1

8.7K 106 4
                                    

Hi! If you have time, kindly visit my youtube channel and subscribe na rin po. Watch niyo na rin po ang mga videos do'n. Thank you!

https://www.youtube.com/watch?v=SdN2OZJDWC8 or simple search Fiona Queen.

Unedited

"WE NEED to do something, Megs!"

Mariing wika ni Cyrene sa kaibigan sabay pukpok ng kamay sa mesa ng makita ang sumunod na ginawa ni Jarvin Dominguez-her apple of her eye. Her true love as well. Kitang-kita kasi ng mata niya ang paghawak ni Jarvin sa kamay ng babaeng kasama nito ngayon. Nasa Ross Restaurant sila ng araw na iyon. Kasama niya ang kaibigan na kapatid naman ng binata. Sa araw na iyon ay minamatyagan nila ang dalawa. Ayon kasi sa kaibigan niya balak na daw ni Jarvin na magtapat ng nararamdaman sa best friend nitong si Agatha. At hindi siya makakapayag na mangyari ang bagay na iyon. Hindi ngayon, hindi bukas at hindi kailanman. Kaya kailangan talaga niyang gumawa ng hakbang para pigilan si Jarvin sa pagtatapat nito.

"Do you hear me? Megs. We need to do something!" ulit niya saka niya pinukpok muli ang mesa. This time medyo napalakas iyon dahil kumalansing ang mga kobyertos na nakapatong sa pinggan. Mabuti na lang din mabilis ang reflexes ng kaibigan dahil agad nitong nahawakan ang baso ng muntik nang matumba iyon. Napatingin sa kanilang direksiyon ang mga taong malapit sa mesa nila ng marinig ang kalansing ng kobyertos. Nag-peace sign siya sa mga ito. "Sorry po. Nagpa-practice lang po kami para sa Drama activities namin sa School." nakangiwing paunmanhin niya sa mga ito. Bumalik ang tingin niya sa dalawa na seryosong nag-uusap.

Lumapit siya bahagya sa kaibigan para hindi marinig ng iba ang sasabihin niya rito. "Kailangan natin gumawa ng paraan para hindi matuloy ang pagtatapat ng kuya mo kay Agatha." Kailangan talagang gumawa ni Cyrene ng paraan para hindi mangyari ang kinatatakukan niya. Kasi kapag nagtapat na si Jarvin ng nararamdaman kay Agatha katapusan na niya-katapusan na ng masasayang araw ng puso niya. Natatakot siyang baka magkatuluyan ang dalawa. Natatakot siya na baka magkatotoo iyong sinasabi nilang "Best friend turns lover". Cyrene crosses her finger with that thought and she prays really hard that it wouldn't happen. Because she believed that, she and Jarvin was the perfect to each other. Parang silang puto at dinuguan, mangga at bagoong, kape at pandesal, kumot at unan. Parang ito at siya...bagay na bagay. But the saddest part is? Siya lang ang naniniwala na bagay sila. Dahil para kay Jarvin si Agatha lang ang babaeng bagay rito.

"Natatakot ako, Cyrene. Baka magalit siya sa'kin kapag tinulungan kita." anang kaibigan. Alam niya ang bagay na iyon, sapagkat nagsusumbong ang kaibigan sa kanya na kapag tinutulungan siya nito mapalapit kay Jarvin lagi daw itong napagsasabihan at napapagalitan ng huli. Ang lagi lang niyang konswelo sa kaibigan kapag napapagalitan ito ay...

"Huwag mong intindihin ang galit ng Kuya mo. At kung sakaling pinagalitan ka niya muli. Lumayas ka sa bahay niyo. Sa'min ka na lang tumira." birong wika niya kay Megan.

Natawa ito. At sa mga sumunod na sandali ay hindi na ito umimik. At alam niya ang dahilan sa pananahimik nito. Nag-iisip na ito ng paraan kung paano siya nito matutulungan. She smiled secretly. Megan a.k.a Megs was very supportive on her. Laging nasa likod o mas tamang sabihin sa gilid niya ito upang tulungan siya sa pakikibaka niya sa pag-ibig sa Kuya Jarvin nito. Hindi siya nito iniwan through thick ang thin. Lagi siya nitong tinutulungan kahit lagi itong pinapagalitan ng Kuya nito. And they have the same thought that, she and Jarvin was the perfect two, the perfect couple. Gusto pa nitong maglevel-up iyong friendship nila. Gusto din nitong maging hipag siya. Well, bet na bet niya ang bagay na iyon. Dahil gusto niyang maging hipag si Megs. At gusto niyang mapangasawa si Jarvin.

Napabuntong hininga si Cyrene at nakapalumbaba ng muling sulyapan ang dalawa. "Love? Why does it ache? Because you felt jealous. Jealous dahil nakikita mo ang mahal mo may kasamang iba. Masaya sa iba at higit sa lahat may mahal na iba." sambit niya habang nakatingin siya sa dalawa. Mababakas kasi sa mukha ni Jarvin ang saya sa tuwing nakatunghay ito sa bestfriend nitong si Agatha. Nakaramdan siya ng pinong kirot sa puso niya habang patuloy niyang tinitingnan ang mga ito. Seeing them now is just like slapping and punching herself continuously. Masakit. Iyon, iyong eksaktong nararamdaman niya ngayon habang tinitingnan niya ang mga ito na nakangiti sa isa't-isa. She was hurting terribly dahil kitang-kita niya ang ningning sa mata ni Jarvin habang nakatunghay ito sa babae. She felt like there someone squeezing her heart tight because she was in love with him. Yes! She was in love with Jarvin. Crush na niya ito noong First Year High School siya nasa Third Year naman ito noon. Una niya itong nakita no'ng panahong hinihintay nito ang kapatid na si Megs na kaklase at kaibigan niya kapag uwian na. Sabay kasing umuuwi ang mga ito. At dahil same village lang sila ay nakikisabay na rin siya sa mga ito pauwi para naman makipagkwentuhan siya rito at makasama niya ito ng matagal. Na crush at first sight kasi siya kay Jarvin. Sa tuwing kinakausap siya nito ay kinikilig siya to the tenth power. Hanggang sa naglevel-up na iyong paghangang nararamdaman niya sa paglipas ng panahon. Na hindi lang pala niya ito simpleng crush o simpleng admiration ang nararamdaman niya para kay Jarvin kundi mahal na niya ito. Nang ipagtapat nga niya iyon rito ay tinawanan lang siya nito. Baka daw infatuation lang daw ang nararamdaman niya para rito. Na baka isang nakakatandang kapatid lang ang kailangan niya kung bakit daw na sabi niyang mahal niya ito. Siyempre, ipinagdiin niya rito kung ano talaga ang nararamdaman niya. Kung ano ang nararamdaman ng puso niya. Sinabi rin niya rito na alam niya ang pinagkaiba ng Love at Infatuation. At hindi bilang isang nakakatandang kapatid ang kailangan niya kung bakit mahal niya ito. For pete sake! Infatuation pa ba iyong nararamdaman niya, eh mahigit limang taon na iyong nararamdaman niya para rito. Ito nga ang sentro ng buhay niya noon at ngayon na rin. Hindi niya pinapansin ang mga kaklase niya noon na may gusto sa kanya. Pati lahat ng manliligaw niya ay binasted niya. Iisa lang kasi ang gusto niya at iyon ay si Jarvin wala nang iba. Ngayon ay nineteen na siya at nasa Second year College na ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para rito. Ito pa rin ang gusto ng puso niya wala ng iba.

Chances and Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon