Mga ilang oras din ako'ng nasa kwarto ko at nag si-scroll lang sa facebook, wala e. Wala ako'ng magawa saka wala kaming assignment and the fact Saturday bukas. Tumayo ako sa pag kakahiga at napasulyap sa bintana. Nakita ko na naka bukas yung bintana ni yumi at nakita ko rin siya mismo nag susulat na parang may assignment.
"Yumi!" sigaw ko. Lumingon naman siya pero walang ekspresyon ang mukha hanggang umiwas ng tingin. Ano? Galit lang? Ano ba ginawa ko.
"aba! Ayaw ako pansinin!" bulong ko sa sarili habang nakatingin parin ako sakanya. Teka nga! Tumalikod ako mula sa bintana at kinuha cellphone ko para bumaba. Pag ka baba. Ko nakita ko si mama nag lalagay ng cookies sa plate.
"Ma, pwede akin nalang yang cookies sa plate!" sambit ko. Tumingin naman siya sakin.
"baket? Dadalhin mo ba kay yumi?" tanong niya. Aba! Ang galing mang hula ni mama ah! Paano niya kaya iyun nalaman.
"Hmm oo ma!" sambit ko. Tumango naman siya kaya kinuha ko na rin yung isang plate ng cookies. Pag ka labas ko agad ako dumaretso sa tapat nila yumi.
"yumi!" pag tatawag ko habang nakatok sa pinto.
"hello po yaya yosi!" agad ko'ng bati ng pag ka bukas sa pinto na agad pag bungad sa'kin ni yaya yosi.
"oh! Kaelin, pinuntahan mo ba si mimi!" tanong niya. Tumango naman ako.
"Opo!" naka ngiting sambit ko. Tumango naman siya saka ako senenyasan na umakyat na. Na agad ko'ng sinunud. Busy si yaya. Haha!.
"yumi!" pangangatuk ko sa pinto niya. Nakatayo lang ako habang dala dala yung isang plate ng cookies, buti na rin siguro na nandito ako para matanong ko sakanya if galit siya sakin or ano?.
"baket?" Pag bukas palang niya ng pinto parang lahat ng nasa paligid ko nag slow, huminto. Parang tumigil mundo ko. Bigla ring bumilis tibok ng puso ko. 'Bat ka ganto kaelin? Why?
"huyy, baket ka andito?" sigaw niyang sabe dahilan para mahimasmasan ako. Bigla naman ako umiwas ng tingin at puwang natataranta. Why? Umayos ka kaelin. Grabe nakatulala pala ako sakanya.
"A--e---!" nauutal ko'ng sabe. Grabe kaelin umayos ka huh. Baket ka natataranta? KAELIN.
"Huy!" sigaw niya uli. Inhale...exhale.... Oks yan kaelin sige.
"Hmm, galit ka ba sa'kin?" tanong ko. Naka cross arm naman siya. Actually kanina pa siya naka cross arm simula ng pag bukas niya ng pinto ah, No! Simula nung nakita niya ako.
"Ako? HINDI!" mariin niya'ng tugon. Kasabay ng pag iwas ng tingin sa'kin. Di naman siguro halata na may galit siya sa'kin nuh?.
"Sus...So why are you acting like that!" sambit ko. Naks naka English si mayor. Kumunot naman nuo niya.
Bahagya ako tumawa. "'Di joke lang, sigurado ka 'di ka galit sa'kin?" pa cute ko'ng sabe. Nag babasakali lang baka cute ako.
Lumipas ang ilang segundo bago siya nag respond. "Oo, baket naman ako magagalit?" mahinahun niyang sabe. Nawala narin yung pag ka kunot ng nuo niya. Hehe! Tumalab ata pag papa cute ko. Haha!
"Hmm ok, may assignment ka?" tanong ko at kasabay ng pang susulyap ko sa kwarto niya. Bahagya kasi naka usli yung pinto kaya napa silip ako. May nakita ako sa desk niya na mga naka buklat na libro pati ang mga iilang notebook kaya napa isip ako baka nga homework.
"Oo, pero don't worry i can handle it!" aniya.
"wews, baka galit ka talaga sa'kin e 'di mo lang sinasabe!" pag pupumilit ko na baka galit nga siya sa'kin. Tumitig naman siya sa'kin. No! Wag mo ko titigan. Bumibilis tibok ng puso ko, debale na ako yung tumitig sayo wag lang ikaw.
YOU ARE READING
18 : 19
Teen FictionSi kaelin ang tipo ng lalake na mabait, matalino, sexy at yung tipong literal na masasabi mong 'studyholic' at pihikan sa babae pero unexpectedly makikilala niya si yumi. na aakalain mong mahinhin pero MASUNGET. Pero sa isang unexpected nayun na pag...