10

4.1K 109 14
                                    


Unedited

"I DON'T KNOW where she is." sagot ni Megan kay Jarvin ng tanungin niya ito kung saan nagpunta si Cyrene. Nasa loob siya ng opisina nito sa Megs Bookstore.

Nagising siya ng maaga para sana kausapin si Cyrene. Sabihin rito ang totoo. Kagabi sana pero nag-alanganin siya dahil lasing ito. Tila sarado din ang isip nito sa mga paliwanag niya. Kaya ipinagbukas na lang niya ang pagkausap rito nagbabakasakaling nahismasmasan na ito. Pero nakailang pindot na siya sa doorbell ng unit nito ay wala pa ring nagbubukas do'n. Naisip niyang baka tulog pa ang dalaga kung bakit hindi nito pinagbubuksan ang doorbell niya. Kaya bumalik siyang muli sa unit niya. Hindi siya makapakali habang nasa loob siya ng unit. Kaya makalipas ang ilang minuto ay muli siyang lumabas para puntahan ito. Pero gaya ng dati ay wala pa ring Cyrene na lumalabas. Kaya nagtaka siya. Binundol din siya ng kaba. Nagmamadali siyang bumaba para tanungin ang gwardiya. Sa kanyang pagkadismaya ay umalis daw ng maaga si Cyrene. Tinawagan niya ito sa cellphone nito. Nais na kasi niyang makapagpaliwanag rito. Pero unattended ang numero nito. Kaya hinintay na lang niyang bumalik si Cyrene. Hanggang ang paghihintay niya ay umabot ng tatlong araw.

"Please Megan." pagmamakaawa niya sa kapatid. "Tell me where she is and I promise, I will never ever hurt her again." pangako pa niya. Pero ang magaling niyang kapatid hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin kahit isang Segundo lang. Bagkus ang atensiyon nito ay nakatutok sa harap ng screen ng personal laptop nito.

"I love her, Megan." doon lang ito nag-angat ng tingin. Sinalubong niya ang tingin nito. "So much." dugtong niya sa seryosong tinig. Nanatiling blanko ang ekspresiyon ng mukha ng kapatid. Wala din siyang nakuhang sagot mula rito kaya nagpatuloy siya.

"I love her so much. Believe me. Pitong taon ko siyang hinintay. Pitong taon kung hinintay ang pagbabalik niya. Maaaring may kasalanan ako dahil hindi ko nasabi kay Cyrene ang totoo. Pero mas higit iyong nararamdaman kung pagmamahal sa kaibigan mo kaysa naramdaman ko kay Agatha. Kaya nagmamakaawa ako sa'yo. Sabihin mo na sa'kin kung nasaan siya?" Hindi sumagot ang kapatid niya bagkus ay nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

"What do you want?" naiinis na wika niya rito. "Kung gusto mo sa'yo na lang lahat ng ari-arian ako. Sa'yo na ang negosyo ko. Sabihin mo lang sa'kin kung saan ko matatagpuan si Cyrene. Please Megan. I'm begging you." muling pagmamakaawa niya rito.

Nakahinga siya ng maluwang ng sa wakas ay ngumiti ito sa kanya. "Sigurado ka?"

Seryosong tumango siya. Kaya niyang ibigay ang mayroon siya basta lang makapiling niya si Cyrene. Handa siyang mawala sa kanya ang lahat basta ang kapalit no'n ay ang muling makasama niya ang babaeng mahal na mahal. Dahil magiging masaya lang siya kapag nasa piling niya na si Cyrene.


-----


NAG-ANGAT ng tingin si Cyrene ng maramdamang tumabi sa kanya ang asawa ni Ate Nancy niya na si Kuya Nate. Nasa bakuran siya sa oras na iyon. Nang umalis siya sa kanyang unit ay sa bahay ng mga ito siya pumunta. Do'n siya namalagi ng tatlong araw. Bukas ay flight na niya pabalik sa America. Nakapagdesisyon na siyang do'n na lang manirahan. Dahil kahit papano ay magiging tahimik ang puso niya. Do'n na lang siya mag-i-istay kahit papano ay makalimot siya.

Tahimik lang ang Kuya Nate niya na nakatingala sa maliwanag na kalangitan ng sulyapan niya ito. Ginaya din niya ito. Tumingala din siya sa kalangitan para pagmasdan ang mga nagniningningan na mga bituin.

"Talaga bang babalik ka na sa America?" basag nito sa katahimikan.

"Oo." simpleng sagot niya na hindi ito binabalingan.

Chances and Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon