CHAPTER10
♥~♥~♥~♥
DAY 28 :
Inaayusan na ako ng make-up artist ni Mom. Ewan ko ba kay Mom kung bakit kaylangan ko pangayusan eh dito lang naman sa bahay saka birthday ko lang naman ngayon. Wala namang special dun.
"Mam Jenicca, muka na kayong prinsesa.." sabe nung beki na artist. Ang galing niya magayos.
"Thanks Angel." sabe ko dun sa beking nagaayos sakin sa muka.
Ngayon naman, yung buhok ko naman yung inaayos niya. I think parang kay Bell yung ayus ng buhok ko pati yung gown ko pero color violet kasi yun yung favorite color ko eh.
"Jaraaa!"
"Mam, ang ganda niyo po talaga. Tapos na po. Tulungan ko na po kayong magsuot ng gown niyo." sabe niya.
Tinulungan niya nga akong magsuot nung gown. Mahirap isuot pero ayos lang.
Natapos na kame. Parang manghang mangha nga si Angel nung nakita ako eh.
"Hey.." natatawang tawag ko sa kanya. Nakanganga kasi eh. Hahaha.
"Wow! Princess na princess ang dating mo girl."
"Thanks."
"Sigurado po akong madaming magkakandara sa inyong papa ngayon."
"Sus, bola mo." tumawa na lang ako sa kanya.
Lumabas muna siya at naiwan ako dito, nakatingin sa salamin. Ang gands ko nga talaga pero mas magandang maging simple lang.
Bigla akong nalungkot. Happy turn to sad ang peg ko ngayon. Hindi pa kasi nagpaparamdam si Drake hanggang ngayon, tinetext ko siya pero hindi siya nagrereply. Miss na miss ko na siya sana nandito siya pero parang malabo eh.
Nasan ka na ba kasi Drake? Miss na miss na kita. Kahit ngayon lang sana may karapatan akong mamiss ka. Miss lang naman eh.
Biglang may kumatok sa pintuan ko. Sino kaya yun?
"Come in."
Nagbukas naman yung pinto. Si Mom pala. Ang ganda ganda niya para siyang princess sa suot niya para siyang teenager ngayon.
"Ang ganda ganda naman ng anak ko." puri niya sakin. Abot langit yung ngiti niya ngayon.
"Mana lang sa inyo, Mom." natatawang sabi ko. Niyakap niya naman ako.
"Dalagang dalaga na ang princess namen." may mahal na nga po eh, pero wrong move naman. Huhuhu.
"Let's go?"
Sabay na kameng lumabas ng kwarto ko pero bigla niya akong iniwan. Anong problema ni Mom? Tss. Ako na lang tuloy yung naglalakad pababa.
Ang tahimik naman dito parang wala namang party eh. Ginugood time lang ata ako eh.
Nasa hagdanan na ako pero ang dilim. Ang creepy ng dating huh.
Biglang may tumugtog. Sinundan ko lang yung music kung saan ng gagaling.
[Now playing : You and I - Jamich]
Hi
Girl, you just caught my eye
thought I should give it a try
and get your name and your number
go grab some lunch and eat some cucumbers
Nandito na ako sa may labas papunta sa may garden. I think, sa pool area nanggagaling yung music na yun.
WHY, DID I SAY THAT?
BINABASA MO ANG
Love Game
Dla nastolatkówPosible nga kayang ma-fall ka ng dahil sa isang "Love Game?" Paano kung matapos na yung araw na yun? Anong gagawin mo?