Angie kay mama.
Nang maka-alis si mama ay agad na naming iniligpit ni Angie ang mga gamit namin.
"Kailan ba ako magsisimula" tanong ko.
"Bukas, ngayon kasi mga male model lang ang kailangan ni Rica."
"Rica?"
"Iyon yung may ari ng pagtatrabahuhan natin, bakla yun at lahat ng hawak niya sumisikat" sabi niya.
Kung sisikat man ako sa pagmomodel ay bonus na lamang iyon, sino ba naman kasi ang may ayaw na sumikat diba? Syempre lahat pangarap iyon.
Pero ang mahalaga ngayon ay makapaga-trabaho ako at makapag-aral.
"Samahan mo pala ko sa school ah? Mageenroll ako ngayong second sem." tinapos namin lahat nang dapat iligpit at aaka na kami lumabas sa kwarto nagtatawag na din kasi si Mama na kakain na kaya agaran na kaming lumabas.
"Sa lunes pa naman ang inrollment, kaya sabay sabay na tayo nila Albert"
Tumango ako ar umupo na sa mesa. Nagluto naman si Mama ng adobong manok para sa tanghalian namin kaya ito kami ngayon busog na busog.
"Ah tita alis po muna kami mamaya ah? Alam mo na pasyal muna at may pasok na next week." ngumiti si Angie kay mama para makumbinsi ito. Alam ko namang papayag si Mama e at di naman strikto.
"O sige basta maaga kayong unuwi" sabi naman ni Mama at naghagikgikan kami ni Angie bago nagpatuloy sa pagkain.
Nang makalabas kami sa condo ay sumakay kami ng taxi ni Angie patungong isang bar.
"Ano ba talaga gagawin natin doon? Di naman ako mahilig sa ganyan." sabi ko sa kanya at isa pa ay wala akong pera.
"Ano kaba ako bahala sayo at magsasaya lang tayo don di naman tayo maglalasing."
"Baka ano pang mangyari satin jan ah? Alam mo na bar yan paniguradong maraming boys" nagaalala talaga ako sa pupuntahan namin ni Angie ayoko din naman kasing uminom ng masyado.
"Kasama naman natin si Albert at mga kaibigan din niya na nagmomodel din kaya para na rin makilala lo sila"
Sa huli ay nakumbinsi niya rin ako.
Okay na rin para makilala ko ang mga maguging kasama ko din sa trabaho.
Nang makapasok naman kami ay umalingawngaw ang music nitong bar, napaka lakas ang nanggagaling doon na kanta kaya halos di na kami magkarinigan.
Nakita ko din ang mga taong nagsasayawan sa dancefloor may mga nakita pa akong mga artista balak ko pa sanang magpapicture pero binato ko nga pala ang cellphone kaya halos di na matouch.
"Dito, dito tayo Bella." hinila niya ako sa isang VIP room ata at nakita ko doon na nakaupo si Albert kasama ang mga naggagwapuhan at naggagandahang mga model siguro.
"Guy's" kaway ni Angie sa mga ito.
Agad naman silang tumingin sa amin at halos mangatog na ang binti ko dahil lahat ng lalaki ay nakatingin sa akin samantalang ang nga babae ay nakangiti rin.
"Angie, Bella" tumayo si Albert at pinaupo kami sa kanyang tabi. "Guy's ito nga pala si Bella at Bella mga kabarkada ko at makakasama mo din sa modeling"
Isa-isa silang lumapit sa akin at nakipagkamayan.
"Jayden" pakilala noong huli at malagkit akong tinignan nagtagal pa ang kamay niya sa kamay ko kaya mas lalo akong nawirduhan.
"Opps, lakas talaga nitong si Jayden nakahanap nanaman" sabi nong medyo mahaba ang buhok na lakaki na ang alam ko ay si Judah.
Nagtawana silang lahat pati ang mga babae kaya sumabay nalang ako sa kanila.
Doon ko narealized na makakasundo ko lahat ng ito. At madali mang din silang pakitunguhan at napaka masayahin nilang tao.
YOU ARE READING
My Childhood Player
Teen FictionIntroducing Bella Venice Tiongson a goodgirl and a nerd. Let's meet Carter Jayrius Saavedra, a playboy and a player.