Kasalukuyan namang umaandar ang van nila brande. mag kakatabi kame sa loob, yung totoo bodyguards ko sila haha, actually ako talaga bunso sa apat katulad nang sinabi ni chehai kanina, kaya alagang alaga nila ako haha sarap pala na inaalagaan ka nang mga kuya mo.
"kaelin papasok kaba bukas?" Tanong ni owen, nilingon ko naman siya.
"depende!" Aniya ko,
"suss.. magaling kana. Kaya pumasok ka!" Pabarang tugon ni brande. To'ng lalaki na to talaga eyy. Lagi ako binabara, sakto naman ng pag hinto namin ay nasa tapat na kami ng bahay.
"baby tumawag ka naman huh!" Biro ni bakla na pinaaalahanan ako nung silipin ako nang pag ka labas ko sa van.
"Oo na!" Sambit ko, saka ko isinara ang pinto. kahit na malayo na yung van rinig ko parin yung tawa nila tssk trip talaga ako pasaway. naka sulyap lang naman ako sa likod ng van hanggang sa ito ay mawala sa paningin ko. Papasok na sana ako nang mapansin ko yung kalapit nameng bahay, may naaninag naman akong nakatingin pero agad pumasok sa loob, waaaaahh! Nakakakilabot talaga to'ng bahay na'to, tumayo naman yung mga balahibo ko, kaya agad nakong pumasok sa bahay.
Pag ka pasok ko bumungad na agad sa'aken si mama sa pinto, naka tingin siya sa'aken na nag tataka.
"anong nangyare sayo? Ang aga aga para kang naka kita ng multo?" Aniya.
"ah- eh- kasi ma, may nakatira ba diyan sa kalapit nating bahay?" Tanong ko. Napa silip naman siya sa likod ko at sinulyapan ang kabilang bahay.
"meron, baket?" Tugon niya. nagulat naman ako at napa lingon ule sa kabilang bahay.
"wala!" Sambit ko na Pag pupumilit, napa dungaw naman ako ulit sa kalapit na bahay! Ano ba to si mama? Bulag bulagan lang, eh baka multo kamo.
"baket, ano ba nangyare?" Aniya.
"eh kasi..... nevermind nalang ma." Aniya ko sabay panandaliang napasulyap uli sa kalapit na bahay bago ako umakyat.
"nangyayare sa batang to' ?" rinig kong sabe ni mama ng maka akyat ako. Sinandal ko naman likod ko sa pinto. hayss wala naman talaga nakatira dun e kinakalawang at binabahayan na ng alikabok tapos she was saying na may nakatira dun eeeeeeeeeh ang creeeeepyy ni mama. Pumunta naman ako sa kama ko at binuksan ang speaker ko na nasa tabi ng lampshade, habang puno ng musika ang buong kwarto ko inayos ko naman ang kama ko.
"kaelin?" pag kakatok ni mama sa pinto ko, agad ko naman itong binuksan.
"why?" tanong ko.
"anglakas ng music mo, patayim mo nga!" sambit niya, pinuntahan ko naman ka'gad yung speaker saka ko pinatay. At tumungo sakanya uli.
"samahan mo ako." aniya.
"saan?"
"sa kabilang bahay!" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Ghadd ma, seryoso ba'to?.
"no.. Never.. ayoko!" aakmang isasara ko naman yung pinto nang pinigilan niya ito ng kamay niya.
"at baket ayaw mo, aber?" masunget na tugon niya. Hala ka kaelin huhuhu walang ganyanan ma. Pwede ikaw nalang or sa ibang bahay nalang basta 'wag diyan sa creeping bahay.
"masama pakiramdam ko, babay!" pag papanggap ko. Pwede nayun siguro para maniwala siya para 'di niya na ako pilitin. Aakma namang isasara ko na yung pinto ko.
"hindi!" waaaaaah, hindi na ako nakapag salita ng hilain niya ko pababa ng kwarto waaaah ma wag ganyan no no no.
"dito ka lang!" aniya at panandalian niya akong binitawan at tumungo sa lamesa kung nasan yung isang pagkain na nasa Tupperware, pag kakataon ko na to para tumakas. Malumanay akong Humahakbang pa kunti kunti pa pa akyat sa hagdan.
YOU ARE READING
18 : 19
Roman pour AdolescentsSi kaelin ang tipo ng lalake na mabait, matalino, sexy at yung tipong literal na masasabi mong 'studyholic' at pihikan sa babae pero unexpectedly makikilala niya si yumi. na aakalain mong mahinhin pero MASUNGET. Pero sa isang unexpected nayun na pag...