Pag kagising namin agad ako sinamahan nila chechai, brande at owen para mag pa reserve ng tickets pa puntang paris. Inisikaso narin namin ang passport. Ayun kasi ang hiling ni yumi saka doon narin namin siya ipapa-chemo. Lahat inisikaso namin hanggang nasa loob na kami ng airplane.
“how's feel?” nakangiti ko'ng tanong sakanya. Naka dungaw kasi siya sa mga ulap. Lumingon siya sa'kin na nakangiti.
Hinawakan niya kamay ko. “thank you for making my dream come true!” malumanay niyang sabe. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay din niya.
“you are always welcome, Girlfriend ko!” natawa siya sa sinabe ko. Ilang oras din kami nasa himpapawid at naka lapag na kami sa Paris Charles DE Gaulle airport.
Nag pa reserve na ako sa online ng hotel dito sa paris bago kami pumunta. Agad na kami doon dumaretso.
“wow ang lakiii!” manghang sabe ni Owen ng makita ang hotel.
“dito tayo?” galak na tanong ni sancha sakin. Nakangiti naman ako'ng tumango. Nag hiyaw naman suya pag katapos nun. Para siyang bata ahaha.
Mag kakatabe na yung kinuha ko'ng kwarto para sa amin. Andami namin.
“sige, pahinga ka muna huh!...tita kayo na po bahala kay yumi!” nakangiti ko'ng sabe. Tumango naman sila bago pumasok sa kuwarto. Actually dapat kami mag kasama ni yumi sa iisang kwarto kasi Girlfriend ko siya. pero babae prin siya at may respeto ako kaya mas pinili ko kasama niya ang parents niya at ang nurse niya. Bukas na ang chemotherapy niya.
“huy! Ano na naman?” tapik sa'kin ni brande. Lumingon ako sakanya saka umiling.
“hays halika na nga!” sabay akbay niya sa leeg ko pahila papunta sa kwarto namin. Mag kakatabe kaming apat. Ako, si owen, si sancha at brande. Nasa iisang kwarto kami. My dream come true din ahaha.
***
“uyy, ang aga aga mo gumising!” antok pa na sabe ni sancha habang nakahiga. Nasa terrace kasi ako. Oo, ang aga ko nga nagising kaya pinag masdan ko nalang yung Eiffel Tower. Baket kaya gusto pumunta dito ni yumi.
Lumiliwanag narin at nawawala na ang ilaw sa Eiffel Tower kaya ginising ko na yung tatlo para kumain sa baba. Tumayo naman agad sila at nag ayos bago bumaba.
“sasabay kaba saamin?” habul ni sancha. Umiling ako.
“aasikasuhin ko si yumi!” sambit ko. Saka siya bumaba. Kinatok ko naman sila yumi na katapat lang ng kwarto ko. Bumungad naman sa'kin si tito hed.
“si yumi po?” tanong ko at pilit na sinisilip.
“ayun. Gising na mana siya. Ano? Ikaw na bahala huh? Susunod na ako sa baba.” sambit ni tito. Ngumiti naman ako saka tumango.
“sige po tito!” sambit ko. Ningitian din naman niya ako sa tinapik bago bumaba. Pinag masdan ko muna si tito pasakay ng elevator ng masiguro kung wala na siya pumasok na ako sa kwarto. Silang lahat nasa baba na para mag breakfast. Kaming dalawa nalang ni yumi ang nasa taas.
“Good morning!” nakangiti niyang bungad niya sa'kin ng makita ako. Ngumiti rin ako bago siya tinabihan.
“anlaki naman ngiti. Good morning din. Ano? Nagugutom kana? O-order na ako n-----” hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng sumingit siya.
“gusto ko sabay tayo sa kanila!” aniya. Kumunot naman nuo ko.
“seriously?” tanong ko.
“muka ba ako'ng nag jo-joke?” masunget niyang sabe. Naku! Nag change mood na agad.
“o-ok ok, haha! Galit agad. Kaya mo ba?” nag aalangan ko'ng tanong. Sinamaan niya ako ng tingin. Hala! Lalo ata'ng nagalit. Teka.. May masama ba sa sinabe ko. :-(
YOU ARE READING
18 : 19
JugendliteraturSi kaelin ang tipo ng lalake na mabait, matalino, sexy at yung tipong literal na masasabi mong 'studyholic' at pihikan sa babae pero unexpectedly makikilala niya si yumi. na aakalain mong mahinhin pero MASUNGET. Pero sa isang unexpected nayun na pag...