Prologue

16 0 0
                                    

PROLOGUE

♥~♥~♥~♥

I am Jennica Earn Sebastian. Ang haba ng pangalan ko 'no? Ewan ko din kung bakit ganito kahaba yung pangalan ko eh. Ang sipag nang parents kong magisip ng mahabang pangalan. Pero hindi ako tinatawag sa mahaba kong pangalan. They're call me "Jenicca Seb." for short.

How should I describe myself to you? Hmmm..

Siguro sa pagiging single ko. 'di kasi ako tulad ng mga kaibigan ko na lahat sila may kanya kanyang relationship pero syempre, hindi naman ako nagiisa..

Meron din akong isang kaibigan na katulad ko, katulad ko na single din. Parehas nga kameng malungkot pagdating sa love na yan. Minsan kasi nakakainggit yung mga kaibigan namen na merong kanya kanyang love life.

Nasa park kame ngayon, sa park kung saan lagi kameng nagpupunta tuwing nagkakasiyahan o 'di kaya naman gusto lang namen.

Pero, ilang minuto lang nagkayayaan na silang umalis. Siguro para masolo nila yung girlfriend/boyfriend nila. Syempre, ano panga ba ang bago? Naiwan nanaman ang nga single. Kame lang naman dalawa ni Drake yung single sa magkakaibigan eh.

Habang nakatingin kame sa kawalan, syempre ang lungkot lang ng aura nameng dalawa dito.

"Tayo na lang talagang dalawa ang laging naiiwan dito." may lungkot sa mga boses niya kaya 'di ko maiwasang mapatingin sa kanya.

Ngumiti ako ng tipid pero may halo yung lungkot.

"Oo nga eh, minsan nakakainggit din yung mga kaibigan nateng mayroong sariling love lifes. Tayo na lang lagi yung napagiiwanan." ewan ko pero parang naiiyak ako sa sinabe ko. Ang baliw ba?

"Hayy, minsan 'di ko na alam kung ano bang meron sa'kin at bakit hangang ngayon, wala parin." katulad ko, malungkot din siya. Hindi ko makita ang reaction niya pero halata sa boses niya.

Naaawa ako sa kanya at pati narin sakin. Ewan, ang gulo lang talaga.

May biglang pumasok sa isip ko ewan ko kung masayang gawin 'to pero parang kusa na lang siyang sumagi sa isip ko. Medyo napaisip ako dun ah.

"Love game tayo!" masiglang sabe ko sa kanya.

Napatingin naman siya na parang nagtataka.

"Pero paano?" tanong niya. Halatang nagtataka parin siya.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. Ewan ko kung tama pero baka ito din ang makatulong samin.

"Magiging girlfriend mo ako at magiging boyfriend naman kita. For 40 days." paliwanag ko sa kanya.

"Mukang masaya yan ah. Sige."

Napangiti na lang din siya at pati ako. Madali naman pala kameng magkakasundo eh. Kung sabagay, parehas kameng loner.

"Ano deal?" tanong ko sa kanya.

"Deal."

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon