Chapter 19
"Oh shit late na'ko." tinignan ko ang pambisig kong relo habang nakasakay ako sa isang taxi.
Oo taxi kasi ang bwesit na lalaking nagpangako sa aking susunduin ako ay may emergency daw kaya hindi ako nasundo kaya ito ako ngayon stock sa traffic.
"Manong wala bang ibang shortcut?" tanong ko sa driver.
"Sorry po Ma'am wala po e, pero malapit naman na po tayo kaya sagit nalang ho" sabi ng driver.
At tama nga si manong lumiko kami sa isang daan at nakita ko na ang bago kong school.
Vright State University
Pagkababa ko ay pumasok agad ako sa gate nito at wala akong nakita ni isang estudyante, inisip ko pang mabuti kong anong araw ngayon pero lunes naman bakit walang estudyante?
Kaya lumapit ako sa guard at nagtanong. "Kuya, bakit po walang tao? Asan po sila?"
Sumagot naman agad si manong guard agad. "Late kana hija pumasok kana at baka maabutan mo pa ang mga students na nagpa-flag ceremony"
"Salamat ho Manong!" kumaway ako at dali-daling naglakad paloob halos takbuhin ko na ang daan para lang maka-abot pero hindi pa rin umabot.
Ang inabutan ko lang ay ang mga estudyanteng nagtatawanan at nag-uusap at kanya-kanya rin silang mundo.
Kaya nang pumasok ako ay hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Pero biglang ang kaninang maingay na estudyante ay biglang tumahimik na para bang nakakita ng kung ano.
Nakatingin naman ako sa loob ng bag ko kaya hindi ko pinansin kung bakit sila tumahimik.
Nang makita ko ang cellphone ko sa bag ko ay umangat ang tingin ko sa kanila.
Gayon nalang ang gulat ko ng nakatingin silang lahat sa akin. Ang iba ay nakangiti at titig na titig sa akin. At ang mga babae naman ay matalim ang tingin.
"Ang ganda pre!" sabi noong isa na pandak pero cute.
"Gago akin yan, meron ka ng Zia" saba't naman nang isa.
"Hoy mga gago akin yan, at ako lang ang single sa atin" singit naman nung isang chinito at macho.
Sa mga sinabi ng mga magbabarkada atang mga iyon ay mas lalong tumalim ang tingin sa akin ng mga babae.
Tapos ay may biglang kumalabit sa akin. "Miss bago ka?" sabi ng isa atang teacher dahil sa aura nito at suot.
"O-opo"
"Anong grade?" tanong muli nito.
"Grade 12 po" sabi ko.
"Okay advisory kita, sumunod ka sakin" sabi niya at tama nga ako teacher nga.
Sumunod ako sa kanya at pumunta siya sa gilid kung saan at malapit sa isang puno ng mahogany kung saan naroon ang mga lalaking naguusap kanina.
"Dito ka muna hija basta sundan mo lang ang mga katapat mong ito" sabi ni ma'am. "By the way ako si Ms. Salvador filipino teacher niyo ako"
"Bella Venice Tiongson po" yumuko ako bilang respeto st ngumiti.
"Okay maiwa muna kita" umalis ang teacher at nakatingin pa rin sa akin ang mga lalaki at ang mga babae naman ay matalim pa rin ang tingin maliban sa isang babaeng kulot ang buhok at may medyo tan ang balat pero maganda pa rin.
Ngumiti ako sa kanya pabalik at kumaway siya sa akin ganon din ang ginawa ko sa kanya.
Tumingin ako sa pinasukan kong gate kanina at nakita kong pumasok doon si Carter at himala hindi niya kasama ang malandi?
Tumalikod ako dahil nakita kong nagglalakag siya palapit kung saan ako nakatayo.
Nang pumasok ako sa room kung saan pumasok ang nga estudyanteng sa palagay ko ay magiging kaklase ko ay pumasok din ako.
Pero walang upuan huhu.
