Halos tulog lahat ng nasa kotse maliban lang saken at kay kuya job. Medyo hating gabi narin ng matapos ang meeting ni mama. Kaya nakatulog narin siya. Napagod din kasi sa dame pa naman niyang customer kanina. Basang basa rin kame kanina buti na nga lang may dala si mama na extra, kaya Nakapag palit kame ng damet kaso sweeter at jaging pans nga lang. Pare parehas pa kame ng suot ng mga pasaway na himbing na himbing sa pag kakatulog haha.
'Di, ako maka tulog ayaw kasi maalis sa isip ko yung nadampot ko kanina sa dagat.
"andito na tayo!" Napatingin ako sa bintana na bukas. Parang ambilis naman andito na kame sa bahay. Siguro nga baka dinapuan na ako ng antok kaya di ko napansin.
"gising na!" Pang gigising ko sa tatlo. Oo, sa bahay sila matutulog hating gabe na kasi para umuwe sila saka na-pagusapan na kanina na dito sila matutulog.
"hating gabe na pala!" Sambit ni owen habang pababa na ng kotse "oo dalian mo, antok nako!" Sambit ni brande habang tinutulak niya ito pa pa bilis ng lakad. Parang lasing naman na nag lalakad si bakla ahaha antok na talaga siguro.
"psst!" Pag pigil ko kay kuya job. Aambang na bubuhatin si mama. Senesenyasan ko naman siya na 'wag na at ako nalang ang mag bubuhat kay mama. Sumang ayon naman siya. At Sinumulan ko nang buhatin si mama at dahan dahan ko itong inilalabas sa kotse. Wala eh! Talagang tulog mantika. Napahinto naman ako saglit nung may naaninag ako na naka upo na naka puti na babae sa kabilang bahay. Woahh creepy! Napatingin naman ako kay mama ng gumalaw siya sa pag kaka buhat ko. Saka ule ako Bumalen ang tingin ko dun sa babaeng naka upo sa kabilang bahay. Pero laking gulat ko ng nakatingin na siya saken kaya agad ako umiwas ng tingin. Pag ka tingin ko naman ule, wala na. Wala na yung babaeng naka upo. Di ko alam pero nag madali na akong pumasok sa bahay ang creepy biglang tumayo lahat ng balahibo ko.
------------
[Knock* knock*]
"kaelin..."
Hindi pa sana ako babangon sa pag kaka tulog ko kaso anlakas ng kalabog ni mama sa pinto eh!
"woahh!!" Gulat na pag kakita ko sa tatlo na sa paligid nang kwarto ko. Grabe! Ganyan ba talaga sila matulog. Teka! 'Bat sa kwarto ko.
"KAELINNN!!!!" Bigla namang nag takip ng unan sa tenga si brande. Nga pala si mama. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto.
"baket antagal mo buksan?" Aniya sabay silip sa loob
"naaantok pako eh!" Sambit ko sakanya at kamot sa ulo.
"geh na, Gisingin mo na yang tatlo!" Napa kunot ako ng nuo. Anong meron?
"baket papaalisin na naten sila?" Tanong ko.
"hindi. Andiyan yung parents nila sa baba." Nagulat ako sa sinabi ni mama.
"hala! Sige ma, bababa na kame!" Sambit ko. Tumango naman si mama saka bumaba na. Andito yung parents ng mga pasaway. Baket? Ano meron?
"uyyy, Gising na!" Pang gigising ko sa tatlo na nakakalat sa lapag.
"ano ba. Antok pa ko eh!" Angal ni owen. Bigla naman siya nag takip ng unan. Sunod ko naman nilapitan si brande.
"gisingg na!" Pang gigising ko sa kanya saka naman siya nag talokbung ng kumot. Ay Grabe, sunod ko naman nilapitan si sancha.
"sancha. Gising na!" Pag aalog ko sakanya. Tumagal yun nang ilang segundo parang lantay na gulay paren na hindi gumalaw si bakla. Keshu naka talukbong din ng kumot. Aba! Wala ba sila balak na gumising?.
"ahh... Ayaw niyo magising ah! NASUSUNOG!" sigaw ko. Agad naman nag si bangon yung tatlo. Haha! Edi nag si bangon.
"nasan?" Nag hahanap na Sambit ni brande. Hahaha!
YOU ARE READING
18 : 19
Teen FictionSi kaelin ang tipo ng lalake na mabait, matalino, sexy at yung tipong literal na masasabi mong 'studyholic' at pihikan sa babae pero unexpectedly makikilala niya si yumi. na aakalain mong mahinhin pero MASUNGET. Pero sa isang unexpected nayun na pag...