Chapter 3 Park

291 14 2
                                    

Kyungsoo's PoV


Paglabas ko ng bahay, huminga muna ako ng malalim.


Buti naman at nakalabas pa ako ng buhay. Natatakot ako baka ikadena na ako ni mama eh.


Pero wait? Saan ba ako pupunta? Hay, eto na nga ba ang sinasabi ko wala naman akong pupuntahan.


Wala naman kasi magandang lugar na pwedeng puntahan dito e. Meron ditong public pool pero ang dudumi naman ng mga tao dun. Ew. Meron ding plaza pero may malaking tambakan dun ng basura kaya Ew parin. Meron ding park pero... pero pag mamay-ari kasi yon ng pamilya ni Jongin, for sure hindi ako papapasukin dun.


Pero hindi naman masama itry diba? Sana papasukin ako ng guard. Iclose ko kaya yung guard para papasukin ako? Haha, ewan. Bahala na nga, basta pupunta nalang ako dun.


Sumakay na ko ng Cab at sinabi kung saan pupunta.


Pagkarating ko, ayun. Bumungad agad sa akin ang mabango at masarap na simoy ng hangin. Gusto ko talaga dito kasi ang ganda ng view at ang sarap pa ng hangin, pero hindi pa talaga ako nakakapasok mismo dun sa loob kasi may guard pa. Sosyal na Park eto e.


Unti unti akong pumasok sa gate na hindi nagpapahalata sa guard.


Nang malapit na ako--"Hoy, hoy, hoy, san ka pupunta?" Sigaw sakin ng guard at hinawakan ang kwelyo ko.


"Ahm..kuya, papasok lang?" sagot ko.


"Asan muna yung id mo?" Id? Kailangan pa nun? Wow. Just wow. Napaka-sosyalin naman nitong park na ito at may pa-id id pa.

Agad kong hinalungkat yung bag ko at tinignan kung andun yung id ko, sana naman andito yun. Tinignan ko sa bulsa, wala. Sa may wallet ko, wala rin. Asannn?


"Kuya, wala eh!"


"Edi, bawal ka ring pumasok!" Waaaaaahhhh! Gusto kong pumasok!!!


"Waahhhh! Kuya naman, maawa ka..Matagal ko ng pangarap makapasok dito! Please... pagbigyan mo na ko!"


"Hindi talaga pwede miss. Kung gusto mo talagang makapasok, pwede kang mag-bayad." Nanlaki agad yung mata ko. Talaga? Pwede magbayad? May pag-asa pa naman pala eh. Hehe, for sure hindi naman masyadong mahal diba? Siguro mga 60 pesos lan--

"560 pesos per hour." sagot nung guard.


WHATTTTT??? ⊙.⊙


"KUYA! ARE YOU KIDDING ME?" Huta, may ganun ba? Park lang naman to, hindi naman gold!


"No. I'm not kidding you, i'm serious here. Now, if your not going to pay, then sorry to say but you can now go! I'm busy" Padabog na sagot niya. But wait? Nag-english din sya? Aba. Sosyalin talaga ang mga tao dito? Pati guard nag-eenglish!

"Waahhh! Kuya, please! Maawa ka naman sakin, kahit 30 minutes lang.. promise, sa susunod na punta ko dito magdadala na ako ng id at tsaka maraming pera.. pero ngayon, sige na kasi kuyaaa! pleaseeee! huhuhu" Pag-mamakaawa ko.. at tingin ko mukhang naaawa na sakin yung guard! Please. Sana. Pumayag. Na. Siya! Omgee!


"Fine! But you have a time limit, JUST 20 minutes okay?"  Sabi niya at talagang inemphasize nya talaga yung Just. oo alam ko 20 lang, to naman si kuya ginagawa akong bungol e.


"Talaga kuya? Yeheeey! Thank you thank you thank you." Nakangiti kong sabi, tumango naman sya at agad na akong pinapasok.


At pag pasok ko sa loob. ⊙.⊙


⊙.⊙


Hindi na ko magtataka kung bakit ang mahal mahal ng bayad dito !


Ang ganda ganda, lalo na yung view.


Parang may bundok, tapos ang sarap sarap pa ng hangin, may mga batang naglalaro sa mga swings at makikita mo talaga sakanila ang pagkasyosyal manamit. Ang cute. Ang sarap tumira dito. :)


Umupo muna ako sa may damuhan dito, pero shocks! Ang lambot, ano kaya ang nilagay nila dito? Tinignan ko yung pwetan ko at hindi sya narurumihan. Wow lang talaga.

Nagulat ako ng may lumapit sakin isang cute na batang lalaki. Ang cute ang taba ng cheeks nya, ang sarap kurutin.


"Hi pretty, this is for you!" sabi niya at tsaka inabot ang isang pitas na flower. wow. pretty daw ako? haha.


"Wow, thank you" sabi ko at nakita kong namula ang kanyang mga pisngi nung tinanggap ko yung flower. Hehe.


"Thanks ms. pretty, i'll go ahead. Bye!" sabi nya at nag-wave pa ng hand. Ang cute talaga. I think mga nasa 6-7 years old lang siya.


Nilasap lasap ko muna yung sarap ng simoy ng hangin dito. Ang sarap talaga.


*Blag*


"ARAY!" Hinawakan ko tung parteng ilong ko. Ang sakit. Natamaan ba naman ng bola. Aba, paano nagkaroon ng bola dito?


Tinignan ko kung saan nanggaling yung bola at..


⊙.⊙


Andun si Sehun, Chanyeol, Chen, at Kai...


omg.


------------------------

Author's NOTE. Haha, bibitinin ko kayo lage~~~ ang bilis ko mag-ud no? well, wala. sinipag ako eh

Vote, comment. :)

PS: Babae po dito si Kyungsoo ha! BA.BA.E :) Babae XD haha.

Arrange Marriage [KAISOO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon