BRANDE'S P. O. V
agad ako'ng nag madaling pumunta kay nila kaelin dahil tumawag sa'kin si tita sinundo ko narin sila owen at sancha.
"ano ba kasi nangyare brande? Kinakabahan ako sayo e!" alalang sabe ni sancha.
"Oo nga!" gatong ni owen na nag aalala rin. Miski ako nag aalala rin e. Nakarating na kami kay nila kaelin kaya agad kami bumaba.
Nadatnan namin si tita na naka upo sa lamesa poblemado. "tita, ano po nangyare?" tanong ko ng makalapit na kami sakanya.
"si kaelin kasi kagabe pa hindi kumakain at nag mumukmuk lang sa kwarto niya at nag wawala, iyak ng iyak. nag aalala na ako mga anak!" naiiyak ng sabe ni tita.
"ano po ba talaga nangyare tita?" aniya owen.
Nag buntong hininga si tita. "Kahapon kasi nag confess si yumi saaming lahat na may leukemia siya dahilan nga para sobrang masaktan si kaelin kino-comfort ko siya na tatagan niya pero sobrang nasaktan talaga mga anak, tulungan niyo sana ako!" aniya. Nag madali namang umakyat si sancha at pilit na pinapalabas si kaelin na kanina pa namin naririnig ang iyak.
"anong gagawin natin?" nag aalalang sabe ni tita.
"alam ko na po!" sambit ko saka agaran kinuha cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan si chechai. Siya kasi ang pinaka close kay kaelin simula pa ng childhood naming lima.
("oh! Baket?") sagot ni chechai sa tawag ko.
"punta ka nama-----" hindi ko na natuloy sasabihin ko ng inunahan niya ako.
("teka...si sancha ba yung sumisigaw?") tanong niya. Sa tuno palang ng boses niya nakaramdam na ako ng pag aalala.
"Oo, tungkol nga kasi kay kelin yung ibig kung sabihin na------" hindi ko natuloy ng bigla niyang ibinaba ang line.
"ano sabe?" tanong ni owen.
"ewan.. Bigla niya binaba yung phone e!" sambit ko. Nagulat nalang kami ng biglang sumulpot sa harapan namin si chechai.
"asan si kaelin? Si yumi? Ano ba nangyare?" agarang tanong ni chechai.
"may leukemia si yumi at sobrang nasaktan si kaelin, hindi niya ma-tanggap!" sambit ko kay chechai. Napatakip siya ng bibig at halata ko na hindi rin niya inaasahan na marinig iyun.
END OF P. O. V
"kaelin ako 'to, si chechai. Mag usap tayo!" wala namang pag aalinlangan ng pag buksan ko ng pinto si chechai. Nakangiti siyang nakatingin saakin. Sinara ko na yung pinto at umupo sa kama ko. Umupo rin siya.
Hinimas niya likod ko. "ok lang yan, iiyak mo lang!" sa sinabe niyang yun lalo ako'ng humagulgul sa iyak. Magang maga na ang mata ko.
"ate chechai!!" sambit ko saka siya niyakap. Gumante rin siya ng yakap at hinihimas ang likod ko habang humahagulgul sa iyak.
"ok lang yan, iiyak mo lang yan pero haharapin mo ang katotohanan huh! at tatagan ang loob mo malalagpasan niyo rin yan basta pray lang tayo huh!" aniya. Umiiyak lang ako sakanya habang kayakap siya.
"yummmmmiiii!" napahinto ako sa pag iyak ng narinig ko ang boses ni tita jess na sinigaw ang pangalan ni yumi na may halong takot. Agad nawala ang iyak ko at agaran na bumaba lahat kami napapunta sa gate at nakita naming nag lulumpasay sa iyak si tita jess.
"tita baket?" tanong ko.
"si yumi kinuha ng mga naka maskarang lalake.. " hagugul na iyak ni tita jess napalingon ako kaagad sa van na puti na medyo malayo na. tumakbo ako na hahabulin ito pero bumalik ako at sumakay ng kotse. Sumakay din sila brande,owen at sancha. Agad ko'ng hinarurot yung sasakyan. Nawala ang lungkot sa mga mata ko at napalitan ng takot at galet sinong mapangahas na kidnapin ang girlfriend ko.

YOU ARE READING
18 : 19
Teen FictionSi kaelin ang tipo ng lalake na mabait, matalino, sexy at yung tipong literal na masasabi mong 'studyholic' at pihikan sa babae pero unexpectedly makikilala niya si yumi. na aakalain mong mahinhin pero MASUNGET. Pero sa isang unexpected nayun na pag...