6

2.7K 72 17
                                    


Unedited


MASAYA pa rin si Cyrene kahit hindi natuloy ang lakad nila ni Jarvin ngayon. May importante kasing pupuntahan ito kaya hindi natuloy ang lakad nila. Ang sabi nito ay babawi daw ito sa kanya. Okay lang iyon sa kanya. Nangako naman ito na matutuloy ang lakad nila.Saka marami pa namang araw para sa kanilang dalawa.

"Megs saan pala pupunta ang kuya mo?" tanong niya sa kaibigan. Hindi kasi sinabi ni Jarvin sa kanya kung saan ito pupunta. Basta ang paalam lang nito ay may importante daw itong pupuntahan ngayong araw kaya nito kinansela ang lakad nila.

Megs shrugged her shoulder. "I don't know. Basta maaga siyang umalis ng bahay kanina." sagot nito. Hindi na siya muling nagtanong pa. Baka may mahalaga lang talaga itong lakad.

"Kamusta na pala kayo ni Kuya?" nakangiting tanong nito maya-maya sa kanya. Nasa veranda silang dalawa. Tambayan nila roon sa tuwing naroon siya sa mga bahay ng mga ito.

"Okay lang." aniya rito. Masaya siya dahil sa wakas ay hindi na siya nito sinusungitan, hindi na siya nito binabalewala. Hindi na rin nito binabanggit ang pangalan ni Agatha sa tuwing kasama niya ito.

"Mukhang nagtagumpay ka na turuan siyang lumimot." nakangiting wika nito. "I'm so happy for you, friend." nagagalak na sabi nito sa kanya.

Tama ang kaibigan. Mukhang nagtagumpay siya. Dahil bumalik na iyong kislap sa mata ni Jarvin. Tuluyan na rin nitong nalimutan si Agatha. At lalong-lalo na ay nailapit niya ang sarili rito. "I'm happy too."

Bumilis ang tibok ng puso niya ng makarinig siya ng ugong ng sasakyan sa tapat ng gate ng mga Dominguez.

"It must be him." she said with a smile. "Silipin ko lang ha." aniya, hindi na niya ito hinintay na magsalita. Bagkus tumayo siya at naglakad papunta sa gate. Parang huminto ang ikot ng mundo para sa kay Cyrene ng Makita si Jarvin na may kayakap na babae. Kusang tumulo ang luha sa kanyang mga mata ng mapagsino ang babaeng kayakap nito. It was Agatha—ang babaeng mahal nito. Tumalikod siya ng makitang yumuko si Jarvin palapit sa mukha ni Agatha. Hindi niya kayang tingnan ang mga ito sa ganoong sitwasyon. Hindi niya iyon kaya. Huminga siya ng malalim saka niya pinunasan ang luha sa kanyang pisngi bago siya bumalik sa loob.

"O, si Kuya Jarvin na ba iyon?" bungad na tanong ni Megan sa kanya pagkabalik niya. Hawak-hawak nito ang gitara niya.

Tanging tango lang ang naisagot niya. Natatakot siyang magsalita baka gumaralgal lang ang boses niya. Tumikhim siya para maalis ang bara sa lalamunan niya.

"P-pahiram ng gitara." aniya sa kaibigan. Inabot naman nito iyon sa kanya. Itutugtog na lang niya iyong sakit na nararamdaman niya sa oras na iyon. Kinanta niya ang 'one last cry' bagay na bagay kasi ang kantang iyon sa nararamdaman niya sa oras na iyon. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Ang sakit-sakit na kasi. Para siyang binubugbog ng paulit-ulit.

"Cyrene are you alright?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Megan.

Nginitian niya ang kaibigan. "I'm all right, Megs." I guess, gusto niyang idugtong pero hindi niya nagawa. Pinunasan niya ang luha sa pisngi niya ng mamataan niya si Jarvin palapit sa kanila. Abot hanggang tainga ang ngiti nito sa kanila. Paanong hindi? Mukhang may katugon na rin ang pagmamahal nito kay Agatha. Totoo pala ang sinabi ng mahaderang isipan niya. Na nag-iimagine lang siya sa nakikita niya sa mukha ni Jarvin sa tuwing nakatitig ito sa kanya. Mabuti na lang nagising siya sa katotohanan. Pero masakit pala ang magising sa katotohanan. Dahil nasasaktan siya ng sobra.

Chances and Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon