2

2.7K 50 1
                                    


Unedited

KINAGAT ni Cyrene ang dila para pigilan ang luhang gustong umalpas sa kanyang mga mata. Hindi pa pala siya handa na marinig ang mga salitang iyon mula kay Jarvin. She felt again the familiar searing pain inside her heart. It's just like someone squeezing her heart but this time it was tight. Dahil hindi handa ang puso niya na marinig mula sa labi ni Jarvin ang mga salitang nagpaguho sa puso niya. Ang sakit-sakit. But she needs to be strong.

"May I ask you, Jarvin? What's wrong fallin love with me?" she asked him. "Saka hindi naman ako mahirap mahalin, mabait ako, matulungin, mapagmahal, masipag, matalino, talented at maganda. Hindi ako nalalayo sa mga babaeng nagiging girlfriend mo o sa mga babaeng nakakadate mo. Lalo na sa best friend mo. Hindi pa ba iyon sapat para mahalin mo ako."

Tinitigan siya nito. "There's nothing wrong with you, Cyrene. There's nothing wrong fallin love with you, too. It's just that...I don't love you. And I'm in love with someone else."

"Ouch. Nakakasakit ka talaga ng damdamin. Kailangan talaga paulit-ulit. Pwede namang isang beses lang." nakangiting biro niya rito. Nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi niya habang nakatingin rito. Pero sa loob-loob niya ay nanghihina siya. In the eye of other, she was happy. Yes! But deep inside her heart she was hurting like hell. Sa tuwing sinasabi kasi nito na hindi siya nito gusto or he's been in love with someone else ay nasasaktan siya. Hindi lang niya iyon ipinapahalata rito. Ayaw kasi niyang kaawaan siya nito kapag nagpakita siya ng kahinahan. Kaya kapag nasasaktan si Cyrene ay pumupunta lang siya sa Amusement Park at sumasakay sa Roller Coaster at do'n niya isinisigaw ang lahat ng frustration at sakit na nararamdaman niya. Kasi sa pamamagitan no'n ay nababawasan ang bigat na nararamdaman niya. At kung minsan ay sinasabi niya iyon sa kaibigang si Megs. Ito lang ang tanging nakakaalam sa tunay nararamdaman niya. Hindi lang ito saksi sa pakikibaka niya ng pag-ibig sa kuya nito, saksi rin ito sa kalungkutang nararamdaman niya sa tuwing binabalewala ng kuya nito ang nararamdaman niya.

Jarvin sighed. "I don't want to hurt you, Cyrene. That's why I'm telling you this. And please stop this nonsense."

You're hurting me already. So, why should I stop? And you call my feeling to you was a nonsense? That's bullshit Jarvin! She smiled to him even if she wants to cry. "For me stop means giving up. At wala sa bokabularyo ko ang salitang pagsuko. At bakit ko igi-give up ang isang bagay na ayokong isuko. Parang pagpapakamatay iyon Jarvin. And it's not the end of the world. Hanggang may pag-asa pang nararamdaman ang puso ko. Hindi ako titigil sa mga ginagawa ko. Dahil alam ko din balang araw, magigising ka sa katotohanang tayo ang para sa isa't-isa. Na ako lang ang babaeng nararapat sa'yo. No women. Except me, Jarvin. Gets mo?" mahabang pahayag niya.

Nakangiting iiling-iling lang ito. "Your impossible, Cyrene."

She smiled sweetly. "Impossible sometimes make possible, Jarvin. Tandaan mo iyan."

"YOU KNOW what? Megs. I want to cry kanina. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. Masakit palang masampal ng katotohanang ang lalaking mahal mo ay hindi ka niya kayang mahalin dahil may mahal na itong iba." pag-aamin niya sa kaibigan ng mapagsolo silang dalawa. Kasalukuyan silang nakaupo sa Couch sa bahay ng mga ito. "Alam mo ba iyong tipong may sugat ka na nga. Nilagyan pa iyon ng asin, calamansi at suka. Saka pinisil mabuti. Masakit na masakit. Iyon, iyong eksaktong nararamdaman ng puso ko ng sinabi niyang hindi niya ako m-mahal." tumingala siya para pigilan ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Pero kusa na rin iyong umalpas sa mata niya ng maramdaman ang kamay ng kaibigan sa balikat niya.

"I know your hurting, Cy. But you need to be strong. Akala ko ba wala sa bokabularyo mo ang salitang pagsuko." pagbibigay lakas nito sa kanya.

Chances and Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon