4

2.1K 43 0
                                    


Unedited


"NO! CYRENE. Hindi ako sasakay diyan." mariing tanggi ni Jarvin ng hilahin ito ni Cyrene na pumila sa Roller Coaster.

"This is fun, Jarvin. Believe me. Kaya huwag ka nang tumanggi" pang-eenganyo niya rito para sumakay din ito sa nasabing rides sa may Amusement Park.

"Hindi ka ba natatakot?"

Sumungaw ang ngiti sa sulok ng labi niya. "Bakit natatakot ka ba?" balik tanong niya. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita pababayaan."

"Of course not!"

"Really?"

"Hindi nga ako natatakot." tinaasan niya ito ng kilay para asarin. Nacu-cute-an kasi siya kapag namumula ang pisngi nito kapag naasar ito. Napangiti siya ng hawakan nito ang kamay niya para hilain para pumila. Nauna itong pumila bago siya.

"What that sinister smile for?" kunot na kunot ang noo nito habang nakatunghay ito sa kanya.

"What sinister smile your talking about?" pagmaang-maangan niya.

"That sinister smile." turo nito sa ngiting nakasungaw sa labi niya. "I don't like it." dagdag nito. Ang tinutukoy nito ay ang kakaibang ngiti na nakapaskil sa mga labi niya. Ngingiti-ngiti naman niyang itinukod ang dalawang kamay sa bakal na harang sa may gilid niya.

"You know what? Ikaw lang ang kauna-unahang taong nagsabi na ayaw sa ngiti ko." aniya kay Jarvin. Honestly speaking, ito lang talaga ang unang nagsabi iyon. Marami kasing nagsasabing maganda daw talaga ang ngiti niya. Nakakaakit at nakakabighani.

"Nakakaloko kasi ang ngiti mo." anito sa kanya.

"Ah ganoon ba." aniya saka siya ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Oh iyan. Maganda na ba?"

Iiling-iling na humarap si Jarvin sa harap nito. "Crazy." mahinang wika nito na umabot naman sa pandinig niya.

"Mahal naman kita." mahinang wika niya. Isang mahinang pagbigkas pero sinigurado niyang maririnig nito iyon. Hindi nga siya nagkamali dahil lumingon muli ito sa likuran nito para balingan siya.

"Narinig mo?" nakangiting tanong niya. Tinitigan lang siya nito ng matagal bago nito ibinalik ang tingin sa harapan nito.

Sumungaw muli ang ngiti sa labi niya bago siya umayos ng tayo. Nag-uumpisa na rin kasing gumalaw ang pila. Kinalabit niya ito sa likod.

"What?" tanong nito ng lingunin niya ito.

I love you! "Kapag nakasakay na tayo sa Roller Coaster. Sumigaw ka ha?" aniya, kumunot ang noo nito halatang hindi nito naintindihan ang sinabi niya.

"Hmm...kapag naroon na tayo," turo niya sa roller coaster. "Sumigaw ka. Isigaw mo lahat ng gusto mong sabihin, isigaw mo lahat ng frustration, simtiyemento, hinanakit na nararamdamang nito." aniya sabay turo sa kaliwang dibdib nito. "Para kahit papano mabawasan ang bigat na nararamdaman mo. Naiintindihan mo ba?" Hindi sumagot si Jarvin bagkus nanatili lang itong nakatitig sa mukha niya. Na-conscious naman siya bigla. Pero gayunman, hindi niya inalis ang tingin rito bagkus nakipagtitigan din siya. Sa oras na iyon habang magkahinang ang mata nilang dalawa. Parang silang dalawa lang ang nag-e-exist sa mundo. Tanging sila lang ang dalawa ang naroon at wala ng iba. Hanggang sa mapaigtad siya ng may kumalabit sa kanya.

"Miss sasakay pa ba kayo? Oh, makikipagtitigan ka na lang sa gwapong boyfriend mo." lihim siyang napangiti ng mapagkamalan silang magboyfriend ni Jarvin. "Umusad na kasi ang pila." patuloy na imporma nito sa kanila.

Chances and Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon