Chapter6 ♥ Love Game (Day16)

7 0 0
                                    

CHAPTER6

♥~♥~♥~♥

DAY 16 :

"Wake up sleepy heads.."

Unti unti kong minulat yung mata ko. Boses niya yung narinig ko hindi ako pwedeng magkamali.

"Goodmorning." bati niya sakin pero ako in shock parin.

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong niya.

"Ah. Hehehe.." nagkusot ako ng mata ko baka namamali lang ako ng tingin eh.

Pagmulat ko, hindi nga siya malikmata kasi totoo ngang nandito siya, sa harap ko mismo.

"Breakfast in bed." saka niya pinatong yung tray na may lamang breakfast sa lap ko.

"Ako nagluto niyan."

Seryoso? 'di nga?

"Ikaw talaga nagluto nito?"

Tumango tango siya habang nakangiti. Waa,talaga? Ang sweet naman ng boyfr este ni Drake.

Awtomatikong napangiti ako.

"Salamat Drake."

"Wala yun. Ikaw pa." sabay winked. Okay na sana eh. Tss.

Kumaen na lang ako habang siya nakaupo lang sa tabi ko pinagmamasdan ako. Sinubuan ko nga siya eh 'di nawala yung pagtitig niya sakin.

Natapos na akong kumaen. Kaya pinakuha ko na dun sa maid namen yung tray. Infairness ang sarap magluto ni Drake. Ibang iba talaga yung Drake na nakilala ko noon sa ngayon.

"So, bakit ang agap mong pumunta? Namiss mo agad ako?" biro ko sa kanya.

"Oo namiss kita. Wala lang, gusto lang kita makasama." pwede na ba akong kiligin? Hihihi. Landi ba? Yaan niyo na, minsan lang naman 'to eh.

"Ano namang gagawin naten?"

"Gusto mo movie marathon tayo?" tanong niya sakin. Syempre, tinatanong pa ba yun? Gusto ko yan kasi siya yung nagyaya.

"Sige ba. Kaya lang wala na ata akong new movies eh." yun lang.

"Meron akong dala. Pili ka na lang." aba, pinaghandaan talaga ah. Naku, kung hindi ko lang 'to kilala baka napagkamalan ko na siyang may gusto sakin. Ayoko lang magasume.

Pinakita niya sakin yung mga DVD's na dala niya at wow, mga orig bagong bili pa. Bumili pa talaga.

"Paranormal Activity." yan, yan yung gusto ko. Bakit ba! Nagmamatapang ako eh. Hohoho.

Kwentuhan lang muna kame. Kumaen kame ng Lunch tapos nagkwentuhan ulit. Sayang, walang sila Mom. For sure, matutuwa yun na nandito si Drake.

Nagdinner na din kame. Pagtapos namen magdinner. Niyaya ko na siyang tumaas para manood ng movie.

Siya na yung nagayos kaya ako nakasandal lang sa headboard. Madilim kasi pinatay niya na yung ilaw tanging TV na lang yung nakaopen. Lumapit na siya sakin para maupo.

Nagsimula na yung movie. Nakakatakot naman ngayon.

May times na nagugulat ako at napapayakap kay Drake. Sanay nanaman ata siya sakin kaya kinocomfort niya ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi ko man lang napasalamatan si Drake.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon