CHAPTER7
♥~♥~♥~♥
DAY 19 :
[Now playing : Falling In Love - Six Part Invention]
"Bat dito mo ako dinala?" tanong ko sa kanya.
Nandito kami sa ewan ko kung saang lugar 'to pero kita mo yung buong city. I guess, nasa mataas kameng lugar. Tahimik at peaceful dito wala kang maririnig na kahit anong ingay gabi na rin naman kasi saka ang ganda kasi ang daming stars.
"Alam mo bang ikaw lang yung dinala ko dito?"
Napatingin ako sa kanya pero malayo lang yung tingin niya parang ang lalim ng iniisip.
"Sabe ko sa sarili ko noon, dadalin ko lang dito yung taong siguro akong makakasama ko panghabang buhay."
"Masaya ako na nakasama kita dito ngayon. Sa ilang araw nateng pagsasama ang saya ko kasi akala ko magiging loner parin ako pero dahil sa game na 'to, naging masaya ako at dahil sayo din kung bakit ako masaya." nakatingin na siya sakin ngayon at nakangiti. Ganun din ako sa kanya pero masaya ako dahil sa mga narinig ko.
"Ako din, masaya ako na nakasama kita. Masaya ako kasi ikaw na kaibigan ko yung nakasama ko sa larong 'to." at masaya ako dahil minahal kita kahit sa isang laro lang. Kung ako lang yung masusunod, sana ikaw na lang..
Tumingala kameng dalawa sa langit. Langit na punong puno ng buhay dahil sa mga nagkikinangang stars.
Biglang may dumaan na meteors.
"Dali, hiling tayo." sabi ko sa kanya saka ako pumikit.
Humiling lang ako ng tahimik...
BINABASA MO ANG
Love Game
Teen FictionPosible nga kayang ma-fall ka ng dahil sa isang "Love Game?" Paano kung matapos na yung araw na yun? Anong gagawin mo?