9

2.1K 57 0
                                    


Unedited


NAGULAT si Cyrene ng bumungad sa kanya ang mukha ni Agatha ng bumukas ang elevator sa Condominium nila. Hindi niya inaasahan na makikita niya itong muli. Mababakas din ang pagkagulat sa mukha nito ng makita siya. Pero agad din iyong nawala ng dahan-dahan itong ngumiti sa kanya. Lumabas ito mula sa elevator at lumapit sa kanya. Napaatras naman siya.

"A-agatha?" banggit niya sa pangalan nito.

"Yes it's me. Long time, no see, Cyrene."

Tumikhim muna siya bago sumagot. "Yeah. Long time, no see." ulit niya sa sinabi nito. "Ano pala ang ginagawa mo rito?" hindi niya napigilang itanong kay Agatha.

"Dito ako nakatira." sagot nito.

Pinigilan ni Cyrene na huwag mapasinghap sa sinabi nito. "D-dito ka nakatira?" hindi niya alam ang bagay na iyon. Hindi kasi niya ito nakikita.

"Yup. Ikaw ano ang ginagawa mo rito?" balik tanong naman ni Agatha sa kanya.

"Dito din ako nakatira." tanging sagot ni Cyrene.

"Really? What a coincidence. Hindi nasabi ni Jarvin sa akin na dito ka din pala nakatira? At lalaki talagang iyon. Masyadong malihim." iiling-iling na wika ni Agatha.

Kumabog ang dibdib ni Cyrene. "H-hindi nasabi ni Jarvin sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo." maya-maya ay kumunot ang noo ni Agatha. "Don't tell me? Hindi niya sinabi sa'yo na nagkikita kami ni Jarvin?" Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya alam na may komunikasyon pa ang dalawa. Lalong hindi niya alam na nagkita ang mga ito. Wala kasing binabanggit si Jarvin sa kanya. Hindi niya napigilan ang puso niya na makaramdam ng panibugho sa kaalamang iyon.

Maya-maya ay nakita niya ang pagseryoso ng mukha ni Agatha. "Cyrene can I talk to you?"

"WHEN I left. I realize one thing." umpisa ni Agatha. Nang sabihin nitong gusto siya nitong kausapin ay dinala niya ito sa Coffee shop na matatagpuan lang sa lobby ng Condominium Unit nila. Hindi alam ni Cyrene kung bakit nakaramdam siya ng kaba. At ang kabang iyon ay hindi niya maipaliwanag.

"Mahal ko si Jarvin." wika nito sa kanya na walang pasakalye. Dere-deretso. Kung nakatayo lang sana si Cyrene ay baka natumba na siya wala sa oras. Mabuti na lang ay nakaupo siya. Thank god for that.

"Nagsisisi ako ngayon kung bakit ako umalis sa kabila ng pag-aamin niya sa'kin na mahal niya ako hindi bilang isang kaibigan kundi bilang isang babae. I told him that I don't love him. Kasi hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya noon. Tama nga iyong sinasabi ng karamihan. Na doon mo malalaman na mahalaga o mahal mo ang isang tao kapag wala na siya sa tabi mo. Dahil sa nakalipas na panahon hungkag ang pagkatao ko. Do'n ko na-realize na mahal ko pala ang bestfriend ko. Mahal ko pala si Jarvin" pagtatapat nito sa kanya. "Alam kung hindi pa huli ang lahat. Alam kung mahal pa rin ako ni Jarvin." tila sigurado ito sa turan nito.

Paano ka nakakasiguro na mahal ka pa rin niya? "Bakit mo sinasabi ito sa'kin, Agatha." tanong niya rito.

"Dahil alam kung mahal mo din si Jarvin. Saksi ako noon sa pinag-gagawa mo noon mapansin ka lang ni Jarvin. Saksi ako no'n na halos magpakatanga ka makuha mo lang ang atensiyon niya sa akin."

Hindi tanga ang ginagawa ko noon. Pagpapakatotoo iyon, gusto niya sanang ibulalas iyon rito pero hindi niya nagawa bagkus ay nakipagtitigan lang siya rito. Maya-maya ay tumayo na ito at nagpaalam sa kanya. Napahinto ito sa akmang paglalakad ng magsalita siya.

Chances and Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon