06: kaelin feeling close

4 0 0
                                    

( knock* knock*)

Naka higa pa ako at nang Minulat ko yung mata ko dahil sa sunod sunod na pangangatok sa pinto ko at sigurado ako na si mama yun, e kame lang naman dalawa mag kasama sa bahay e, pero naantok Pa ako tiyaka ang aga pa ohh hindi pa nga sikat ang araw hindi rin tumunog yung alarm clock ko, so anong meron? 'bat ang aga niya ako gisingin? e, hindi naman niya ako ginigising unless may kailangan siya.

"kaelinnnn anak gising na!" hays bumangon naman ako sa pag kakahiga ko't dumaretso sa may pinto.

"ma..ang aga aga pa oh!" sambit ko na pa hikab hikab pa.

"Oo alam ko, minsan lang naman to saka para narin 'di ka malate at makapus sa oras!" kangiti niyang aniya.

Tumango ako sakanya "geh, baba. Nalang ako." aniya ko, saka aakmang isasara ang pinto.

"bumaba ka huh, nak!" pag papaalala niya bago siya tuluyang bumaba.

"Opooo" malumanay kong sagot saka ule ako dumapa sa kama ko, naantok pa talaga ako hays si mama ano ba kasi't naisipan niyang gisingin ako'ng maaga, pero impyernes na miss ko yung panggigising niya saaken nung elementary ako haha. Ay sandale.. napa tihaya ako sa kama ko at napatingin sa kisame, kagahapon talaga bang pumasok ako sa creeping bahay nayun? Talaga bang nakilala ko siya? Ano teka pag kakataon lang din ba ang makita siya sa school, library at ngayun nga kapit bahay ko! Di ako makapaniwala. Panaginip ba iyun lahat? Hindi talaga ako makapaniwala yung masunget na babaeng yun, hayss buti na nga lang ginising ako ng maaga ni mama. Baka maka sabay ko siya pag pasok.

"ma, pa handa ako ng breakfast maliligo na muna ako!" Sambit ko saka nag madali pumuntang cr.

"anyare sa batang iyun, kanina ayaw niya pang gumising tapos ngayun hays!" asa cr na ako pero rinig ko pa yung sinabi ni mama. Hindi rin ako nag tagal sa paliligo ko at agad din ako natapos.

"oh ito na po sir." aniya mama ng makita ako na lumabas na ng cr. Pinoutan ko naman siya saka siya tumawa.

"joke lang, baket nga ba nag bago isip mo't bumangon ka ng maaga e kanina diba ayaw mo pa?" aniya habang nag lalagay ng pagkain sa plato, umupo naman ako.

"e....wala lang, sayang kasi. na miss ko rin yung pang gigising niyo. Kaya yun!" sambit ko, tumango naman siya.

"e, ikaw ma baket nga pala naisipan mong gisingin ako?" tanong ko. sumabay naman siya sa pag kain ko kaya umupo siya sa harap ko.

"ayunn buti pinaalala mo, may goodnews kasi ako." na eexcite niyang sabe.

"ano yun?" sambit ko habang may laman pa ang bunganga.

"so ito nga nak, kagabe..tulog ka na nun e, tumawag yung isa kung suki inaalok niya ako dahil yung isa niyang binili sa online shop ko yung secret recipe na pinapakain ko sayo nagustuhan daw ng kaibigan niya na isang ceo. 'Nak bigatin yun." tuwang tuwa niyang sambit saaken.

"oo nga ma bigatin nga, so ano nga ma yung inalok sayo?" tanong ko parin habang nakain.

"yung inalok niya sakin nak....talagang yayaman na tayo, yung ceo kasi nayun nak ceo ng sikat na mga restaurants sa Singapore so gusto daw niya ako makilala at mag luto sakanya dun!" na eexcite niyang sabe.

Nilunok ko muna pagkain ko "gusto ka niyang makilala at gusto 'din niyang ipagluto mo siya. sa Singapore ma? So anong purpose nun ma?" seryoso kong tanong sakanya, nawala naman pag ka excited niya.

"nak ang purpose nun makakaangat na tayo sa buhay, kaya gusto niya akong makilala at maipagluto siya dahil kapag nagustuhan niya pwede niya akong i promote na maging chief!" pag papaliwanag niya.

"alam ko naman na mataas ang sahod dun ma, at tiyaka magandang opportunity din yan para satin pero...pero kasi-----" 'di ko na natuloy sasabihin ko dahil sumingit siya.

18 : 19 Where stories live. Discover now