08: officially friends

6 0 0
                                    

Naalimpungatan naman ako kaya napa bangon ako sa kama. Binuksan ko naman ka'gad yung lamp shade at nag palingon lingon.

"anong oras na ba?" bulong ko sa sarili. Kinuha ko naman yung alarm clock ko na katabi ng lamp shade. Nan lake yung mga mata ko. alas tres palang ng madaling araw 'bat ang aga ko magising? wala pa nga sa inalarm ko, e. Tumayo ako at binuksan yung bintana na katapat ang bintana ni mimi. Baket bukas ilaw? Sanay ba siyang matulog na naka bukas ang ilaw or gising siya? Napa tingin ako sa bandang baba.

"sino yun?" muntik na ako matakot at isasara ko na sana bintana ko kaso napansin ko na tao yung naka upo sa labas ng gate nila. Si mimi ba yun? Imposible pero parang siya nga. Agad akong tumungo sa baba. Nag dahan dahan lang ako sa pag baba. Baka magising si mama.

Sumilip muna ako sa gate. Naka upo parin siya at naka tingin sa malayo. Parang si mimi talaga e! Lumapit naman ako sakanya pa unti unti saka dahan dahang umupo sa tabi niya.

"umiiyak ka ba?" tanong ko. Pansin ko naman na nagulat siya kaya agad niyang pinunasan mukha niya. Si mimi nga to. Gilid palang ng mukha niya alam kong siya na. Pero baket siya umiiyak? at nag iisa sa gantong oras?.

"baket ka andito?" masunget niyang tugon. Napa ngisi naman ako. Tumingin siya sakin dahil dun. Baket kasi? Ansunget na naman niya haha! Ang aga aga e.

"anong nakakatawa?" she said. Tiningnan ko siya ng seryoso saka umiling. Umiwas naman siya ng tingin.

"kung pwede lang, bawasan mo pagiging masunget mo!" sambit ko.

"and why?" tanong niya. Tinatanong pa ba yun.

"hmm.. Maganda ka kasi. Kaya ampanget mo pag palagi kang masunget!" hindi siya naka tingin sakin ng ngumiti siya. Teka! Ano? Oo ngumiti siya. Woah! Hindi ko alam pero bigla akong sumigla. First time siya ngumiti dahil sakin. Kung alam ko lang na iyun pala ang makakapag pangiti sakanya, dapat pala matagal ko ng ginawa.

"ngumiti ka?" masigla kong tanong. Nanlake naman mata niya ng tumingin sakin.

"hindi!" mariin niyang tugon. Ningitian ko naman siya. Actually kanina pa talaga ako naka ngiti.

"sandali dito ka lang, i cecelebrate natin ang pag ka ngiti mo." Oa na ba ako? Bahala na nga. Ang saya ko lang talaga. Naka tingin lang siya sakin. Habang patayo at pabalik ng bahay.

Nasa bahay na ako saka ko in-start yung kotse. Saka dahan dahang pinaandar palabas. Bumaba naman ako. Nakita kong naka tingin lang siya sakin. Ningitian ko naman siya. Saka ko sinara yung gate. At bumalik sa kotse. Pinaandar ko naman papunta kung saan siya naka upo.

"sakay kana!" yaya ko sakanya. Bigla namang nag salubong kilay niya.

"baket?" tanong niya. Napa ngisi naman ako.

"punta tayo sa webo!" sambit ko. Nawala naman kunot ng nuo niya. Sa webo, tambayan talaga ng mga kwago, ay este! Tambayan ng mga gising sa gabi. Parang Starbucks narin. Twenty four hours kasi sila bukas.

"anong gagawin natin dun?" tanong niya. Hays tinatanong pa ba.

"sshh..sasakay ka o bibitbitin pa kita!" sambit ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko Haha! Sasakay nayan ta'mo.

"tssk. Ito na!" sambit niya saka pumasok sa likod ng kotse.Haha! Sabi na, e. Ayaw niya talaga mabitbit haha!. Inumpisahan ko naman paandarin papunta sa webo.

"bat ang aga mo magising?" tanong niya. Tiningnan ko naman siya sa salamin. Napa ngiti na naman ako ano bayan! Ansaya saya ko lang talaga, first time niya ako ngitian first time niya rin ako kausapin na hindi nag susunget.

"hoy! Anong iniisip mo?" sigaw niya. Nagulat ako saka tumingin uli sakanya. Hayss masyado akong nadala ng iniisip ko.

"wala..ikaw? Baket ka umiiyak kanina?" tanong ko. Napaiwas naman siya ng tingin. Panandalian nawala yung ngiti ko. Baket? Parang lalo siyang nalungkot. Ngumiti nalang ako uli.

18 : 19 Where stories live. Discover now