Inilibot ko ang mata ko at naghanap ng bakante at doon nakita kong meroon.
Pero...
Nakita kong katabi non ay si Carter ns prenteng naka-upo.
Well, nakamove-on nako diba? Wala ng problema at sinabi ko na sa sarili kong kakalimutan ko na at hihinto na ako.
Kaya taas noo akong naglakad at umupo doon. Nakita ko pang natigilan siya pero nakabawi rin naman.
Inayos ko muna ang mga gamit ko at umupo doon. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita kong sumusukyap siya sa akin pero hindi ko pinansin iyon.
Dahil sa tagal naman ng unang subject ay sumulat muna ako sa papel para hindi mabore pero nagulat ako ng biglang may tumakip sa mga mata ko.
"Guest who?" sagot niya sa maliit na boses at hindi ko mabosesan ito.
"Sino ka? Alisin mo nga ito" sabi ko at naiirita na. Humalakhak siya at inalis ang kamay sa mga mata ko.
"Easy babe, ako lang to, ang gwapo mong..."
"Tumigil ka nga umupo kana" sabi ko at pinutol ko ang sasabihin niya bumaling ako sa pintuan at maingay na pumasok doon si Jen at lumapit kay Carter at si Carter naman ay nakatingin sa akin.
Inirapan ko siya at humarap kay Jayden na katabi ko. Bali pinaggitnaan ako nina Carter at Jayden at katabi naman ni Carter sa kaliwa ay si Jen na humahaplos sa kanyang braso.
Naputol lang ang paglingkis niya noong pumasok si Ms. Salvador.
Tumayo kaming lahat at binati ng magandang umaga si ma'am. "Good Morning Ma'am" sabay-sabay naming sabi.
"Good Morning you may seat down" sabi ni Ms. Salvador at sinunod namin lahat ito.
"Okay since malapit na ang ating Intramurals, kailangan nating muse para ilaban sa bawat section, at ang gagawin nating ngayon ay ang mamili kung ang sino ang karapat dapat na ilaban sa ibang section, any volunteer?" tumingin tingin siya sa mga kaklase ko at biglang nagtaas ng kamay si Jen.
"Ma'am ako po pwede at alam naman nating ako lagi ang pambato ng section natin" taas noo niyang sabi.
"Mmm maganda nga naman" sabi ni Ms. Salvador.
Pero nagtaas ako ng kamay at tumutol. "Ma'am 'di ba mas magandang iba naman? Kasi kung siya nalang lagi ang isasali maaaring magsawa ang mga tao sa mukha niya." tumingin ako sa kanya at ang mga kaklase ko naman ay nakatingin sa akin.
"Hmm may point ka Ms. Tiongson" sang-ayon sa akin ni ma'am.
"E sino po ang isasali kung hindi ako? Siya?" turo niya sa akin.
"Oo bakit? Atleast ako bago, bagong mukha ang makikita" mataray kong sabi.
Umirap siya at taas noo ko namang hinarap iyon at ngumisi ng nakakaloko.
"O sige ganito nalang pakikiusapan ko nalang ang president ng club na sumali kayo pareho, okay ba yon?" sabi ni Maam pero hindi ata sang-ayon si Jen at umupo nalang.
'Wag ako Jen, 'wag ako.
A/N: Sabi ni Ma'am dapat daw dumami ang followers ko at nang matulungan niya raw akong maipublish ang works ko.
Pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para dumami. Well pangarap ko iyon ang dumami ang supporters o follower ko at ang pinaka-pangarap ko rin ay ang maipublish ko ang mga ito.
KAYA PLEASE PO SUPORTAHAN NIYO NAMAN PO AKONG MAKAIPON NH FOLLOWER AT IFOLLOW NIYO NA RIN PO AKO.
MARAMING MARAMING SALAMAT PO.😘
YOU ARE READING
My Childhood Player
Teen FictionIntroducing Bella Venice Tiongson a goodgirl and a nerd. Let's meet Carter Jayrius Saavedra, a playboy and a player.