EPILOGUE
♥~♥~♥~♥
[Now playing : Sa kanya - MYMP]
"Kamusta kana?" tanong ko sa kanya. Para akong baliw na kinakamusta yung puntod niya.
"Alam kong masaya kana diyan sa langit.."
Napayuko na lang ako sa nasabe ko. Ilang taon na ba ang nakalipas pero hanggang ngayon parang sariwa pa ang lahat sakin.
"Kung pwede nga lang bang sumunod sayo diyan ginawa ko na. Kaya lang baka magalit ka sakin." minsan ko na ding binalak sumunod sa kanya pero sa tuwing maiisip ko yung i-rereact niya pag ginawa ko yun parang natatakot akong magalit siya. Mahal ko eh.
"Naiinip na nga akong makita ka ulit. Yung mga ngiti mo miss na miss ko na."
Hindi ko na mapigilan yung mga luha ko. Parang bumabalik nanaman lahat ng sakit pero hindi na tulad ng dati kasi alam kong magkakasama din kame. Halos binibilang ko na ang araw at taon dahil sabik na sabik na akong makita siya.
"Wala ka paring kupas at walang kupas yung pagmamahal ko sayo." nangingiti ako kahit na umiiyak ako. Ang sarap sabihin at iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
"Just wait me there okay? I love you Jen.."
Tumingin ako sa mga ulap. Alam kong nakatingin lang siya sakin ngayon at binabantayan niya ako.
"Hindi man tayo nagkatuluyan dito sa lupa baka sa langit magkatuluyan tayo. Dun tayo bubuo ng pamilya at mamumuhay ng masaya.. Intayin mo ako huh? Mahal na mahal kita.."
THE END

BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionPosible nga kayang ma-fall ka ng dahil sa isang "Love Game?" Paano kung matapos na yung araw na yun? Anong gagawin mo?