Unedited
SUMINGHOT-singhot si Cyrene. Nagbabadya na ring tumulo ang luha sa kanyang mga mata sa oras na iyon habang ang atensiyon ay nakatutok sa Monitor ng kanyang TV. Nanunuod kasi siya ng teleserye. At masyado kasi siyang nadadala sa eksena ng isa mga bidang tauhan. Ang eksena kasing pinapanuod niya ngayon ay iyong bidang babae ay nakaupo sa isang sulok ng simbahan habang pinapanuod at pinapakinggan nito ang dalawang tao na nagpapalitan ng wedding vows sa harap ng pari na nagkakasal sa mga ito. It shows that ang lalaking ikinakasal pala ay ang lalaking mahal nito. Ang lalaking may malaking parte sa puso nito. Tuluyan ng pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Ramdam na ramdam kasi niya ang sakit na nararamdan nito sa eksena. Dahil naramdaman din niya ang sakit na nararamdaman nito noon. Nagulat siya ng biglang naging black ang Monitor ng TV.
Brown-out ba? Naitanong niya sa sarili. Pero impossibleng magbrown-out sapagkat maliwanag na maliwanag ang buong paligid. Kaya napatingin siya sa kabilang panig ng Sofa. Hawak-hawak ni Jarvin ang remote control ng TV at nahinuha niyang ito ang nag-off no'n. Naroon na naman si Jarvin sa Unit niya. Ginawa na nga nitong tambayan ang Unit niya. Dahil walang araw na hindi ito pumupunta roon. Wala naman siyang magawa para pigilan ito sa ginagawa. At ang totoo okay lang din iyon sa kanya. Pagkatapos nilang magkausap ni Megan ay nakapagdesisyon na siya. Tama nga ang kaibigan bakit niya iisipin ang bukas at susunod na araw kung may magandang mangyayari sa kanya ngayon. Kung may magandang oportunidad para sa kanya. Naisip din niyang bakit niya ipagkakait sa kanyang puso ang lumigaya? Alam naman niyang tanging si Jarvin lang ang nagpapaligaya sa puso niya noon at ngayon. Kaya muli niyang binuksan ang puso niya para rito. At hinayaan na niyang muling umalpas iyong pagmamahal niya para kay Jarvin na pilit niyang itinatago sa lumipas na taon. It was risky for her heart after all. But she wants to take all the chances and the possibility if the replacement of that is the happiness of her heart. Baka ngayon mayroon ng katugon iyong pagmamahal niya para rito. Kaya ngayon ay nasa harap niyang muli ang lalaking mahal at patuloy na minamahal sa mga lumipas na araw. At mayroon na rin siyang go signal sa mula sa itaas. At sapat na iyon para buksan muli ni Cyrene ang puso para kay Jarvin. After all, ito lang naman ang itinitibok ng puso niya mula noon hanggang ngayon.
Nang sulyapan niya ito ay nagtaka siya. Kunot na kunot kasi ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
"Bakit mo ini-off?" tanong niya kay Jarvin kapagdaka. Palaisipan para sa kanya kung bakit kunot na kunot ang noo nito. Hindi naman iyon ganoon. Abot nga hanggang tainga ang ngiti nito kanina ng pagbuksan niya ito ng pinto. Pero bakit ngayon, kulang na lang ay mag-isang linya iyon.
She felt her heart jump towards him pagkatapos niyang marinig ang sagot nito. "Ayokong nakikita kitang umiiyak." Anito na walang kangiti-ngiti. Mababakas din sa mukha nito ang kaseryosohan. "At ayaw na ayaw kung nakikita kitang umiiyak lalo na sa harap ko." Dagdag nito.
She was touched indeed. "Okay fine. Hindi ako iiyak. Basta i-switch on mo iyong TV. Hindi pa kasi tapos iyong pinapanuod ko." Aniya rito. Grabe ang bilis ng tibok ng puso niya sa oras na iyon.
"No." mariing tanggi nito.
"For pete sake! Jarvin. Switch-on the TV. Hindi ko mapapanuod kung ano iyong gagawin ni Mary." Aniya sa binata. Ang Mary na tinutukoy niya ay iyong pangalan no'ng bida sa Teleserye.
"Ayoko." Anito sa kanya.
"Give me my remote." Utos niya sabay umang ng kamay rito. At ang magaling na lalaki, imbes na ibigay nito sa kanya ang remote control ay tumayo ito. Tumayo din siya at hinarangan ang dadaanan nito.
"Where do you think you're going?" nakataas ang kilay na tanong niya rito. Iniharang niya ang kamay sa dadaanan nito. "Hindi ka makakadaan dito kapag hindi mo binigay sa akin ang remote control ng TV ko." aniya sa binata.
BINABASA MO ANG
Chances and Forever (Completed)
Fiksi Umum"Hindi importante sa akin ang kayamanan. Dahil ang pagmamahal ko sa'yo at ang pagmamahal mo sa akin ang tanging kayamanan ko. And you are my treasure I want to keep, forever."