7

2.3K 54 2
                                    


Unedited 


MUNTIK NG ma-out balance si Cyrene ng pagkabukas niya ng pinto ng Condo Unit niya ay ang nakangiting mukha ni Jarvin ang nabungaran niya. Mabuti na lang ay agad siyang nakahawak sa hamba ng pinto. Hindi kasi niya inaasahan na bibisita ito sa kanya—na ganoon kaaga. Sa katunayan ay kakagising lang niya ng marinig na may nag-doorbell. Hindi niya inaasahan na ito pala ang nag-doorbell.

"Good morning, Cyrene." nakangiting bati nito sa kanya. Hindi niya magawang sumagot bagkus nanatili lang siyang nakatitig sa gwapong mukha nito. Limang araw na rin simula noong muli silang nagkita. At sa loob ng limang araw na iyon ay hindi na natahimik ang puso at isipan niya. Lalo na noong bigla siyang halikan ni Jarvin—at sa harap pa mismo ni Megan! That time, her heart was pounding like crazy even if it's against her well. Ayaw na kasi niyang maramdaman iyon sa tuwing malapit lang ang presensiya ng binata. Natatakot kasi siyang baka muling umusbong iyong pagmamahal na itinago niya sa pinakasulok-sulokan ng puso niya. Natatakot siyang maging tanga muli sa larangan ng pag-ibig. Natatakot siyang muling masaktan. Natatakot siyang muli niya itong mahalin at sa bandang huli ay iba ang piliin nito.

"And it reminds my foolishness and stupidity back then too." iyon, iyong mga katagang hindi nagpatulog sa kanya. Hindi niya alam kung bakit nasabi nito ang katagang iyon ng sabihin niya rito iyong sinabi nitong nonsense iyong pagmamahal na nararamdaman niya. Hindi kaya...

You're imagining things again, Cyrene. sita sa kanya ng bahagi ng isipan. Hindi ka pa ba nadadala?

"What are you doing here?" sa wakas ay nagkaroon siya ng boses.

"I brought you a coffee." ani Jarvin saka nito itinaas ang hawak na cup of Styrofoam. Kilalang brand ng Coffee shop ang nakatatak do'n. Tila naumid muli ang dila niya dahil hindi siya muling nakasagot.

"Hey! Hindi mo ba papapasukin ang bagong kapitbahay mo?"

Kumunot ang kanyang noo. "Bagong kapitbahay?" Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Tumango ito. "Diyan ako nakatira sa tapat ng unit mo." imporma nito sa kanya sabay turo sa tapat ng unit niya.

"Bakit diyan ka sa tapat nakatira?" tanong niya na ang tinutukoy ang unit sa tapat. Ang pagkakaalam kasi niya ay sa dating bahay nang mga ito nakatira. Hindi pa rin ito bumukod ng tirahan kahit may sarili na itong negosyo. Ang pagkakaalam niya ay nasa Car and spare parts ang line of business nito.

"Bakit? Hindi ba pwede?" may sumungaw na ngiti sa labi nito.

Oo! Bakit kasi sa dinami-dami na Condominium Unit na matatagpuan sa Metro Manila. Bakit dito mo pa napili tumira? Sa harap pa mismo ng unit ko, gusto sana niyang itanong rito pero hindi niya nagawang isatinig.

"Nagtatanong lang ako." aniya rito. "Tara pasok." yaya na niya kapagdaka. Niluwagan din niya ang pagkakabukas ng pinto para tuluyan itong makapasok. Huminga siya ng malalim pagkatapos niyang maisara ang pinto.

"Nag-breakfast ka na ba?" tanong nito sa kanya maya-maya. Inilapag nito ang dala nitong coffee sa mesa.

Umiling siya. "Actually kakagising ko lang ng mag-doorbell ka." aniya kay Jarvin.

"Oh? Just I thought." Jarvin said with a smile.

She raised her eyebrow. "What do you mean?"

Hindi muna ito sumagot bagkus ay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. May ngiting nakasungaw sa labi nito ng huminto ang tingin nito sa mukha niya. Nasundan naman niya kung ano ang tiningnan nito. Doon niya napagtanto na nakasuot pala siya ng Pajama at isang maluwag na puting T-shirt. Iyon ang paborito niyang isuot sa tuwing matutulog siya.

Chances and Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon