3

2.5K 46 2
                                    


Unedited

 "SA TINGIN mo, Megan. Anong oras uuwi ang kuya mo?" tanong ni Cyrene sa kaibigan. Nasa veranda sila ng bahay ng mga ito habang hinihintay nilang dumating si Jarvin. Buong araw kasing hindi niya ito nakita. Pati sa Campus nila ay hindi niya ito nakita. She was second Year College. Business course ang kinuha nilang kurso ni Megs. Same with Jarvin. Iyon nga lang ay nasa ikaapat na taon na ito. And that time, she felt incomplete. Ganoon ang tindi ng epekto ni Jarvin sa kanya. Hindi lang niya ito Makita buong araw ay parang may kulang na sa pagkatao niya. At hindi iyon mabubuo hanggang hindi niya nasisilayan ang gwapong mukha nito.

"Hindi ko alam. Baka kasama niya si...

Hindi madugtungan ng kaibigan ang sinasabi nito. "Baka kasama niya si Agatha." aniya, siya na ang nagpatuloy.

Tumango ito. Iyong naman iyong pamilyar na lungkot na lumukob sa pagkatao niya sa kaalamang kasama na naman nito ang bestfriend nito. She was praying silently na sana hindi maisipan ni Jarvin ang magtapat ng tunay na nararamdaman sa bestfriend nitong si Agatha. Kasi wala siya roon para idistract ito. Kasi kapag nagkataon talagang masasaktan siya.

Biglang nabuhayan ang loob ni Cyrene ng bumukas ang gate ng bahay ng mga ito at pumasok ang kotse nito. Isa sanang matamis na ngiti ang isasalubong niya kay Jarvin ng bumaba ito sa kotse nito. Pero napakunot-noo siya ng Makita ang lungkot sa mata nito. Hindi man lang ito tumingin sa gawi nila kahit binati ito ng kapatid nito. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Tila nasa ibang lugar din ang isip nito.

"Anong problema no'n?" naitanong niya sa kaibigan ng tuluyan ng nakapasok si Jarvin sa bahay ng mga ito.

Megs shrugged her shoulder. "I don't know." anito, nakaramdaman naman siya ng bahagyang pag-alala para rito. Ganoon naman talaga ang isang taong nagmamahal. Makita mo lang ang taong mahal mong nalulungkot. Triple para sa'yo ang nararamdaman mong lungkot. Nang hindi siya makatiis ay tumayo siya sa kinauupuan para puntahan at kausapin ito. She doesn't care kahit hindi siya nito kausapin o hindi nito sabihin sa kanya ang bagay na nagpapalungkot rito. All matters to her right now ay ang damayan ito. Gusto niyang ipakita rito na kahit ayaw nito sa kanya ay may isang Cyrene pa rin handang dumamay rito, handang makinig sa simtiyemento nito sa buhay bilang isang kaibigan, bilang isang mabuting mamamayan ng bansa hindi bilang si Cyrene na nagmamahal rito.

"I think she needs a friend right now." she said.

Ngumiti sa kanya si Megan. Isang klaseng ngiti nang pagsuporta. "Okay. Puntahan mo na siya." anito sa kanya.

"Okay." aniya, nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng bahay. Aakyat sana siya sa hagdan papunta sa ikalawang palapag ng bahay ng mga ito ng matigilan siya. Nahagip kasi ng gilid ng mata niya si Jarvin. Papasok ito sa kusina. Kaya imbes na umakyat siya, sa kusina siya tumungo. Naabutan niya ito roon na nagbubukas ng canned beer. Pagkabukas nito ay agad nitong tinungga iyon. Tumikhim siya para ipaalam rito ang presensiya niya. Tumingin ito sa gawi niya. Mababakas sa mata nito ang kalungkutan habang nakatingin ito sa kanya. Tinanguhan lang siya nito bago ito umupo sa isang stool. Tinungga muli nito ang canned beer na hawak nito.

"Problem?" tanong niya. Isinandal niya ang likod sa dingding sa may kusina. Nanatili lang itong tahimik habang umiinom.

"Alam mo sasabog iyan kapag hindi mo ibinahagi." hindi sumusukong wika niya. "Kaya kung ako sa'yo sabihin mo na para kahit papaano ay mabawasan iyang bigat na dinadala mo." patuloy niya.

Akala niya ay mananatili na lang itong tahimik kaya laking gulat niya ng magsalita ito. "Iniwanan na niya ako." anito, pati sa tono ng boses nito mahahalata ang lungkot.

Chances and Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon