Unedited
"ARGHH. . . " ungol ni Cyrene habang nakadapa siyang nakahiga sa kanyang kama. Nakalupaypay din ang kamay niya sa gilid ng kama. Ang sakit ng buong katawan ni Cyrene. Kasalanan naman niya kasi, nararamdaman na niya kasing masama ang pakiramdam niya ay naligo pa siya iyon na-trankaso tuloy siya. Ang totoo ay masama na ang pakiramdam niya noong namasyal silang dalawa ni Jarvin. Pinilit lang niya ang sarili no'n dahil gusto niyang tulungan si Jarvin na lumimot. At siyempre, ang makasama niya ito. Pagkakataon na rin iyon, kaya dapat hindi masayang at palagpasin. Parang may nakadagan ding ten wheeler truck sa katawan niya dahil ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Muli siyang napaungol.
Hindi niya pinansin ang mahinang katok mula sa pinto sa kanyang kwarto. Nanatili pa rin siyang nakapikit at nakahiga. Hanggang sa namalayan niya ang pagbukas at pagsara niyon.
"Ma, I don't want to eat. " aniya, nasisiguro kasi niyang ang ina ang pumasok sa kwarto niya. Kanina pa kasi siya nito pinipilit na kumain pero matigas ang ulo niya. Wala kasi siyang ganang kumain sa oras na iyon. Wala din naman lasa iyon kahit gaano pa kasarap ang pagkaing nasa harapan niya. "Ma, can you massage my back? Please?" aniya sa ina. Masakit kasi talaga ang buong katawan niya.
"Cyrene. . . "
Sa kabila ng sakit na nararamdaman ni Cyrene ay hindi pa rin niyang maiwasan mapangiti. Naririnig kasi niya ang boses ni Jarvin na tumawag sa pangalan niya. Kahit masama na ang pakiramdam niya, ang binata pa rin ang nasa isip niya. Iba talaga kapag mahal mo ang isang tao, naisip niya.
"Ma, bakit nag-iba ang boses mo?"
"Because, I'm not you're mother." Dahil do'n ay nagmulat siya ng mata. Pag-angat niya ng mukha ay ang nag-aalalang mukha ni Jarvin ang nabungaran niya na nakatayo sa gilid ng kama niya. Saglit din silang nagkatitigan na dalawa. Hanggang sa manlaki ang mata niya ng ma-realize niya kung ano ang hitsura at ayos niya. She look like a mess. Magulo pati ang ayos ng buhok niya. Hindi kasi niya inaasahan na dadalaw ito sa bahay nila. Tanging ang kaibigan si Megan lang ang nakakaalam na may sakit siya. Hindi niya iyon sinabi kay Jarvin. Kaya laking gulat niya ng makita ito. At sa loob pa ng kwarto niya! Dali-dali siyang bumalikwas ng bangon. And it was wrong move dahil na sa gilid pala siya ng kama. Tuloy-tuloy siyang bumagsak sa carpeted floor.
"Aray!" daing niya. Agad naman siyang dinaluhan ng binata.
"Are you okay?" tanong nito sa nag-aalalang tinig. Inalalayan siya nitong bumangon at dahan-dahang pinaupo sa kama. Nang hindi siya sumagot ay muli nitong inulit ang tanong nito. "Are you okay?"
Umungol lang siya bilang sagot mas sumakit pa yata ang buong katawan niya dahil sa pagkakahulog niya sa kama.
Ikaw naman kasi, eh. paninisi sa kanya ng bahagi ng isipan. Masyado ka kasing natataranta sa presensiya ng iniirog mo.
"I'm sorry nagulat yata kita." hingi nito ng paunanhin. Nang magtama ang mata nilang dalawa ay may kakaiba siyang nakikita sa mata nito na hindi niya kayang bigyan kahulugan. Naging malamlam din ang mata nito habang nakatunghay pa rin ito sa kanya. And her heart beat eratically ng ngumiti ito sa kanya. Simpleng ngiti lang nito ay parang nagliwanag ang buong paligid para sa kanya. What more pa kaya kung araw-araw siya nitong ngi-ngitian. Para ding nawala iyong sakit na nararamdaman niya sa simpleng ngiti nito.
Masyado lang ako nataranta sa presensiya mo kaya nagulat at nahulog ako sa kama. "Hindi mo kasalanan, Jarvin." aniya, tinulungan siya nitong isandal siya sa headrest ng kama Inayos din nito ang kumot niya.
BINABASA MO ANG
Chances and Forever (Completed)
Narrativa generale"Hindi importante sa akin ang kayamanan. Dahil ang pagmamahal ko sa'yo at ang pagmamahal mo sa akin ang tanging kayamanan ko. And you are my treasure I want to keep, forever."